Luke's Point Of View
Inip na inip na ko. Kanina pa kami dito ni Reign kila Tita. Paano naman kasi, ang lakas ng trip netong si Kyrille. Palunch lunch pa siyang nalalaman.
"Dito ka na ba magpapatuloy ng college mo Luke?" Tanong sakin ni Tita.
"Don't know" cold kong sagot. Naramdaman ko naman ang pagtadyak sakin ni Kyrille. Ang laki talaga ng problema neto eh.
"Ah Tita may lakad pa ho si Luke eh." sabi ni Reign. Tinignan ko siya ng nagtataka. "Nasa mall sila Tristan pinapapunta ka" bulong niya. Psh katamad, pero sige na kesa naman sa nandito ako nakakaboring.
"Una na ho ako" paalam ko at tska tumayo.
"Hoy Zed! Saan punta mong hinayupak ka?" Puñeta Kyrille hanggang labas ba naman susundan mo ko?
Hindi ko siya pinansin at dire-diretsong sumakay sa dala kong kotse. Bago ako umalis binaba ko muna ang salamin ng kotse at sinigawan si Kyrille.
"BUKAS PUMUNTA KA NG BAHAY 10PM" biglang nanlaki mata niya. Siraulo talaga! Parang sila Tristan din eh
"Ul*l papakilala lang kita sa barkada ko." sabi ko at pinaandar na ang sasakyan. Hindi ko na hinintay pa yung sagot niya.
-
Ilang minuto lang nakarating na ako sa mall. Pinark ko agad ang kotse ko at pumasok sa loob.
Hinanap ko kaagad sila Tristan. Saan ba sila? Ang text nila sakin nasa restaurant sila eh.
Pumunta nalang ako sa restaurant na sinabi niya. Anong kalokohan 'to? Bakit sarado?
"Sir, kayo ho ba si Luke Zedrick Avila?" Tanong ng lalaki. Crew siguro siya dito. Tumango ako at ni-guide papasok sa loob. Tahimik at talagang binayaran 'to.
**
Hikari's Point Of View
Bigla akong hinila papasok nila Avi sa loob ng restaurant na 'to. Sobrang dilim at parang feeling ko may lalabas na multo anytime.
"Hoy Avi, Emmz, Aya! Saan kayo?" tanong ko. Walang sumagot. Anong kalokohan ng mga 'to?
"AVI, EMMZ, MARIAH! KAPAG AKO NAMATAY DITO SA LOOB MUMULTUHIN KO TALAGA KAYO" sigaw ko ulit. Feeling ko iniwan nila ako dito eh. Lalabas na sana ako ng may marinig akong nagsalita.
"Hindi mo ba inisip na kinulong ka nila dito?" tanong niya. Napalingon ako sa kanya. Cool na cool na nakaupo sa isang upuan. For 2 ang table. May kandila sa gitnan ng mesa tapos roses sa paligid.
YOU ARE READING
Wonderstruck {KN}
Fanfiction"I'm wonderstruck, blushing all the way home". - Hikari Ampy Smith
