Chapter 5

3.1K 57 0
                                    


Jessey's POV

Dalawang taong nangungulila.

Dalawang taong pinagsisihan ang mga naging desisyon ko.

Mas pinili kung pumunta ng Singapore para mag architect at iniwan si Ria.

Isa lang naman ang dahilan kung bakit ko iniwan si Riri.

Dahil ayaw ito ni papa. Gusto niya na mas mag focus ako sa pagiging architect.

Mahal na mahal ko rin naman si Riri pero mas susundin ko ang gusto ng pamilya ko kaya pinili ko ang pagiging architect.

Tinanggap ko lahat.

Lahat ng sakit na nararamdaman.

Alam ko na si Riri pa rin ang laman ng puso ko.

Pero paano ko siya hahanapin.

Eh nandito ako ngayon sa Singapore busy sa pagtatrabaho. Minsan dalawang oras lang ang tulog ko dahil gusto ko maganda. Dahil yung una ay di maganda. Di maganda ang pagpapaalam ko kay Ria!

Di maganda ang naging pag uusap namin ni Riri.

Lahat nga nang pag eexplain ko di rin maganda.

Lahat ng nakaraan ko sa Pilipinas di maganda.

Kaya bukas na bukas mag iimpake ako at uuwi ako ng Pilipinas. Namiss ko na sila. Lalong lalo na si Riri. Ang baby Riri ko noon.

Sana mapatawad pa niya ako.

Ria's POV

Dalawang taong naka move on.

Dalawang taong naubos ang luha ko.

Dalawang taong nasira ang buhay ko.

Nang dahil sayo Jessey Laine de Leon.

Panira ka ng buhay.

Sana wag ka ng bumalik Jessey.

Nang dahil sayo nagkawatak watak ang buhay ko. Pati pamilya ko dinamay mo pa. Pati mga negosyo namin at lupain binili ng papa mo kahit ayaw namin ibenta. Mga mata POBRE!!

Sana di nalang kita nakilala Jessey.

Bakit ba ako nahulog sayo.

Pero di mo ako sinalo.

Mas pinili mo ang pagpunta sa Singapore kesa ipaglaban mo ang pagmamahalan natin.

Ano ba tingin mo sakin?

Akala mo ba wala akong maipapakain sayo?

Ano ba tingin mo sa akin Jessey?

Ilang ulit na rin akong binabangungot sa nakaraan.

Masakit lang. Masakit dahil iniwan ka ng taong mahal mo.

Di ba niya ako kayang ipaglaban.

Heto ako ngayon sa resto ko.

Nag iisip ng kung ano ano. Mainit pa rin ang dugo ko sa pamilya ni Jessey hanggang ngayon.

Buti nalang at nakapag patayo ako agad ng negosyo para maibalik saamin ang mga lupain na kinuha nila Jessey ang pamilya de Leon.

Magbabayad sila.




Love Me Like You Do (COMPLETED)Where stories live. Discover now