chapter 29

117 15 3
                                    

kiro’s PoV

continuation...

“pa-papanong nagawa mong makapag palabas ng mahika?” naguguluhan kong ani‚ pansamantala ko silang tinanggalan ng kapangyarihan bilang parusa pero‚  H-hindi gumana? masyado ba akong mahina o sadyang kayang mag pawalang bisa ng atake ang isa sa kanila?

nakahandusay ako sa sahig at pinipilit na tumayo dahil sa pag tama ng atakeng ’yun sa akin‚ totoo ngang malalakas sila.

“para lang alam mo‚ si rhea ay may kapangyarihan na kayang mag pawalang bisa ng kahit anong sumpa‚ at ang parusang ginawad mo sa amin ay parte ng isang sumpa kaya nagawa niya itong hindi paganahin sa’min. Huwag kang umasa na kaya mo kaming mapatumba sa walang kwenta mong kapangyarihan” nang-iinsulto niyang sabi at lumapit sa harap ko sabay sipa ng malakas sa may bandang tiyan dahilan para matumba ulit ako.

“b-bakit ang h-hina ko? wala manlang akong magawa para iganti si ira‚ ang hina-hina ko!!” dismayado kong sambit sa aking isip.

“sasu-sunod kilalanin mo kung sinong babanggain mo‚ talonan” muling sabi ng babaeng inadresan ng pagiging reyna.

“h-hindi maaaring hanggang dito lang ako‚ kailangan kong lampasan ang limitasyon ko‚ igaganti ko si ira”

kita kong tumalikod na ang tatlong bully na may gawa sa’min neto habang tumatawa kaya dali akong tumayo kahit na masakit ang katawan para pigilan silang umalis.

“h-hindi pa tayo tapos” walang mababakas na emosyon kong sabi habang nanlilisik sa tatlong estudyante na dahan-dahan humarap ulit sa direksyon ko.

“hindi paba sapat ang galos na natam—” hindi niya pa nata-tapos ang gusto niyang sabihin ng bigla siyang palibutan ng mga ugat na maski ako hindi ko alam kung saan galing.

bigla akong napatingin sa aking gilid ng makita kong biglang lumabas si avi mula sa isang tabi na may nanlilisik na mata.

“pinilit kong hindi kayo patulan pero lumampas na kayo sa dapat niyong kalagyan‚ hindi dahil nasa itim na bahagi lamang kami ay may karapatan na kayong api-apihin ang isa sa amin. Mga estudyante lang rin kayo dito sa paaralang ito‚ nag tataas-taasan para katakotan. Naturingan kayong nasa unang seksyon pero mas masahol pa sa mga ugali namin ang mga ugali ninyo‚ BASURA” hindi ko alam pero biglang kumintab ang kulay berdeng mata ni avi kasabay ng pag tilapon ng tinaguriang reyna ng paaralang ito at pagkawala ng malay‚ nakakatakot ang aurang ipinapakita niya ngayon.

“h-hindi ko alam na may malakas pala sa itim na bahagi”

“si avi agerver ’yan diba? ang anak ng isa sa mga heneral na itinakwil dahil sa hindi niya pag control ng kaniyang kapangyarihan”

“oo nga bes tama ka‚ ang lakas niya”

bulong-bulongan na naman ng mga bu-buyog na walang ibang ginawa kundi makipag isyusos a nangyayare ngayon.

“at para sa inyong dalawa‚ ito ang nararapat para sa inyo. VINE SWIP!!” mahina ngunit nakaka-kilabot na boses niyang sabi‚ at pag lantay ng mga ugat sa dalawa kasabay ng pagtilapon ng mga ito tulad ng nauna.

pagkatapos niyang idispatya ang tatlo ay agad siyang lumipat sa akin at tinanong kung ayus lang ba ako tanging tango lang ang naisagot ko dahil nasa state of shock pa din ako sa ipinakita niya.

“jusko dae pasensya kana talaga nahuli ako‚ inistafet ko kasi muna ang aking self para hindi makipag war sa mga chakang ’yun pero hindi kenire ng beauty kong tignan kayong nag sa-suffer from death omg ha” napatawa ako ng wala sa oras dahil sa pag co-conyo niya.

“salamat ronald” ani ko sabay tawa‚ kita ko naman ang pagkainis niya sa binitawan kong pangalan dahilan para mas lalo akong matawa.

“bwesit kang ading ka‚ makakaganti din ako antayin mo lang” nangi-gigil niyang sambit saka tinulungan akong tumayo at dinaluhan si ira saka niya binuhat‚ kaya ko namang mag lakad kaya mas inuna namin si ira dahil wala pa ring malay hanggang ngayon.

dali namin sinugod si ira sa pagamotan para agad na magamot at ilang saglit lang din ng makarating kami sa infirmary at inilapag si ira sa isa sa mga kama roon.

agad naman siyang dinaluhan ng mga healer para gamotin at ako naman ay pumunta sa kabilang kama para magpagamot rin.

hindi naman nag tagal ang pag ga-gamot sa’kin dahil kaunti lang naman ang galos ko‚ bigla akong napaisip sa sinabi ng reyna ‘kuno kanina.

nag si-sinungaling lang ba siya nong sinabi niyang kaya niya akong burahin sa mundo sa isang snap lang? o tumalab talaga ’yung binitawan kong spell kanina‚ hindi kasi masyadong malakas ’yung binitawang mahika nung sinabi nilang reyna‚ ibig-sabihin hindi talaga napawalang bisa ’yung spell na ipinalabas ko. Pinahina lang ’yun dahilan para makapag palabas parin sila ng mahika pero hindi na gaanong kalakasan.

natigil lang ako sa pag-iisip ng biglang pumasok si avi sa silid na pagamotan na inuukupahan ko ngayon.

“ayus kana ba kiro? wala nabang masakit sa katawan mo?” aniya habang bakas ang pag a-alala sa kaniyang boses‚ nahanap ko nanga siguro ang kaibigan na nababagay sa’kin‚ napangiti ako ng wala sa oras.

“salamat sa pag a-alala ron—‚ aray!! bakit ka naman nambabatok?” maktol ko habang kinakamot ang parte na pinag batukan niya.

“isa pang ronald kiro‚ hindi lang iyan ang matatanggap mo” nanlilisik ang mata habang sinasabi niya ang katagang iyan kaya humagalpak ako ng tawa‚ ang sarap niyang asarin.

tawa lang kami ng tawa ng biglang may isa na namang pumasok‚ at iyon ay si ira.

“puwedeng makisali? dinig ko kasi ’yung tawanan niyo sa kabilang silid eh” nakangiti niyang ani habang hinihimas ang kaniyang batok‚ cutie.

“ayus kana ba?” hindi ko mapigilang tanong dahil alam kong malaking galos ang nangyare sa kaniya.

“ayus na ’ko sabi ng healer na gumamot sa’kin kaya puwede na akong sumali sa bardagulan niyo” aniya sabay lapit sa’min at isa-isa kaming pinag babatukan ni avi na ikinadaing naman ng huli.

nan-lilisik namin siyang tinignan dahilan para umatras siya ng kaunti.

“p-peace” hinging paumanhin niya habang naka peace sign ang dalawang daliri saka alanganing ngumiti‚ hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya humagalpak ulit ako ng tawa na sinundan naman ng tawa ni avi‚ kaya ayon napuno ng tawanan ang silid na kinalalagyan namin ngayon.

______________________________________________

morning.

please vote & comment and please folloe me here alijore for more ud.



xWhere stories live. Discover now