Uno

21 4 1
                                    

SA isang puod na sadyang pinagpala sa kayamanan nanahan ang mga pinagpalang mamamayan. Ang kabuhayan ng mga tao rito ay namumuhay ng payak at kapayapaan. Iba’t iba ang klase ng kanilang pamumuhay na sadyang ang kalikasan lamang ang tangi nilang pinagkukuhanan. Ang mga katutubo sa lupain ito ay may nakagisnan ng kaugalian at paniniwala. Sila rin ay nakikipagkalakalan at nakikipagtalastasan sa mga banyaga. Sila ay may sarili na ring pananampalataya. Sumasamba sila kay Laon o bathala na siyang kinikilala nilang pinagmulan ng buhay. Sila ay naniniwala’t gumagalang sa kanilang umalagad o kaluluwa ng mga namatay na ninuno at sumasamba sa mga taga pagkalinga ng kalikasan na tinatawag nilang diwata.


Ang puod na ito ay ang puod na kumikislap sa silangang bahagi ng isang malaking pulo na siyang pinamumunuan ng isang maisog at makatarungang Raja na si Raja Kiling. Kilalang mabagsik sa pakikipaglaban at kailanman hindi nagpapatalo sa labanan. Lahat ng mamamayan mapa timawa o uripon ay may pantay pantay na pagtugon sa isa’t isa—isang bagay na nagpapagihawa sa kaniyang naaahupan.


Siya ay may apat na anak, pawang lalaki ang naunang tatlo at isang baeng marikit ang kaniyang bunso. Ang apat na magkakapatid na ito ay anak niya sa kaniyang asawang si Hara Magayon. Ang pinakatanyag at ang magandang talang binukot sa kaniyang panahon. Iniluwal niya sa gabi ng malaking bilog ng buwan ang binukot na pinangalanang Mayari sunod sa diwata ng buwan.


Gaya ng buwan, isang mayumi, marikit, matalino at dalisay na lumaki si Mayari. Sa kadahilanang siya lamang ang bunso nitong anak ay gayon na lang ang kanilang ang pagmamahal na binibigay rito. Walang ibang kaulayaw ang Raja kahit na ito’y malayang tinatanggap sa kanilang kultura sa kadahilanang labis labis ang pagtatangi nito sa kaniyang Hara na pinaniniwalaan niyang kaniyang nag iisa at natatanging tala.


Hanggang si Mayari ay nagdalaga na. Madami na ring ginoo ang sumubok na palayain si Mayari sa kaniyang bukot ngunit 'ni isa sa mga nagtatangka na hingin si Mayari sa kaniyang Rajang ama ay walang nagtagumpay.


NAKANGITING yumayari ng damit si Mayari habang pinapakinggan ang kwento ng nakakatanda nitong kapatid na si Ginoong Lakan.


“Ako lamang ay iyong ginagambala umbo (Nakakatandang kapatid) Lakan. Alam mo marahil na ako ay may ginagawa pa kaya nais kong malaman kung ano ba talaga ang sadya mo sa akin.” Direktang tanong ni Mayari.
Alam niyang hindi naparoon sa kaniya ang kapatid na si Ginoong Lakan para lamang bisitahin ito kundi ay may ibang sadya pa ito rito.


Humugot ng malalim na buntong hininga ang Ginoo saka tumingin ng diretso sa kaniyang binukot na kapatid. “May pumuntang panauhin rito kagabi at gustong hingin ang kamay mo. Ngunit hindi bilang unang asawa kundi bilang isang sandil (ibang asawa).


Napatigil sa paghahabi ang dalagang binukot at gulat ang mukha nitong napatingin sa kaniyang kapatid.
“Anong balita sa kanilang pamamangkaw (pamamanhikan) umbo lakan? Pumayag ba ang ating baba (Ama) at iloy (Ina) ?” may halong kabang pagtatanong ni Mayari.
Ngumiti ang nakakatangdang kapatid ng binukot at saka muling nagsalita.

“Hindi. Hindi pumayag ang ating baba. Bagkos ay siya’y nagalit at nayamot lamang sa kakaibang panauhin kagabi. Mukha silang dayuhan sa aming paningin sapagkat kung ikukumpara sa aming mga kutis sa kanila ay masyadong pino ang tingkad ng kaputiang tinataglay nila, na para bang hindi nasisikatan ng araw.”


Ngumiti ang binukot at lumapit sa kaniyang nakakatandang kapatid. “Hindi natin mababatid kung kailan ako ipapaubaya ng ating amang Raja sa isang ginoo ngunit nais kong malaman niyo na labis akong nagtitiwala sa inyo. Kung ano man ang magiging desisyon niyo umbo.”


Marahang inayos ng Ginoo ang magandang husay (palamuti sa buhok) ni Mayari na kaniya pang ginawa para sa bunsong kapatid at saka ito nagpaalam na umalis. Nang makaalis ang Ginoo ay muling bumalik sa paghahabi ang dalaga at muli itong nahinto nang dumating ang dalawa nitong kapatid na sina Ginoong Silak at Ginoong Makisig kasama ang ama nilang si Raja Kiling.

Mayari [COMPLETE]Where stories live. Discover now