chapter 30

127 10 2
                                    

kiro's PoV

kasalukuyan kaming narito sa sala‚ gumagawa ng sari-sariling mundo.

nga pala hindi ko alam kung nabanggit ko naba kung ilan kaming nasa dorm‚ bali sampo kaming lahat pero siyam lang kaming narito ngayon dahil bumalik si aviana sa kinalakihan niya dahil nagkasakit ang kaniyang ina.

tinignan ko ang iba at ayun may kaniya kaniyang pinag kaka-abalahan‚ may nag babasa‚ nag lalaro ng kapangyarihan‚ nag aasaran‚ nag babangayan‚ nag babatohan ng kung ano-anong gamit ng biglang may tumamang kung ano sa ulo ko kaya napatingin ako sa may gawa nun at pinanlisikan siya ng tingin.

"anak ka ng ina mo avi‚ sakit ng bato mo. bakit ba kasi hindi nag i-ingat eh" aniko saka umambang iba-bato sana 'yung librong binato niya sa'kin ng mapukaw ang interes ko sa libro kaya imbes na ibato pabalik dumeretso nalang ako sa kwarto para doon basahin ang librong hawak ko dahil may iba akong nararamdaman dito.

nang makapasok sa sarili kong silid ay agad akong humiga sa higaan para umpisahang basahin ang libro‚ kung nag ta-taka kayo kung bakit hindi kami pumasok. iyun ay dahil wala kaming pasok.

"the lost kingdom" pag ba-basa ko sa titulo ng librong hawak ko at inumpisahang buksan ang unang pahina at nag simulang basahin.

'ang mundo ng mahika ay nahahati sa walong rehiyon na may iba't ibang kaharian na gawa ng sinaunang reyna.

'at may isang kaharian na nababalot ng itim na kapangyarihan ngunit walang bahid ng kasamaan‚ at ito ang kaharian ng britannia.

'maayos‚ walang gulo‚ nagkakasundo ang walong kaharian kabilang na ang isang itim na kaharian na pinamumunuan ni rukos ng biglang lumitaw ang nilalang na nababalot ng itim at masamang aura upang maminsala pero hindi ito nagwagi dahil nagtulungan ang bawat pinuno sa walong kaharian para mapuksa ang nilalang na iyon ngunit lingid sa kaalaman nila. nalason na pala ang utak ni rukos at umanib sa masama at naging ganid sa kapangyarihan at iyun ang simula ng digmaan at hindi pagkakasundo ng mga kaharian.

'ang britannia ay nananatili paring tapat sa mga puting majikero kahit na itim ang kanilang gamit na kapangyarihan‚ hindi sila umanib sa kasamaan dahil alam nilang sapat ang kapangyarihan nila at ayaw nilang masira ang relasyon nila sa iba pang kaharian.

'sinubukang kumbinsihin ni rukos ang hari't reyna ng britannia ngunit hindi ito nagwagi dahil nananatili ang pananampalataya ng mga britannian sa kabutihan at hindi iyun ikinatuwa ni rukos. kaya gumawa siya ng paraan para mapabagsak ang kaharian ng britannia at sa tulong ng nilalang na lumason sa kaniya ay nagawa niyang tanggalin sa mapa at paslangin ang mga nilalang na pinangangalagaan ng hari't reyna ng britannia at pati sila ay hindi nakaligtas kaya tuluyan nang nabura sa mapa ang ikawalong kaharian at naging isa nalang itong alamat sa nagdaang taon.

"kainis bakit punit 'tong libro? nakakabitin naman bwesit" maktol ko.

ipinatong kona ang librong binasa ko sa tapat ng aking kama at saka bumaba para kumain dahil ako'y nagutom.

narito pa din sila sa sala may sariling mundo‚ hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso sa kusina para kumuha sana ng pagkain ng mapansin kong may taong nakaupo sa mesa‚ at iyon ay si ivan.

"u-uhm i-van‚ bakit narito ka? nandoon silang lahat sa sala. don ka nalang mag tambay p-para may kausap ka" utal kong sambit dito‚ nahihiya pa ako kasi hindi pa naman kami literal na close talaga‚ ngayon ko ngalang kinausap 'tong isang ito eh.

tinignan niya naman ako saka pinatong ang kaniyang ulo sa kaniyang mga kamay sabay higa ng ulo sa may mesa‚ may problema ba 'to?

nag a-alangan ako kung lalapitan ko ba siya o hindi pero sa huli ay nilapitan ko din dahil na curious ako sa problema niya‚ hindi naman ako makiki-chismis kung iyun ang iniisip niyo.

"a-ayus kalang ba?" tanong ko saka umupo sa tabi neto.

kita ko namang gumalaw ang ulo niya ng pakaliwa't pakanan na nag papahiwatig na hindi siya maayos.

"a-anong problema? puwede kang mag labas ng hinanakit sa'kin kung gusto mo" ani ko ulit‚ alam ko namang bagohan palang ako bilang isa sa kanila pero hindi naman masamang mag open up siya sa'kin diba?

bigla niyang inangat ang kaniyang ulo saka tumingin sa'kin na ikinagulat ko ng kaunti‚ nakakahipnotismo ang kaniyang mala dagat na mata‚ bagayan pa ng kaniyang matangos na ilong at ma-mapupulang labi na p-parang ang sarap halikan.

"puwede ba?" nabalik lang ako sa reyalidad ng bigla siyang mag-salita.

tango naman ang isinagot ko saka bigla siyang umiyak sa harap ko‚ hindi ko mapigilang yakapin siya dahil sa kaniyang kalagayan.

para akong natutunaw sa kaniyang hagulgul‚ ramdam ko ang sakit na dinanas niya dahil sa kaniyang hikbi na parang ngayon lang nakahanap ng mapag-iyakan.

ilang saglit lang ay tumigil rin siya sa kaniyang pag-iyak saka ako ulit tinignan ng kulay dagat niyang mga mata.

"pasensya kana sa inasta ko kiro‚ ngayon lang ako umiyak sa harap ng isang tao. paumanhin sa aking ginawa" aniya saka tumayo at nag lakad palayo‚ nagulat ako ng walang bahid na emosyon ang boses na kaniyang ginamit. n-nakakatakot.

hindi ko nalang pinansin ang bumabagabag sa'kin saka kumuha ng pagkain dahil naramdaman kona naman ang gutom.

pagkakuha ko ng pagkain ay agad ko itong nilapag sa mesa saka inumpisahan itong lantakan ng biglang may umagaw ng kubyertos na ginagamit ko saka ko naman ito tinignan. at si ira lang pala.

kinuha din neto ang pagkain na kinakain ko kanina saka nag umpisang kainin na parang hindi niya inagaw‚ at hindi pa ako pinansin niyan ah.

napailing nalang ako saka tumayo para kumuha ng tubig saka bumalik sa silid para matulog.

______________________________________________

sorry be hindi kita made-dicate‚ ayaw kasing gumana bwesit. sunod nalang kapag gumana na lovelots.

please vote & comment and follow me here alijore for more ud.

xWhere stories live. Discover now