CHAPTER 1

5.3K 77 26
                                    

** LIAM **

Bawat isa sa atin ay may tinatagong sekrito na ayaw natin malaman ng iba. Paano kung aksidente mo malaman ang sekrito ng Papa mo? Panu mo tatanggapin ang isang bagay na hindi lubos maisip na possible pala mangyari sa pinakamamahal mong ama?

"Liam uuwi na muna ako sa probinsya ha kaya kayo na lang muna ni Papa mo dito sa bahay"

"Bakit po Ma? Ano pong nangyari?"

"Nagkasakit kase ang Lolo mo walang mag aasekaso kaya ako na muna mag aalaga sa kanya"

"Matatagalan ka ba dun Ma?"

"Mga isang buwan anak hanggang sa makarating si Tito Raul mo"

"Ganun po ba Ma, tulungan ko na lang po kayo sa pag iimpake"

Kasalukuyang nag iimpake si Mama sa mga dadalhin niyang gamit dahil bukas na daw ang byahe niya papuntang probinsya. Gusto ko sana sumama sa kanya para makamusta ang kalagayan ni lolo kaya lang may exam pa ako sa susunod na linggo. Palagi din kase wala si Papa sa bahay dahil busy ito sa duty niya bilang pulis. Sa totoo lang takot ako kay papa dahil sa lage itong galit sa tuwing nakakagawa ako ng mga bagay na ayaw niya.

"Hon aalis ka na ba?"

"Oo hon si Tatay kase may sakit. Ako na muna mag aalaga dahil wala pa si Raul"

"Sige gamitin ko na muna vacation leave ko para may kasama naman si Liam dito sa bahay"

"Talaga Hon? Mabuti naman kung ganun. Oh yan anak ha may makakasama ka na kaya wag ka na nakisamangot dyan"

Napangiti naman ako sa sinabi ni papa, ito kase ang unang pagkakataon na magleleave siya sa trabaho para lang sa akin. Naexcite naman ako dahil sa bihira ko lang talaga siya nakakasama at chance na din namin to para makapag bonding. Kinabukasan ay hinatid namin si Mama sa bus terminal medyo ilang nga ako kay Papa dahil hindi naman ako ganun ka close sa kanya. Napaka strict niya sa akin kaya siguro sa tuwing nasa bahay siya ay hindi ko nagagawa ang gusto kong gawin. Hindi din kami ganun nag-uusap puro pag-aaral, sports at pagiging pulis lang ang laging bukambibig nito.

"Liam gusto mo ba kumain sa labas?"

"Sige Pa, saan niyo po ba gusto?"

"Ikaw bahala, ok lang naman sa akin kahit saan"

"Pwede po ba sa Jollibee?"

"Jollibee? Hanggang ngayon ba hilig mo pa rin dyan kumain?"

"Favorite ko kase dyan Pa tyaka dyan mo kase ako lage dinadala noon"

"Sige sa Jollibee na tayo kakain"

Ngumiti lang ako sa kanya at nag drive na siya papunta sa pinaka malapit na branch ng Jollibee. Masaya ang naging araw namin ni Papa dahil parang bumalik ako sa pagkabata ngayon. Namasyal din kami sa mall at binilhan niya ako ng mga damit na gusto ko na mas lalo nagpasaya sa akin. Babawi daw si Papa sa akin dahil napabayaan niya na daw ako at mas inuuna pa ang trabaho kesa makasama kami ni Mama. Humingi din siya ng pasensya kung napapagalitan ko siya sa harap ng mga kaibigan ko lalo na sa mga kaibigan niyang pulis. Naiintindihan ko naman kung bakit siya ganun dahil noong nabubuhay pa si Lolo ay ganun din siya ka strict sa Papa ko. Namana ata ni Papa ang ganuong ugali sa kanya.

"Pa ang saya ko po na kasama ko kayo"

"Hindi bale nak, mas dadalasan na natin mamasyal"

"Promise yan Pa?

"Promise"

Hanggang sa umuwi kami ay hindi mawala ang ngiti ko sa aking mga labi. Si Papa na din ang nagluto ng hapunan kaya pumasok na muna ako sa kwarto para maligo. Pagkatapos ko ay agad naman na ako lumabas dahil narinig ko na tinatawag na ako ni Papa para kumain. Medyo nagulat naman ako ng makita ko na may bisita pala si Papa na sa tingin ko ay kasamahan niya sa trabaho. Nakatalikod siya sa akin sa mga sandaling yun at kita mo sa pangangatawan niya na banat din ito sa pagbubuhat sa gym.

Lihim Ni PapaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon