Sa Likod ng Maskara (OFW)

1 1 0
                                    

Mga bagahe'y iginayak
Saba'y sambit ng "paalam na anak",
Tumakbo kang yapak
Habang umiiyak,

Mga yakap mong kay higpit
Na tila ba may pandikit
Ako'y iyong pinipigilang pilit
Mga maleta'y hinihikit
"Ako'y may pupuntahan lamang saglit",
Sinungaling kong sambit,

Lilibutin saan mang sulok ng mundo
Luha man ang magiging kapalit nito
Lahat ay titiisin ko
Para lamang sa iyo,

Malayo man sa kinagisnang lupain
Lungkot man ay dadanasin
Loob ko'y laging pagtitibayin,

Para sa aking iniwang anak
Papanatiling malakas luha ma'y pumapatak,
Tanging larawan mo ang nagpapasindak
At nagpapawi ng kalungkutan ko sa aking bawat pag-iyak,

Handang makipagsapalaran
Maibigay lang ang iyong mga pangangailangan
Upang hindi mo maramdaman
Na ika'y aking papabayaan,

Ngunit anong nangyayari sa atin?,
Panahong kay tagal narin,
Mga ipinapadala kong salapi
Halos araw-araw mo nang hinihingi,

Nag papakahirap akong magtrabaho
Para lang maibigay lahat ng gusto mo
Ngunit bakit ito'y iyong inabuso
Ano naba ang nangyayare sa iyo?
Bakit ika'y natutong mag bisyo,
Mga salaping ipinapadala ko,
Ibinibili mo lamang ng alak at sigarilyo,
Alam kong labis labis ang pagkukulang ko
Na naging sanhi ng mga pagbabago mo,

Lungkot ay nadarama
Ngunit ngiti parin ang pinapakita,
Hindi na marinig ang salitang "ma, kumusta na?"
Palagi nalang "pera, pera, pera!!!",
Ako'y nanlulumo na
Wala nang sigla ang mga mata,
Siguro'y panahon na para alagaan ulit kita
Para turuan ka ng mabuting disiplina
At maipadama ang pagmamahal ng isang ina.

Short PoemWhere stories live. Discover now