Prologue

12 2 0
                                    

Allyssa POV

Kring kring

"Arghh. Asan na ba yun??" Sabi ko habang kinakapa kapa ang paligid ng kama ko

"Aish pano ka napunta sa ilalim ng kama?" Aking nasabi ng sinilip ko ang ilalim ng kama at andon ang kanina pang maingay na phone ko

"Hello? Sinong bwisit na tumatawag ang aga aga. Panira ng tulog!!" Sabi ko ng nakakunot ang noo

Dahil sa pagdistorbo ng napaka himbing kong tulog

"Hoy gaga kaba anong maaga e 11am na!" Sabi ng bwisit kong kaibigan na si Jasmine

"Bakit umaga parin naman yun ahh kaya nga am diba!! Boba!!" Sabi ko

"Tanga bumangon kana jan at malalate kananaman. Mapapagalitan ka nanaman ni panot!!" Sabi nya sabay tawa

"Bwisit na panot kasi yan e di pumapalya kahit isang araw hindi umaabsent!" Inis kong sambit

"Hay nako bumangon kana jan at maligo kana. Ang baho baho mo na naaamoy kita dto sa phone!!" Tawa nya

"Gago cge na kita nalang tayo mamaya sa school!!" Sabi ko sabay patay ng tawag

Di ko na inintay ang sagot nya dahil puro kalokohan lang naman isasagot nun. Di na matatapos ang paguusap namin dahil sa kagagahan ng babaeng yun.

Actually parehas kaming puro kalokohan HAHAHA. Kaya nga kami magbestfriend eh.

Bumangon na ko at naligo. At syempre nagbihis naden alangan namang naka towel lang akong papasok sa school diba tanga ba kayo?? Charot lang...

Bumaba nako para magalmusal. At pagkadating ko sa hapagkainan walang tao.

Haysss dina talaga ako binibigyan ng oras ng parents ko.

Sikat ang mga Laurenzo sa paghahandle ng mga mamahaling restaurants. And yes mayaman kami. Meron kaming napaka laking bahay ay mansion pala. At magagarang mga kotse.

Pero aanhin naman tong bahay nato kung wala sila mom at dad lagi. Lagi nalang business first. Sa kaka business nila nakalimutan na nilang may anak sila.

"O gising kana pala. Kumain kana ng lunch at malalate kana sa skwelahan mo" pagpuputol ni nanay vicky sa drama ko

"Nay naman e bakit sa tuwing nagdradrama ako bigla nalang kayong nasulpot?" Tanong ko sakanya

"Eh kasi naman lagi ka nalang nagdradrama. At destiny talagang ako ang tagapagalaga mo para hindi kana malungkot lagi" sabi nya sabay yakap sakin

"Alam mo nay parang mas nanay kapa sakin kesa sa tunay kong ina" sabi ko

"Hay nako paiyak nanaman ang alaga ko. Tignan mo oh tutulo na ung sipon mo!!" Sabi nya sabay tawa

"Nay naman e" sabi ko sabay natawa narin

At yun habang kumakain ako ay masaya lang kaming nagkwekwentuhan ni nanay vicky

Si nanay vicky ay ang nagaalaga sakin simula palang nung iniluwal ako ng aking ina. Bali 18 years na namin syang kasama.

And yes 18 years old nako. Bakit may problema ka sa age ko. Nanay ko kausapin mo tanungin mo kung bakit 18 years ago nya ko pinanganak. Charot lang ulit HAHAHA

So yun na nga. Sumakay nako sa sasakyan kong Lamborghini Aventador na kulay rose gold and yes rose gold is my favorite color. Bakit angal ka HAHAHA

Oyy wag kayong ano may lisensya ako noh at legal gaya nga ng sabi ko 18 nako dika ba nakikinig. Teka nga bat ko ba kayo inaaway. Ok back to the story.

Habang nagdridrive napatingin ako sa wristwatch ko. At 1:20 na and yes late nanaman ang ateng nyo. Lagot nanaman ako kay Prof. Panot BWAHAHA

After 10 minutes nasa harap nako ng university namin. Ang Kriffney University.

MENTAL ILLNESSWhere stories live. Discover now