Chapter 2

118 8 1
                                    

"Aaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhh" sigaw ko habang nahuhulog ako kung saan

Bbbblllllllaaaaggggggggg!!!! "Aray ko, huhuhu" habang paupo akong bumagsak sa tambak ng mga isda "wahhhhhhhh isda?" tapos narinig ko na lahat ng ingay sa paligid ko. Dali dali akong tumayo nasa palengke ako. "Ano ba yan? Lord ang bait nyo naman sa akin, sa dinami dami ng pwede kong bagsakan sa mga isada pa talaga, pwede namang sa gulayan eh" ayan tuloy ang lansa ko tapos yong damit ko puti pa man din

Nagsimula na akong maglakad lakad, lahat ng tao na nakakasalubong ko lumalampas lang sa akin. Saan ko ba mkikita yong tao na pwedeng makatulong sa akin. "Haist" sabay buntong hininga. Kelangan ko lang magtyaga, dahil pag hindi ako nagtyaga hindi ko sya makikita. Nakalabas na ako ng palengke ang daming tao pero ni isa sa makasalubong ko walang sign na sya yong hinahanap ko.

Kakapagod din pala yong naghahanap ka ng taong hindi mo kilala. Kung saan-saan na kaya ako nagpunta lalo na sa kung saan maraming tao. Sumama na ako ibat-ibang rally, sa mga school, sa mall lalo na saloob ng sinehan, dami ko na ngang napanood na filipino at foriegn movies, sa mga simbahan lalo na don sa quiapo pati nga mga manghuhula don kinausap ko hindi naman nila ako nakikita at naririnig mga manloloko yata mga yon sa may simbahan pa mandin. "Saan pa ba ako pwede maghanap?"

Oo nga pala nandito ako sa loob ng isang simbahan at gabi na naman, nagdarasal na sana mahanap ko na sya, di ko nga alam kong gaano na ako katagal na naghahanap. Ewan ko ba kung ilang paglubog at pagliwanag na ng araw ang nakita ko. Pakiramdam ko pagod na pagod na ako, nawawalan na ako ng pag-asa kase parang nalibot ko na yata buong pilipinas sa paghahanap.

Bigla kong naalala yong sinabi sa akin nong matandang may halo, pag may kelangan daw ako bumulong lang ako sa hangin. "I need help po talaga, kahit kausap lang pwede?" bulong ko habang nakapikit

"So, what can i do for you?" sabi ng boses

"Ay, kabayong tumakbo" gulat kong sabi at napatingin ako bigla sa katabi ko

"Hoy! Mukha ba akong kabayo, sa ganda kong to?" sabi nya na may pagka mataray

"Ah, hindi naman ang gwapo mo kaya. Eh bakit ba kase nang gugulat ka? Bigla-bigla ka na lang sumusulpot dyan." sabi ko

"At sinong gwapo? Baka maganda. Hmp!" sabay ismid sa akin

"Sorry, sino ka ba? Hindi ka naman anghel di ba Kase walang halo." pagtatanog ko sa kanya

"Oo, hindi ako anghel. Boring maging anghel ano, tsaka ayaw kong magbantay. Ako nga pala si Charlie." sabi nyang nakangiti

"Ganda ng name mo. Ako wala akong name eh hindi ko alam. Eh ano ka nga at saan ka galing? Lost soul ka din ba tulad ko?" sabi ko sa kanya

"Nope, one of many supporting staff lang ako actually. At ikaw ang bago kong assignment, if you need help ako yong dadating." sagot nya

"Talaga? Kung ikaw ang naka assign sa akin, matutulungan mo ako?" sabi ko na may pagkatuwa

"Oo nga ang kulit mo ha." sabay irap naman sa akin

"Di matutulungan mo akong makita ang hinahanap ko? Ituro mo na ng hindi ako nahihirapan at napapagod." pangungulit ko

"No, no, no. Ikaw ang maghahanap sa kanya at hindi ako. Wala rin akong clue tungkol dyan." sabi nya sa akin

"Eh, wala ka naman pala maitutulong sa akin eh. Bakit nandito ka? inis na sabi ko sa kanya

"Aba, ang bruha... Ano ba binulong mo? Sabi mo, kelangan mo kahit kausap lang di ba? at pinandilatan nya ako ng mata

"Ah, e... Oo nga pala. Sige na nga pwede na rin yon. Matanong nga kita, ilang araw na ba akong naghahanap at pagala-gala dito sa lupa."

May kinuha sya sa kanyang bulsa hi-tech talaga nka tablet ang bakla "2 months na since bumalik ka dito sa lupa." sagot nya habang nakatingin sa tablet na hawak nya

"What? as in 2 months na yon? kaya pala nakakaramdam na ako ng pagod ah." gulat kong sabi

"Oo at nangangamoy ka na rin. Girl ang lansa mo." sabi nya at hinawakang ang kanyang ilong

Na-conscious naman ako, naalala ko nga pala sa may isdaan ako bumagsak. "Eh baka naman kase wala dito sa pilipinas ang hinahanap ko?" may pagkainis na sabi ko sa kanya

"Hoy girl, mag-isip ka nga. Filipino ka, wag kang mangarap na foriegner ang makakatulong sayo. Di naman yata pwede yong Italyano o kaya Japanese pano kayo magkakaintindihan." sagot nya sa akin

May punto nga naman sya malamang andito lang nga yon sa tabi tabi di ko pa lang talaga nakikita.

"Oh, anong iniisip mo dyan?" tanong nya

"Eh ano pa? kug san na naman ako maghahanap. napuntahan ko na yata lahat ng lugar na maraming tao." sagot ko

"Girl, may alam ako sama ka sa akin, friday kaya ngayon." sabi nya sbay hila sa kamay ko patayo

"Sandali, saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang hila-hila nya ako palabas ng simbahan

"Wait lang ha, i think kelangan mo na mag chage clothes di na talaga ma-take amoy mo." sabay snap ng kanyang mga diliri

"Wow!" Laking gulat ko ng makita kong iba na ang suot ko. Hindi na all white naka floral pink mini tube na dress na suot ko at pair of pink flat shoes din "Thank you ha, i like it. Ikaw na ba nag fairy godmother ko?" sabi ko sa kanya habang umikot ako sa harap nya

"Ano ka si cinderella? Di ba ng amay pupuntahan tayo na baka hindi mo pa napupuntahan. At tsaka baka hindi mo nakikita hinahanap mo eh natatakot sayo mukha ka kaseng white lady sa suot mo tapos ang haba pa ng hair mo. Samahan mo pa ng amoy isda mong amoy." litenya nya sa akin

"Ah, basta. Godmothe rna lang itatawag ko sayo. Hindi kase bagay yong name mo na Charlie" nakangiti kong sabi ko sa kanya

"Ok, sige bahala ka na nga kung nao gusto mo itawag sa akin, Tara na at pag ganitong oras eh nagsisimula na yon." sagot nya sa akin

Saan kaya dadalhin ni Godmother Charlie si "The Soul"?

Kelan nya makikita ang hinahanap nya? Matatagalan pa kaya ang paghahanap nya?

Thank you for reading :)

The Soul and The One (KIMXI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon