UNO

133 4 0
                                    

CHAPTER 1: FIRST MEET
NORIENETTE’S | POINT OF VIEW 


Masaya akong pumasok sa isang malaking gate, napa-wow nalang ako sa sobrang laki ng magiging school ko. Dream come true talaga ang nangyari sa'kin. Paano ba naman ordinaryong tulad ko makakapasok sa isang Brent International School sa manila na ang Tuition fee lang naman ay ₱500,632 to ₱680,000. Dream ko lang ito dati pero ngayon OMG nalang!

Nagtanong-tanong lang ako hanggang nakarating ako sa section namin, kaya pumasok na ako nakakainis lang pagpasok ko bigla silang nagbulong-bulungan tapos tatawa. May saltik siguro sila. Pumunta lang ako sa bakanti sa dulo. Maya-maya dumating na ang Prof namin, dahil first day of school siyempre kailangang magsimulang magpakilala sa harap hanggang umabot na sa’kin kaya tumayo na ako para magpakilala.

Hi everyone! My name is Norinette Boado, I got my scholarship here, and fortunately listed as a scholar under Dean’s program, thank you…have a nice day to all of you.” Saad ko tapos umupo. Nang natapos na kaming magpakilalang lahat, nagpakilala naman ang Teacher namin.

Hello students! I'm Mary Joseph Oco, but you can call me ma'am Majo. I'm your advicer and because this is our first day, tomorrow will be our pure discussion.” Saad ni ma'am Majo.

Nang natapos na ang oras at breaktime na inayos ko muna ang gamit ko bago lumabas. Habang naglalakad ako pinagtitinginan nila ako. Siguro dahil maganda ako. Hindi lang tingin ang ginagawa nila pinagbubulong-bulungan na rin nila ako.

Babe look at the girl galing atang ibang planeta.” Saad ng babae sa kasama niya.

“Maybe he just got lost, because he looks like a bum.” Saad ng lalaki. Kaya napatingin ako sa suot ko, ano bang masama? Nakapalda lang naman ako ng lagpas hanggang tuhod at malaking damit na pinaresan ng medyas na colorful at may suot ng malaking salamin.

Ano bang pake nila sa suot ko. Dito kasi ako comfortable kesa naman sa suot nila na kinulang sa tela. Pinasangwalang bahala ko na lang siya at nag order na, pagka-order ko pumunta na ako sa pinakadulo at nagsimulang kumain. Habang kumakain ako bigla nalang may nagbuhos sakin ng malamig kaya napa tingin ako.

I'm sorry! I didn't mean it, I thought someone was trash?” Saad ng babaeng kinulang sa tela ang damit. Akmang tatayo na sana ako ng bigla niya akong hilahin.

We're not done yet, so don't abandon me.” Saad ng babae.

“Aalis na po ako.” Magalang na saad ko. Nagulat lang ako ng bigla niya akong sampalin.

Welcome to Brent International School, It's just the beginning.”Saad niya at iniwan ako. Napahawak nalang ako sa pisnge ko at hindi maiwasang umiyak. Bakit ganito ang mga mag aaral dito hindi ba sila tinuruan ng magandang asal ng mga magulang nila.

Later that day…

Hay! Buntonghininga ko nang nakalabas ako ng gate sobrang daming nangyari. Isa lang ang masasabi ko ang mga mag aaral dito ay hindi tinuruan ng magandang asal. Naglakad lang ako kasi malapit lang naman ang tinitirahan namin sa school. Habang naglalakad ako parang may nakasunod sakin. Kaya tumingin ako sa likod ko pero wala naman akong nakita, baka guni-guni ko lang ‘yon at pinag patuloy ang paglalakad.

Nang nakarating na ako sa bahay namin pumasok na agad ako, ng nakita ko si Nana lumapit ako sa kanya tapos magmano.

“Kamusta ang unang araw mo, Nak?” Tanong ni Nana.

Ayos lang naman Nana, marami nga po akong naging kaibigan.”Pagsisinungaling ko. Kaysa naman sabihin kung may nang-bully sakin, ayaw ko naman na mag alala siya sakin.

THE BULLY'S OBSESSION (Chavilier Brother's Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon