Chapter 1

8 1 0
                                    

Althea's POV

Sabado ngayon kaya malaya akong makakapagpahinga sa loob ng kwarto ko.may dalawang araw pa kaming gawin ang project namin sa Empowerment Technology kasama ang mga ka-grupo ko.

Buti na lang at nakakaya kong pagsabayin ang pagiging assassin ko at ang pag-aaral.hindi rin naman delikado sa sitwasyon ko dahil palagi naman akong nakahanda.

Tumawag sa akin kagabi ang isa sa mga ka-grupo ko na hindi muna siya makakasama sa'min dahil may sakit ang nanay nito kaya bale dalawa na lang kami gagawa.

Alas otso na ng umaga pero nakahilata parin ako sa malambot kong kama at wala na atang balak pang bumangon.napagod ako kahapon sa pagpapalinis sa akin ni Press. Denton sa buong library dahil natapunan ko ng mango juice ang polo nito.kaya bilang parusa ay pinaglinis niya ako buong maghapon.

Nakarinig ako ng mga katok sa labas ng pintuan pero hindi ko yon pinansin.

"Althea, wake up.your friend was here," pagpapagising sa'kin ni kuya Andrei.

Hindi ako sumagot dun at nanatili paring nakahilata.dahil sa ginawa ko,tinawag ulit ako ni kuya.

"Althea! naghihintay ang kaibigan mo."sabi ulit niya pero hindi ko parin yung pinansin.masarap ang tulog ko kaya wala munang iistorbo sakin.

Maya-maya ay narinig ko narin ang mga yabag nito paalis kaya napa ngisi ako.itinuloy ko ang pagtulog pero hindi pa man ito tuluyan na lumalalim ay agad rin akong napabalikwas dahil sa pagkiliti ng kung sino sa akin tagiliran.

" SH*T!!ARGH!"shuta!nakakakiliti bwisit!

Panay ang tawa ko at halos hindi na ako makahinga sa ginagawa ni kuya Andrei sa akin.walang tigil parin niya akong kinikiliti kaya naman halos paghampas ang ginawa ko sa kaniya.

"Ayaw mo palang gumising a,tignan natin," tinawanan niya ako samantalang ako ay halos maging bulate na sinabuyan ng asin.

"P*ta kuya Andrei!Tama na please!"

"Hindi ako titigil hangga't hindi ka pa nagigising," pagsambit niya at muli na naman ako kinilitian sa leeg.halos mapasinghap ako sa ginawa niya.napagulong-gulong ako sa kama at tumawa ng malakas.sh*t!

Natigil lang siya sa pangingiliti nang makita na niya akong mahulog sa kama.agad akong naghabol ng hininga bago siya tinignan ng masama.Damn!

"What the hell kuya?!" naiinis kong sigaw kaya tumalim rin ang tingin niya sa akin.

"It's your fault, brat.kanina pa kita pinapagising pero ayaw mong makinig," tumayo siya at humalukipkip na pinagmasdan ako."tumayo ka na jan at maghilamos.kanina ka pa hinihintay ng kaklase mo sa baba."

Sandali lang akong umirap bago tumayo at nagtungong banyo para maghilamos.pero hindi iyon ang ginawa ko at mabilis na naligo.nang makatapos ay pumili na'ko ng susuotin bago lumabas kasabay si kuya na halatang iritado na naman ang mukha.

REINCARNATED AS A HEIRESS IN THE OTHER WORLDWhere stories live. Discover now