Kabanata 250:
First Mission"You're suspended for your next mission Winona! As your penalty you're going to be with the group 6 next week!" kumulog ang malakas na maawtoridad na tinig ni Daniel sa silid na iyon. Natahimik ang lahat. Habang natulala ako sa sinabi ni Winona.
Kumalabog ang puso ko. Mabilis na gumuho ang seryoso kong postura.
Xerox? He had an accident? Para bang bumabalik lahat ng takot ko at naalala lahat ng kaba noong may nangyari sa kaniya sa gymansium.
"What? That's unfair Daniel!" agad na reklamo ni Winona at hindi makapaniwalang tumingin sa lalaki na nasa harap ko. Nalaglag ang panga niya sa sinabing parusa ni Daniel.
"I told you to keep your mouth shut on everything you'll hear about the last section! And call me on my title! You're still my agent, Winona!" banta ni Daniel sa seryosong tinig at bakas ang galit roon. Winona gritted her teeth but she eventually sigh and nodded. Yumuko siya at diretso na tumayo sa harap ni Daniel bago tumango.
"Yes, Sergeant." aniya sa mahinang tinig ngayon at nanatili lang ang tingin niya sa sahig. Habang ako hindi makagalaw. Nag-ugat ang mga paa ko sa sahig. Parang isang malaking yelo ang bumabalot sa buo kong katawan.
Daniel sighs heavily.
"Everyone dismiss. Go to the dining area. We're going to eat our Lunch together." maawtoridad niyang sinabi. I cleared my throat and look at Daniel. Marami na agad na hindi magandang pangyayari ang nasa isip ko. I don't think so I can eat.
"I won't be with you. I'll eat alone in my room." saad ko at agad tinikom ang nanginginig na tinig. Pumikit ako ng mariin at nagsimulang magmartsa kahit agad na napalingon sa akin si Daniel nang may pag disgusto sa sinabi ko. Winona glared at me.
"Raiven!" tawag sa akin ni Daniel nang talikuran ko sila at nagmamadaling magmartsa palayo.
Gusto kong tanongin si Daniel tungkol sa narinig ko pero isang malaking maling hakbang iyon lalo na kung gagawin ko pa sa harap pa ng mga tauhan niya. I can't ask him anymore about the last section. We had a deal! I can't even mention them!
Damn it!
Agad akong bumagsak sa kama pagkabalik ko sa kuwarto. I locked my room. Dinoble ko para wala kahit sinong makapasok. Hindi ko yata kayang makipag-usap sa iba habang gulo ang isip ko.
I look at the ceiling and think about Xerox. Hindi ba talaga siya nag-iisip?! Ilang beses ko na ba siyang sinabihan na ingatan ang sarili pero ito pa rin ang nangyayari.
I was so frustrated and worried. Kaso wala akong magawa kundi ang magpagulong gulong lang sa kama ko at pumikit ng mariin dahil wala namang makakatulong sa akin rito para malaman ko kung ano na ang kalagayan ni Xerox ngayon. I can't ask anyone! Walang makakatulong sa aking ibsan ang pag-aalala at pag-iisip ko.
I am hopeless!
Ganoon ang sitwasyon ko hanggang sa may dumating na ngang kasambahay para dalhin ang tanghalian ko.
"Miss Raiven, narito na po ang Lumch niyo. Puwede po bang pabukas ng pinto?"
"I'm full." iyon lamang ang tugon ko at hinilamos ang mukha. Hindi na nagpumilit pa ang kasambahay at narinig ko na lang siyang magmartsa paalis.
Nanatili lang ako sa loob ng kuwarto hanggang sumapit ang haponan. May panibagong kasambahay na dumating at doon ko pa lang hinayaan na pumasok. Saglit lang siya at pagkalapag sa pagkain ay agad ring umalis. Ngunit tinitigan ko lang ang pagkain at hindi iyon ginalaw.
I can't still eat. Tinanggap ko lamang iyon dahil ayaw ko nang mamroblema pa si Daniel sa tigas ng ulo ko. Kinumbinsi ko na lang ang sarili na nasa mabuting kalagayan si Xerox. Naniniwala akong hindi naman siya pababayaan ni Helix na binilinan ko. Pero sa huli, hindi pa rin ako mapakali. Hindi sapat ang pagkumbinsi ko sa sarili.
BINABASA MO ANG
Ruling The Last Section (Season 3- Final)
General FictionRenesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in her heart and still in the process of healing through the last section's arms, but the wound was start...