CHAPTER XVI

49.7K 1.7K 403
                                    

Mabilis na lumipas ang dalawang taon. Kagaya ng pinangako ni Zeus, hindi na siya nagpakita pa ulit... hindi ko na rin nakita pa si Apollo. Para sa'kin, mas mabuti na 'yon. Bumalik na ulit ako sa normal kong buhay bago ko siya nakilala... mas maganda na 'yon.

"Saan na baby Apple ko?" tanong ko agad nang makauwi.

"Nandoon kay Papa. Ayaw na bitiwan," sabi ni Alexis habang naglalaro ng online game sa cellphone niya.

Napaismid na lang ako at dumiretso muna sa kwarto ko. Kumuha na lang ako ng damit pambahay saka agad na nag-shower. Gusto kong mabangong mabango ako kapag binuhat ko ang baby ko.

Tumigil na 'ko sa pagtatrabaho sa talyer. Pagkatapos kong manganak, napagdesisyunan ko nang magtrabaho sa kompanya. I started working in a huge company's marketing department. Hindi ko akalain na magagamit ko na nang tuluyan ang pinag-aralan ko sa college. Nahirapan akong mag-adjust noong una... pero nakaya naman 'di kalaunan. Buti na lang at maayos naman ang working environment at hindi toxic. May mga nakakainis na co-workers, pero hindi naman siguro naiiwasan talaga ang ganoon. All in all, okay naman.

Pinuntahan ko kaagad si Papa pagkatapos ko magshower. Naabutan ko siyang buhat si Apple habang nanonood ng cartoons sa tv. Napangiti na lang ako at lumapit sa kanila.

"Uy, diyan na pala Mama mo," sabi naman ni Papa nang makita ako.

Agad kong binuhat si Apple... Apple was just her nickname. Alexandrea Pollina Sarmiento ang buong pangalan niya. Yes, I named her after my name... and Apollo's name too.

To be honest, there were times that I regretted keeping our child from him. Pakiramdam ko, ang sama ko na nagawa kong ipagkait sa kaniya ang tungkol dito... dahil lang hindi niya ako minahal pabalik. Pero wala na 'kong magagawa, nandito na ako... Paninidigan ko na lang... kahit minsan mabigat sa dibdib.

Hindi ko rin magawang sisihin si Zeus... dahil binigyan niya naman ako ng kalayaan pumili... kung sasabihin ko kay Apollo o hindi. Pinili kong itago. Pinili kong maging makasarili... pero gaya nga ng sinabi ko, paninindigan ko na lang.

"Baby Apple, miss mo si Mama?" nakangiting tanong ko saka humalik-halik sa pisngi niya.

"Mama!" sabi nito saka sinubo ang kamay niya.

Natawa na lang ako saka nanggigigil na kinagat-kagat ang pisngi niya gamit ang labi ko. Napahagikhik naman siya saka yumakap sa leeg ko. Napatitig na lang ako sa anak ko... She looks like Apollo's girl version. She had his blue eyes too. Napaka gandang bata ni baby Apple.

Pagkatapos kong makipaglaro sa anak ko, pinatulog ko na rin siya agad sa tabi ko. Napangiti na lang ako at humalik sa noo niya nang makatulog siya agad habang nakayakap sa stuffed toy niya.

Kinuha ko na lang ang phone ko at nag-online saglit. Post agad ni Sid ang bumungad sa'kin. Picture niya ng girlfriend niya. Magpapakasal na sila sa ibang bansa next year. Masaya ako para sa kaniya.

Hindi na ulit ako nagkaroon ng karelasyon pagkatapos naming maghiwalay ni Apollo. Hindi na lang din ako nag focus pa roon. Gusto ko na lang ilaan ang oras at panahon ko kay Apple.

Pero madalas akong tuksuhin tungkol kay Eliseo. Naging close ulit kami dahil sa isang kompanya lang kami nagtatrabaho. Pero magkaibigan lang talaga ang turingan namin. Masyado lang talagang malisyoso't malisyosa ang mga tao sa paligid namin. Hindi ko na lang din pinapansin.

Panay na lang din ang post ko ng pictures ni Apple para din malaman nila na may anak na ako, at hindi na nila dapat ako tinutukso kung kani-kanino.

"Good morning, Alex."

Napangiti ako nang si Eliseo ang bumungad sa'kin pagpasok ko sa kompanya. Sumabay naman siya sa'kin sa paglalakad papuntang marketing department.

"Good morning. May pakay ka ba sa marketing?" tanong ko saka ininom ang kape na binili ko sa coffeeshop sa labas.

Not Into YouWhere stories live. Discover now