VI

432 27 2
                                    

Chapter 6

"Hoy gagi! Bat ka nawala kahapon?" Ayan agad ang tanong sakin nitong si Rain sa akin. Nandito kami sa Givena Park dahil lunch time.

"Inataki nga ng katangahan kaya ayon, uwi dahil sa kahihiyan HAHAHAHA" Shamy said teasingly bago ako bigyan ng mapaglarong ngiti.


Hindi ko namang mapigilang mamula ang mukha pag inaalala yung kagagahan ko yesterday.


"But anyways, oh! Hindi ako nagbayad nyan kaya tanggapin mo na!" Inabit nya naman sa akin ang isang paper bag. I gave her a confused look pero tinaggap ko rin naman sa huli.


Tinignan ko kung anong nasa loob at inis na tumingin sakanya nang makita ko yung mga pinapapili sa amin ng prof namin. What the hell??! Sabi ko ako ang bibili para sa sarili ko eh!


"Hindi sakin galing yan" Saad nya before shrugging her shoulders at sumipsip sa iced coffee nyang binili kanina.


Kung hindi sakanya kanino galing??


"Baka sa sugar daddy mo talaga galing yan?" Ngumisi sa akin si Rain at nang iinis pa. Wala ba talaga silang alam na gawin maliban sa inisin ako???


"Ikaw lang naman ang maraming sugar daddy rito kaya tigilan mo'ko"


"Correction! Sugar Mommy! not sugar daddy ang meron ako"  pagmamayabang nya sa amin. Sarap rin talagang ibaon sa lupa nito eh.


Mga isang oras rin kaming nandoon at nagpalipas ng oras bago bumalik sa klase at naupo lang maghapon habang nag sasalita ang prof sa harapan. Buti nga ay walang nag pa suprise quiz sa kanila ngayon. Hindi ko naman alam kung matutuwa ba ako o hindi. Last week ka si ay sabay sabay silang nag pa suprise quiz kaya sa huli, halos dumugo na yung ilong ko.


Nandito ako ngayon sa parking lot at hinihintay si Shamy. May meeting daw silang mga SSG officers about sa upcoming foundation day. Muntik ko pang makalimutan na officer nya pala yung gagang yon, Hindu lang basta officer ha? Vice president pa nga. Grabe sa ugali nyang yon?


Almost 6 pm narin kaya medyo madilim na. Sabi kasi ni Shamy ay ihahatid nya raw ako pauwi at may sasabihin din sya sa akin kaya hintayin ko na sya. Edi sana nag jeep nalang ulit ako kung paghihitayin nya lang ako ng Isang oras dito. Sabi nya sandali lang, wow, sandali lang pala yung Isang oras sakanya?


Ang init na nga tas sumabat pa yung init ng dugo ko sakanya.


"Hi pookie! Let's go?"


"Nagdidilim paningin ko sayo tanginamo" Madiin kong saad sakanya at padabog na pumasok sa kotse nya. Agad rin naman syang sumunod sa akin at pinaandar na ang kotse.


"Hindi ko naman alam na aabot ng Isang oras hehe"


"Hala nasaan??!"


"Ha? Yung alin?" Sandali syang tumingin sa akin.


"Yung pake ko?!  Omygod nawawala yung pake ko!! Pakinahap naman ng pake ko!!"


"Eya naman ehhhh" parang bata nyang sabi sa akin, bahala sya dyan.


"Sorry okay? Hindi ko talaga alam, promise!"



"Weh talaga ba? Thanks for sharing! Wala akong pake" nakangisi kong sabi at tumingin sa kanya. Luh gago akala nyo kayo lang marunong mang trip? Mga alipin ko lang kayo no!


"Joke lang ano kaba, oks lang yon! Hindi naman ako nagalit, sobra lang" Hindi ko mapigilan ang tawa nang makita kong she's almost crying! Hell! Grabe mag asar pero pag nya na yung inasar iyakin naman! May ubo yata sa utak to.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 21 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Just Say You Won't Let Go (GxG)Where stories live. Discover now