Chapter Two: Life

43 1 1
                                    

ELVIS 2: Life 

Weekends are rest days for every people working, or to students. It's their free time to sleep whenever they want, or to go to places to relax after a toxic weekday. Well, but not to Erza. Ang tanging take away lang ng weekend ay hindi niya kailangan pumasok sa school, at ang oras na libre niya ay panibagong pagkakataon para magkapera. 

"Tapos na po ako..." Erza wipe her wet hands on the hem of her shirt, and finally putting down the empty pail beside the washing machine. She knocked outside the house.

Kalaunan, lumabas ang ginang na may dalang pera.

"Ito ang bayad oh. Salamat Erza! Tatawagin ulit kita next week ah? Available ka ba ulit?"

Tumango siya at ngumiti. Ibinulsa niya sa shorts niya ang perang ibinayad sa kaniya. "Opo. Text niyo lang ako, o kaya si lola."

"O'siya sige. Magmiryenda ka kaya muna? Dalhan mo na ang lola mo..."

Umiling siya. "Di na po. May iba pa po akong trabaho e. Salamat po."

The woman was hesitant to let her go but she turned her back and went top another house. Tatlo ang bahay na ipaglalaba niya ngayon. Hindi naman marami ang damit na lalabhan kada bahay dahil halos puro pang-alis lang ang mga ito. It wasn't as heavy too since those houses have their own washing machine. Sadyang wala lang oras ang mga nagpapalaba sa kaniya kaya kinukuha siya.

Today is Saturday, and working at weekends is not new to her. She still has her work in the bakery pero kapag weekends, at walang pasok ay sideline niya ito. This will be added to her savings even with the little amount. Mabuti na lang at hindi siya magastos kaya nakaka-ipon siya kahit papaano.

Nang mag-alas-siete ay umuwi na siya sa bahay nila. She saw her grandmother cooking their dinner. Napangiti na lang siya at nabalewala ang pagod nang maamoy ang niluluto nito sa maliit nilang apartment.

"La, dito na po ako!" sigaw niya habang sinusuot ang tsinelas.

"Magbihis ka na at kakain na!" sagot nito kaya pumasok na siya sa kwarto nila.

She changed her clothes into a comfy tank top, and dolphin shorts. Gusto sana niyang maligo pero baka mapasma siya dahil buong araw siyang naglalaba kahit pa sabihing hindi naman siya nagkamay.

"Anong ulam, 'la?" she asked and sat down across the table. Nakita niya kaagad ang ulam, at nagtakha siya na sinigang na baboy ang ulam.

"Sinigang na baboy 'yan." Anito. They both did the sign of the cross, before her grandmother started to eat.

She frowned. Kinuha na niya ang kubyertos, at hinayaan ang lola niya na ipaglagay siya ng kanin sa pinggan. "Bigay ng kapit bahay?"

Umiling ito. "Niluto ko nga. Mabuti at may napamalengke pa ako kaninang hapon."

"Huh? May pera ka na?"

Bumuntong hininga ito. Her shoulders tensed, and her heart started to race. Bigla siyang nawalan ng gana. "Pwede kang mag-day off —"

"Papasok po ako sa bakery," aniya at tumayo na.

"Erza! Wala ka namang pasok kapag weekend—"

"E-extra po ako. Iyong tirang ulam, paki-bigay na lang sa kapitbahay 'la. Ayoko po ng sinigang." Muli siyang pumasok sa kwarto at kinuha ang hoodie niya. Dala niya lang ang cellphone, at wallet. She had no work at the bakery today, but she suddenly wanted to breath, and leave the house. 

"Erza! Apo! Kumain ka—"

"Pinakain po ako ng nagpalaba sa akin kanina 'la." She lied smoothly. "Nasaan po 'yong tirang pera?"

When the Moon Sets [Dark Grave Series One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon