Edi buking!

417 8 0
                                    

Bumalik na ko sa Pinas para ayusin ang resturant ko. Pagkalapag ng eroplano dumiretso na ko sa bahay at nagbihis. Umiglip ako sandali para mabawasan naman kahit papano yung jetlag kaya nag alarm ako.

30 mins later.
"Huy K! Gising na! Gising na! Sige ka! Rerapin kita!'

Bigla kong napabalikwas boses ni Anne ang narinig ko. Pinalitan niya pala yung ringtone ng alarm ko. "Talaga tong si Anne!" Natatawa akong bumangon ng biglang may nag salita. "Kailan ka pa naging T-boom ate?" Mahinang sambit ni Zia hindi ako makagalaw dahil mukang may alam siya sa nangyari sa Paris. "H-hu-huh?" Kabadong kabado ako sa isasagot niya. "I saw everything" nagulat ako sa sinabi niya, di ko na din naiintindihan. "What do you mean?" Di ko na talaga naiintindihan.
ZIA'S FLASHBACK
"Wow! Ang laki pala talaga ng Eifel! Ayun spotted ko na si ate!" Sinundan ko si ate after niyang mag flight, nag-aalala kasi ako baka mag lasing at mapahamak pa. "Hala bat bumalik sa hotel!" Nakakapagod sundan si ate ambilis maglakad. Nakita ko siya sa bar ng hotel. "Oh...sorry ill have a bottle of vodka" napanganga ako sa inorder ni ate. Tsaka lang naman kasi umiinom si ate kapag nagkayayaan tsaka hindi siya sanay uminom ng vodka. "Kilala niya kaya yung babae na yon?" Maganda yung babae, sexy, matangkad din. Tahimik ko silang pinagmasdan ng biglang kiniss niya si ate. "Omygosh!" Tumalikod na lang ako dahil bawal sa bata ang mga ganyang palabas! (Hehehe). Nakaramdam ako ng hilo masyado ata naparami inom ko kaya nakatulog ako sa lamesa. "Maam wake up!" Gising sakin ng isang hot na stuff sa bar. Tinulungan nila akong umakyat sa room ko.

Kinabukasan masakit ang ulo ko pero maaga parin ako nakatulog kaya kumain muna ako ng sobrang bilis para matignan ko kung okay lang si ate.

"Sinong tinatawag mong sakang! Ako? Okay lang maging sakang kaysa maging kulubot kulubot ang muka!" sigaw ni ate. "Hinde ako kulobottt! Pimple lang to! Walang kwentang sakang!" sagot ng isang galit na lalake! Wait, whatttt?!! "Sana walang nangyare! Sana walang nangyare!" naiiyak ako ng bigla kong narinig ang isang boses na tumawag sa ate ko. Sumilip ako paunti unti at ang babaeng iyon ay ang babaeng humalik sa ate ko! "Hays... ano ba kasing nangyayare kay ate!? kagabi nag response siya sa kiss ng babaeng yon! Tapos ngayon nandito magkasama uli sila"

-->>>Fast forward>>>>>
Sinundan ko silang dalawa kung saan saan. "Masarap pala pagkain dito sa disney... high class talaga". Patuloy ko silang sinundan hangang huminto sila eiffel tower. Nagtago lang ako ng biglang namatay ang ilaw sa paligid na after ng ilang minuto kaya minabuti kong silipin sila ate. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si ate at ang babaeng yon na nag hahalikan. Halata sa muka ng babae na gulat ito sa nangyare ibigsabihin... napatakbo na lang ako sa hotel dahil sa gulo ng aking pag-iisip.

Kinabukasan nakuha ko na lahat ng pangyayari kaya di ko na lang sila sinundan sa halip antayin na lang sila sa hotel. Natangap ko agad ang balita sa Pinas kaya nag pa-book ako agad ng flight para icheck ang kalagayan ng Bahay Buko. Mamaya ng madaling araw ang flight ko. Kaya nag-pahinga muna ako at bumaba makalipas ng ilang oras naghanda ako para pumunta na sa airport since nabasa naman na siguro ni ate lahat bg text namin sakanya. Sumakay ako sa elevator nang biglang humimto ito sa floor ni ate. Sinara ko ito agad pero nikita ko ang babaeng kasama ni ate na nakapantulog I guess mag o-overnight sila. Tuluyan na akong umalis ng Paris.

-End of flashback-

*Karylle*
Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat, di ko inaasahan na malalaman niya lahat ng nangyari saakin sa Paris. "Dont worry ate, its okay I'll support you" sabi ni Zia ng biglang may sumingit. "We will! support you." sabay sinabi ni Coco at Mama. Nanatili lang akong tahimik. "I didn't expect this anak but still I'll accept you, anak parin kita at walang mangyayari kung magagalit ako." naguguluhan ako hindi naman kasi ako T-boom at pero aaminin ko i'm confuse. "Wait Ma, i'm not T-boom! Maybe I'm confuse but I'm not T-boom" Nagkibit balikat na lang sila. "I'll be checking my resturant, Coco come with me" pag bali ko sa akward moment sa loob ng kwarto ko.

Unexpected [AnneRylle story]Onde histórias criam vida. Descubra agora