Masyado Kang Papansin!(One Shot)

18.3K 720 198
                                    

Sequel/ Spin-off of 'Papansin Ka!'. Misha's Side. Sorry po sa mga naguguluhan :) read "Papansin Ka!" oneshot before this.

. . .

Masyado Kang Papansin! (One Shot)

. . .

Pakielamero,

Mayabang,

Matapobre,

Illusyonado,

Sadista,

Kuripot,

Masungit,

May nunal sa kilikili,

Mabaho ang cologne,

Nanghahagis ng balat ng wire,

Takbo ng takbo sa harap ng pisara,

Sigaw ng sigaw ng jokes 'pag nag C-C.R. ang guro,

Ihahagis yung notebook ko,

Sisirain yung english project ko,

Magtatapon ng gatorade sa pencil case ko,

Ipapahid 'yung kulangot niya sa blouse ko,

Mambuburaot siya sa lunch ko,

Aapakan niya yung bagong bili kong Sketchers,

Tatadyakan niya yung jansport kong bag,

Mapapaiyak ako,

Sasabunutan ko siya,

Bubugbugin niya 'ko,

Mag-aaway kami,

Kakampihan siya ng mga kaklase namin.

Paulit ulit, bwisit na bwisit ako sakanya simula grade school palang kami. Ubod siya ng kayabangan, kasadistahan at kasamaan. Duming dumi na ang paningin ko sakanya. simula palang, ang lakas niyang mang-away saakin. Simula nung nagtransfer ako nung grade 3, ako na ang naging puno't dulong target niya sa pambubully.

Pero nagiging matatag ako, syempre lumaban ako sakanya kahit alam kong wala akong laban sa mga friends niyang amazona. Pati nga yung mga babae saamin kampi sakanya eh, pero kahit ganun ay hindi ako sumuko, pake ko ba sakaniya? Porque binubully niya ako ay magpapatalo na ako? One word, Ulul. Nung namatay ang papa 'ko tinuruan na 'ko ng mga pinsan kong lumaban sa sarili ko, dahil wala na daw akong papa na magtatanggol sakin. Pati si mama na buhay parin ay hindi na ako matutulungan pa lalo na't 'pag lumaki na 'ko. Ako nalang ang pwedeng magdala sa sarili ko.

His brother appeared last Grade 6, nagtransfer din sa school namin, ibang iba sila sa isa't isa. Napakabait ni Kismet, happy-go-lucky siya, isa siya sa mga nakasundo't nakavibes ko nung first week, pareho kami ng hilig sa shounen anime, inuupdate namin ang isa't isa. May nunal naman siya sa noo, ibang iba kay Reimei na may nunal sa baba ng labi(at kilikili, grabe proud pa siya nun ah.)

Pero ayaw ni Kismet na tinatawag siya sa first name niya, mukha daw pambabae, kaya madalas niyang sinasabi saaking 'Ronnel' na second name ang itawag ko sakanya or for short ay 'Ron', pero mas tipo ko talaga 'yung Kismet eh.

Si Hudas Balbas(alias: Reimei Mamaw) ay ibang-iba talaga sa kapatid niya(wait, nasabi ko na nga pala yun.) Si Reimei yung tipong tao na kapag ikaw ang nakita niyang potential target for bullying ay hindi ka na niya tatantanan, yung tipong, the whole year ka niyang apple of the eye?

In short, masyado lang talaga siyang papansin.

Freshmen years, iba na kami ng section ni Reimei nun, nakahinga na ako ng malalim. Kinwento din saakin ni Ron kung gaano siya kapikon sa kuya niya, feeling boss daw sa bahay, porque siya lang kasi yung legitimate child sa pamilya,

Masyado Kang Papansin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon