Tatluhan Yan

280 3 0
                                    

Hay kalurkey! Ung totoo? Seven hundred twenty-two point fifty years na ata ako dine. At walla! As in wala talagang jeep na dumadaan.

Ung totoo? Ano na naman bang kasalanan ni PNoy at nag-aalsa na naman ang mga jeepney drivers? Nakakainis. Papahiyain na naman ako ng teacher kong mukhang froggy dahil na-late ako. Pastilan. Ugh.

Ui. Ayan na ata. May jeep. Ayos. Sa wakas!

"Koya! Koya! Sasakay ako koya! "

Nagtatatalon na ko para makita kasi alam kong may mga driver na hindi makakita sakin. Ewan ko. Maputi naman ako pero may nang-iisnab sa akin na driver. Anong akala nila sakin? Kawatan? Kaya ayaw nila akong isakay. Pwe. Mas mukha pa silang magnanakaw sakin eh. Ganda kong to. Pwe. Talaga. Pwe.

"Miss, langka ka ba? "

Bwiset. Mukha bang may interes pa kong makinig sa pick up lines mo, koya? Ugh. Sige na nga. Baka lahat ng sumasakay, pinopormahan niya.

" Haay. Late na ko koya. Pero sige, pagbibigyan kita. Bakit? "

" Haha. Sabi ko langka ka ba? Kasi hindi pampasahero tong jeep na to. Pangdeliver to ng langka. Gamit-gamit din ng eyes, pag may time. "

Peste. Bwiset. Ai na apo! Tama bang bwisitin ako gayong overflowing na ung bwisit ko. Aaaaaaarrrrrrggggghhhh! Bweysit talaga. Asan na kasi yang mga pesteng jeep na yan?

After so many decades that the writer of this story got tired of narrating all the bwisit moments that happened. Pwe. Pwe. Pwe. Iritang irita na ko, swear. Napapakanta tuloy ako.

Kailan. Kailan. Kailan ka ba darating, Sabihin sakin.
Ilang taon nang naghihintay, di pa dumarating.

Pwe. Ang baduy. Pero para lang maibsan ng onte ung poot ko sa daigdig na ito. Aawitin ko na lang tong kababuyang awit na ito hanggang sa mabwisit na ang forces of nature at magpadala na ng masasakyan ko.

Ayan! Ayan! Bus! Wooohooohoo! Actually, mas gusto ko talaga ang bus kaso madalang pa sa blue moon ang pagdaan ng mga bus dito pag ganitong oras. May pagkaswerte naman pala ako ng kaunti.

Shep. Parang nag-slowmo ung buong mundo ko. Dahan dahang lumalapit ung bus sa kinaroroonan ko.

Bakit ngayon ka lang? Bakit ngayon kung kailan sobrang late na ako sa first subject ko?

"O ading. Sasakay ka? "

" Ai hindi koya! Titingnan ko lang kung flat ung gulong ng bus niyo. Tungu ku bu? Paparahin ko ba kung hindi ako sasakay? "

Pwe. Buti na lang hindi warfreak si koya at hindi niya ko sinaktan that moment. Akala niya, nagjojoke ako. Mukha ba kong nagbibiro? Nabibwisit na talaga ko.

To ease my stress, pumunta ako dun sa favorite kong upuan sa bus. Sa last seat sa kaliwa, bago ung upuan sa likod. Anti-social kasi ako at ang ayoko sa lahat eh ung may makakakita sa akin na kakilala ko tapos makikipag-plastikan ako habang sinasabi, "Ui, kumusta ka na? Long time no see. Haha." Nakakairita. Kaya gusto ko sa likod para 15 % lang na may makakita at makakilala sa akin. Gusto ko talaga sana sa likod dahil doon ramdam ko lahat ng yugyog at alog ng bus kaso nga lang, kitang kita ung pagmumukha ko ng lahat ng pumapasok. Pwe. Ayokong tinitignan ako. Kaya pinagtiisan ko na ung nasa second best which is ung inuupuan ko ngayon.

Mahirap lang ang pamilya namin. Hindi kami ung tipong magho-holy week vacation sa disneyland. O kahit sa enchanted kingdom. O kahit sa star city. O kahit sa boom na boom, sagad na un. Kaya sobrang silo ako sa mga roller coaster. O kahit improvised lang. Kaya ayun, fineel ko na lang na roller coaster itong bus ito. Dahil nga ang daan dito sa aming bayan eh hindi ko alam kung lasing ba ung mga gumawa nito at puro up-down-up-down. Pero, in fairness, ako'y tuwang tuwa dine. Mas masayang mag roller coaster sa bus kesa sa jeep kaya mas gusto ko dito sumasakay. Pumwesto ako sa malapit sa aisle para mas feel. Woohoo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 09, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Minsan Sa Isang Mini BusWhere stories live. Discover now