Red String 3

1.3K 54 18
                                    











I V Y

"Deanna.. ayos ka ng tayo, please. Matutumba tayo, baka mahulog tayo." Bulong ko habang inaalalayan ko siyang paakyat nang hagdan. Halos nakabagsak na kasi ang katawan niya dahil sa kalasingan. Putcha, nahihilo na din ako. Baka talagang gumulong kami pababa dito sa hagdan.

Umayos naman siya kaya nakaakyat na kami nang maayos sa 2nd floor. Naglakad kami papunta sa tapat ng kwarto at kinuha ang bulsa sa susi ko.

Anong bulsa sa susi? Lasing ka na talaga, Ivy Keith!

Matagumpay kong nabuksan ang pinto kaya agad kong inakay si Deanna at ihiniga sa higaan. "Hoo, putcha. Napakabigat mo pa rin talaga."

Nag-inat ako saglit at nagpamewang sa harap niya. Habang pinagmamasdan ko siya ay bigla siyang nagising at tumayo. "Uy baki--" tumakbo siya papunta sa banyo at nagsuka doon. Nakaluhod siya sa inidoro at yakap yakap niya ito. Jusko, maglilinis pa ko! Hinahagod ko ang likod niya habang sumusuka siya. "Yan kasi, lakas mong tumungga. Hindi mo naman pala kayang malasing."

Nakita ko na siyang nagpunas ng bibigat at isasandal sana ang ulo sa inidoro nang iharang ko ang kamay ko. "Madumi diyan, Deanna. Halika tayo ka at magshower ka na--"

"Ihh, ayawww." Reklamo niya habang nakahawak sa braso ko. "It's cooooold."

"I have heater, Deanna. Pwede namang warm shower. Dali na, nagsuka ka oh. Gusto mo bang matulog na amoy suka?" Sagot ko sa kaniya. Umiling naman siya at kusang tumayo, natutumba tumba pa. Pumasok siya sa shower area at tumayo lang doon. "Hihintayin kita sa labas ha? Di ko isasara yung pinto para matawag mo ko--"

"Noooo. Shower me." Napalunok naman ako sa sinabi niya. Anong shower you?! Nakalimutan ata netong ex niya ako at ikakasal na siya?

"Huy? Baliw ka ba? Kaya mo na yan, hindi ka pa naman lumpo eh." Sagot ko habang kinakalma ang dibdib ko, ang bilis kasi ng tibok. Lakas talaga neto ni Deanna eh kakainis.

"Nahihilo na ako, Ivyyyyy. I can't shower myself. Pleaseeeee? Pretty pleaseeeee?" At humarap siya sa akin saka nag puppy eyes pagdilat niya. Jusko! Wag kang ganyan, mahina ako sa ganyan mo. "Sige naaaa--"

Napakamot naman ako sa ulo ko. "Oo na, sige na para matapos na to."

"Yeheyyyy!" Jusko, si Cadean ba tong kausap ko? Parang bata kasi eh.

Lunok ako nang lunok nang makapasok ako sa shower area. "Oh ayan na, nandito na ko. Paliguan mo na sarili mo."

"Bakit ba ayaw mo kong ishower?" Reklamo niya habang nakapikit pa rin.

"You know we shouldn't do this, Deanna." Mahinahon kong sagot. "Hindi na katulad noon ang ngayon. It's too.. awkward?"

"What makes it awkward? Ishashower mo lang naman ako, as if naman hindi mo pa to nakita." Napapikit na lang ako sa inis.

"Deanna, hindi na tayo mag jowa para magpaligo ka sa akin. Malaki ang respeto ko kay Car--"

"I never broke up with you." Sagot niya nang nakadilat na. Sasagot pa sana ako nang muntik na siyang matumba kaya inalalayan ko agad. "If you don't want to bathe me, lumabas ka na lang. Ako na lang gagawa."

"N-No, it's fine. Baka matumba ka pa at mabagok pa ulo mo." Gulo ko no? Minsan naiinis na din ako sa sarili ko eh. Parang timang kase.

Matagumpay kong napag shower si Deanna kahit naka pikit ako. Pinigilan ko talaga na dumilat, ang importante hawak ko siya para di siya matumba. Nasa kwarto na ulit kami at inabutan ko siya ng damit. Nandito pa mga luma nyang damit, hindi ko naman tinapon.

Red StringsWhere stories live. Discover now