Chapter 25: Sean's Confession.

38 28 0
                                    








Sean's pov,


"Ang ganda ata nang gising ng kapatid ko ah." Bungad ni Kuya sa likuran ko. "Ano ba meron at ang lapad ng ngiti mo? Siguro may ginawa kang kalokohan." Sabi pa niya at naupo sa pwesto niya.

Napabuga ako ng hangin sa sinabi niya. "Sira ka talaga Kuya, wala a, porket malapad lang ang ngiti ko may kalokohan agad akong ginawa?" Pailing iling kong tanong sa kanya at naupo na rin sa kaharap niyang upuan.

"Sus! E ano nga? Ano meron bakit ganyan ka na lang makangiti d'yan?" Paguusisa niya.

"Aaminin ko na kasi yung nararamdaman ko para kay Samantha." Nahihiya kong sabi sa kanya.

Tinapik niya ako sa balikat at nginitian ako. "Ayun! Sa wakas hindi ka na torpe." Sabay tawa niya kaya napakamot ako sa batok.

"Kuya naman e, syempre naghahanap lang ako ng timing para umamin sa kanya."

"Oo na baka bawiin mo pa e, pero bunso paalala lang kung ano man ang kalabasan kailangan mo tanggapin yon negatibo man o positibo pa yan."

"Alam ko naman yun Kuya, kailangan ko intindihin lahat." Ngumiti ako ng mapait napansin niya siguro yung pagiba ng awra sa mukha ko kaya humawak siya sa balikat ko.

"Nako bunso, wag ka magoverthink pinalalahanan lang kita kung sakali man pero hindi ibig sabihin non irereject ka na ni Ma'am Samantha."

"Oo nga Kuya, at saka tatanggapin ko ng bukal sa kalooban ko at saka part naman ang rejection pagdating sa mga ganitong usapan kaya alam ko na." Sabi ko nagkibit balikat na lang siya at tinapos na ang agahan niya.

"Goodluck bunso, mauna na ako sayo marami pa kasi akong aasikasuhin at kailangan matapos bago dumating ang kaarawan ni Don Leoncio." Oo nga pala nawala sa isip ko na ilang araw na lang ay kaarawan na ni Don Leoncio, panigurado marami na namang nga kamaganak ang dadayo para makisalo kay Don Leoncio.

Pagkaalis ni Kuya ay tapos na rin ako kumain kaya agad ko iniligpit at hinugasan ang nga plato. Habang naghuhugas napatingin ako sa may pinto ng kusina dahil dumating ang batang makulit na si Coco.

"Good mood ka ata Kuya ah!" Bungad niya sakin habang tulak yung upuan para tungtungan niya.

Patuloy lang ako sa paghuhugas ng mga kawali. "Pano mo naman nasabi e, hindi mo pa naman nakikita ang mukha ko."

Narinig kong tinulak niya yung upuan papunta sa gilid ko. "Ayan o!" Turo niya sa mukha ko. "Nakangiti ka habang naghuhugas, delikado ka na Kuya ngumingiti ka sa mga kawali."

Napapikit ako ng mariin at natawa ng bahagya. "Alam mo puro ka talaga kalokohan, pupunta ka rito para asarin ako." Natatawa kong sabi.

"Hindi naman kalokohan ang sinasabi ko Kuya, ganyan rin si Ate Yna kapag kausap ang nobyo niya." Bigla naman siya nagulat at para bang may narealized siya na isang bagay. "Siguro inlove ka na no?!"

Nagpatay malisya ako sa sinabi niya sa murang edad ni Coco may alam na siyang inlove na words sabagay kami ang nakakasama niya dahil wala masyadong bata na nagagawi rito kaya iba ang mindset ni Coco kumpara sa ibang mga bata. Kumbaga sa edad na 4 years old natuto na magtanim ng palay at gulay si Coco.

"Aminin mo na Kuya."

"Oo na, inlove na ako." Ginulo ko ang buhok niya. "Ikaw talaga may pa inlove inlove ka na ng nalalaman ah."

"Pfft! Syempre nakikita ko sainyo at saka kanino ka inlove kay Ate ganda ba?" Paniniguro niya.

"Oo." Sagot ko naman nagmistulang bituin ang mga mata niya sa narinig.

Rich Girl Series #1: Tame The Wealthy Brat Where stories live. Discover now