Chapter 23: Coffee Date With Sean.

115 49 20
                                    

"I didn't expect na isa sa mga pangarap ko matutupad dahil sa dare na ito masaya na ako kahit simple, salamat."




Samantha's pov,

Maaga ako nagising dahil na rin sa gising ni Elly. Napasabunot na lang ako sa buhok dahil sa inis nanaginip pa naman ako tapos bigla na lang gigisingin.

"Ano ka ba! Date niyo kaya ni Sean ngayon." Paalala niya.

"I know naman, pero masyado pang maaga para magising ako ng ganito." Sabi ko habang kinukusot ang kaliwang mata ko at nahiga ulet. "Give me 1 more minute okay?"

"Anong 1 more minute? 10 am na ng umaga."

"I don't care, please I want to sleep-" Sabi ko at nagtalukbong ng kumot na agad niya naman nahila paalis sa akin.

Sinimangutan ko siya. "Bakit ba kasi atat ka?! Mamaya pa naman kami aalis!"

"Basta! Bumangon ka na d'yan." Pagpipilitin niya.

Napabuntong hininga na lang ako at bumangon na sa pagkakahiga. Ewan ko rin sa babaeng to minsan hindi ko na maintindihan kasi may mga times na tinutulak niya ako kay Matt tapos bigla kay Sean hindi ko na tuloy maiwasang isipin na baka may gusto siya kay Matt or kay Sean at ako lang ginagawa niyang way para mapalapit sa dalawa.

"Nababasa ko ang nasa isip mo." Pagtataray niya kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya. "Ang hirap kasi mamili sa dalawa. Isipin mo yun? Dalawang walking green flag tapos ideal type pa kaya hindi ko alam kung sino ba talaga ang pwede kasi parehas suitable para sayo."

Napasapo na lang ako sa noo. "Bakit ba namomoblema ka d'yan? At saka hindi ko kailangan mamili sa kanila kung sino yung tinitibok ng puso ko yun yon, mararamdaman ko naman yun eh."

"Eh, sino nga ba sa kanilang dalawa?"

"Seryoso ka ba d'yan?"

"Oo."

I sigh and look at her directly. "S-Si Matthew.." Bigla nagliwanag ang mukha niya at halos himatayin na sa kilig.

"T-Teka nga!" Awat ko dahil bugbog na ang braso ko. "ELLYSHANNA!"

Natigil siya. "Maka Ellyshanna ka naman d'yan! Sorry okay? Nacarried away lang." Ani niya sabay ngiti ulet ng nakakaloko.

"Hayss! Wag ka maingay okay? Ayoko malaman nila at ayoko rin mailang sa akin si Matthew kaya shh ka lang!" Sabay takip sa bibig niya. Tumango siya at umakto na izinip ang bibig niya sabay okay sign.

"Pero alam mo Elly, may chance kaya? What if wala? What if hanggang bestfriend slash kababata niya lang ang tingin sa akin? What if si Grace talaga gusto niya?" Kinakabahan kong sabi. Napatingin ako sa kanya na tahimik lang kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Seriously Elly?"

"Hmmm?! Hmmmmp?!" Sabay sign language.

"Aiissst! Sabi ko wag ka lang maingay hindi naman literal na ganyan." Inis kong sabi. "Aray!" Gulat ko ng batukan niya ako.

"Gaga ka! Sinusunod ko lang naman yung sabi mo, tapos magrereklamo ka d'yan tsk!" Inirapan pa ako.

"Namimilosopo ka pa tsk! So ano nga? What if-ibagfheusbzxb." Sinamaan ko siya ng tingin sungalngalin ba naman ako ng hintuturo niya.

"SHHH! Nagooverthink ka agad eh, wala ka pa nga evidence to proof na si Grace ang gusto niya wag mo pangunahan lahat."

Parehas kami napalingon sa pinto at pumasok ai Ella akala ko kasama niya si Lina pero hindi si Matthew ang nasa likuran niya na seryoso ang mukha kaya napaiwas ako nang tingin ng magkatinginan kami.

Rich Girl Series #1: Tame The Wealthy Brat Where stories live. Discover now