Chapter 34: Happy Birthday

21 5 0
                                    




Matthew's pov



Hindi ako masyado nakatulog ng maayos kagabi dahil sa ginawa ni Grace kahapon. Sinubukan ko siya habulin at kausapin sa ginawa niyang pananakit kay Sam pero hindi niya ako nilingon at tuloy lang sa pagtakbo palayo.

Naiinis ako dahil sinisisi ni Grace si Sam kahit wala namang kasalanan si Sam kung bakit hindi ko siya magawang mahalin ng higit pa. Matagal ko ng pinaliwanag sa kanya akala ko okay lang sa kanya at susuportahan niya ako dahil kaibigan ko siya pero hindi pala.

Nagagalit ako sa ginawa niya at kung totohanin niya yung banta niya para saktan si Sam hindi ko siya mapapatawad.

Lumingon ako sa gilid ko napalitan agad ng ngiti ang labi ko ng masilayan ko ang maamo niyang mukha na mahimbing pang natutulog.

Bumangon na ako at dinampot yung damit sa may paanan ko bago ako tuluyang tumayo sa kama inayos ko muna yung kumot sa kanya at hinalikan siya sa noo.

Paglabas ko ng kwarto nakasabay ko si Elly at kasunod niya si Kevin na halatang bagong gising rin.

Halata naman nagulat siya ng makita ako. "Oh! Pangungunahan na kita hindi rito natulog si Kevin." Depensa niya agad.

Tumingin ako kay Kevin na nasa likuran ni Elly at hindi kumikibo.

Napangiti naman ako ng nakakaloko. "Hindi pa nga ako nagrereact eh, defensive masyado." Pabiro ko.

Naningkit ang mga mata niya. "Alam ko na kasi sasabihin mo mala Louise ka rin eh,  kaya pinangunahan ko na." Lumapit siya sa akin at ngumisi. "Nababasa ko ang nasa isip mo." Sabay tapik sa balikat ko.

"Weh? Sige nga ano nasa isip ko?"  Hamon ko.

"Uhmm.." natiklop siya bigla kaya si Kevin ang nilapit niya sa harapan ko. "Kayo na lang pala dalawa magusap byeiiii." Ani niya at nagmadaling bumaba ng hagdan.

Napailing ako habang sinundan ng tingin si Elly pababa ng hagdan. Pagkaalis niya nagkatinginan kami ni Kevin. "Ano ginagawa mo sa kwarto ni Elly?"

"Nagpatulong lang siya-"

"Parang hindi naman?" Putol ko sa kanya.

"Mukha ba akong nagsisinungaling?" Napakamot siya sa ulo.

"Hmm oo."

"Hayyss okay sige," Umakto na parang naubusan ng kumpyansa sa sarili. "Wala naman akong maitatago sayo tsk! Chismoso ka kasi." Huminga siya ng malalim.

"Sinamahan ko siya matulog kagabi ang sabi niya binabangungot siya kaya pumayag na ako," Paliwanag niya. "Pero! hindi kami magkatabi sa kama ah, sa banig ako natulog."

Napatango na lang ako at tinapik tapik siya sa balikat. "Alam ko naman yon, atlis diba hindi na awkward sa pagitan niyo."

"Hindi ko nga rin alam eh, moody kasi yung babaeng yon minsan matino madalas may topak hirap timplahin."

Natawa na lang ako saka siya inakbayan at inaya na bumaba para magalmusal. "Ganyan rin si Sam hahahahahahaha, tara kumain na tayo sa baba."

Pagkababa namin nadatnan namin si Sir Louie na nagbabasa ng dyaryo kasama niya si Mrs. Illustre na abala sa pagsagot ng cross words sa dyaryo.

"Magandang umaga po Sir Louie, Ma'am." Bati namin pareho ni Kevin.

"Magandang umaga rin, samahan niyo na kami magalmusal." Aya ni Sir Louie sakto na lumabas si Inang sa kusina at may dalang pagkain.

Rich Girl Series #1: Tame The Wealthy Brat Where stories live. Discover now