Chapter 28: Ang Katotohanan

38 24 0
                                    

"Tanggap kita, mahal kita at mamahalin pa ng lubos kahit sino ka pa sa paningin ng lahat hindi magbabago yan."


Matthew's pov,


Tanghalian na at hanggang ngayon ayaw pa rin ni Sam lumabas ng kwarto dahil sa nangyari kahapon. Halos kami rin ay nabigla sa nangayari pero wala kaming karapatan mangjudge lalo na't hindi naman namin alam ang tunay na storya.

Umakyat na ako para ayain si Sam magtanghalian kagabi pa kasi siya hindi kumakain at nagaalala na ako.

Nakailang katok ang nagawa ko pero wala pa rin siyang respond sa akin. Kaya tinawah ko na si Ella para kunin yung susi ng kwarto ni Sam.

Pagkaabot sakin ni Ella ipapasok ko na sana yung susi sa doorknob ng mapihit ko ito at bumukas.

"Hindi naka lock kuya?" Takang tanong ni Ella.

Binuksan ko yung pinto at wala kaming Samantha nakita dito sa loob.

"Sam?!" Pumunta ako sa cr at wala rin siya dito.

"Kuya wala yung mga gamit ni Ate Sam rito.." Sabi ni Ella ng tignan niya yung kabinet ni Sam.

Kinuha ko agad yung phone ko at makailang ulit na tinawagan si Sam pero out of coverage ang phone niya.

"Kuya ano gagawin natin? Saan natin hahanapin si Ate?"

Napaupo na lang ako sa kama at napasabunot sa buhok. Sam bakit kailangan mo umalis saan kita hahanapin ngayon hays.

Napatingin ako sa phone ko nasa gilid. "Unknown number."

"Baka si Ate Sam yan."

"Sam? Nasaan ka pupuntahan kita-"

"Si Caleb to." Sabat niya sa linya kaya napatayo ako.

"Anong kailangan mo? Wala akong panahon makipagaguhan sayo Caleb-" at akmang papatayin na yung tawag.

"Kasama ko si Sam."

"Ano!? Ano ginawa mo kay Sam? Bakit kasama mo siya?!" Sunod sunod kong tanong sa kanya.

Narinig ko siyang bumuntong hininga. "Pwede bang kumalma ka, wala akong ginawa kay Sam wag kang oa at isa pa si Sam ang lumapit sa akin."

"Lumapit? Tsk bakit naman lalapit si Sam sa lalaking sinaktan siya?!" Inis kong sabi.

"Wala kang alam Matthew." Ramdam ko na rin na naiinis na siya.

"Wala akong pake kung ano rason mo sabihin mo sakin kung nasaan si Samantha!"

Nagsalubong ang kilay ko ng marinig ko siyang tumawa sa kabilang linya. "Pwede ba kumalma ka."

"Paano ako kakalma kung ikaw ang kasama niya, wala akong tiwala sayo kaya sabihin mo na kung nasan si Samantha kung ayaw mo mabasag yang mukha mo!" Pagbabanta ko.

Narinig ko ulet na bumuntong hininga siya. "Magkita tayo sa isesend kong location, ako mismo ang maghahatid sayo kay Sam." Hindi niya na ako pinagsalita at binabaan na ako ng phone.

"Nasan si Louise?!" Panic na sabi ni Elly pagkapasok rito sa kwarto. "MATTHEW?!"

"Tumawag sa akin si Caleb alam niya raw kung saan makikita si Sam."

"Maniniwala ka ron? What if set up lang yon?!" Hinawakan niya ako sa magkabilang braso.

Kahit ako ay nagaalinlangan rin na baka pinagtritripan lang ako ni Caleb pero handa naman ako dahil involve si Samantha rito. "Handa ako, makikipagkita ako sa kanya." Sagot ko saka lumabas ng kwarto.

Rich Girl Series #1: Tame The Wealthy Brat Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum