THREAD 21

13 3 0
                                    

Dumiretso ako sa kwarto ko at inempake ang mga gamit ko. Dahil kakaunti lang yun, madali ko lang yun naibitbit. Malungkot at masam4 ang loob ko nang lumabas ako sa condo.

Umiiyak ako habang nakatanaw sa labas ng condo unit namin. Kahit papaano ay mami-miss ko pa rin naman yung presensya ng bahay.

Malungkot ako habang naghihintay nang masasakyang taxi. Tumawag muna ako sa isa ko pang kaibigan kung pwede ba akong makitulog sa kanila kahit isang gabi lang, at pumayag naman ito.

"Taxi.." walang ganang tawag ko sa taxi driver.

Habang sakay ako ng taxi, hindi ko napigilang maiyak sa sobrang lungkot. Akala ko makakatulong ako sa kaibigan ko, ay mali! Kay Lou pala. Akala ko makakatulong ako sa kanya pero mukang minasam4 pa nya yung pagtulong ko.

BESTFRIENDWhere stories live. Discover now