KABANATA 8

25 3 0
                                    

Binalot kami ng katahimikan ni Blake. Walang nagsalita sa 'min nang samahan niya ako papunta sa office para ihatid ang mga nasagutang papel.

Pabalik na kami at wala ng mga studyante sa hallway. Lahat nakauwi na. Tahimik lang akong naglalakad at nakatingin sa baba. Nakakainis dahil ang tagal naming dumating sa main gate!

Tumikhim ako at nagsalita. "B-blake?" Tawag ko sa kanya.

"Hmm?"

"‘Di ba may girlfriend ka na?" Napalunok ako sa sariling laway. Sana pala ay hindi ko nalang itinanong!

Saglit siyang napatitig sa 'kin. "Yes, why?" 

"W-wala naman." Nag-iwas ako ng tingin at naunang naglakad. Hindi ko na kinaya ang atmosphere.

"I actually meat her in rpw." Habol niya. Huminga ako ng malalim. Ako ba ang tinutukoy niya? Aba, malay ko ba at baka marami siyang girl friend sa rpw.

"Samantha is her name in rpw." Dagdag niya kaya natigilan ako. Ako nga ang sinasabi niya.

"G-ganun ba." Bumuntong-hininga ako. "Rpw, pekeng mundo." Bulong ko at mapait na ngumiti.

"Pero may mahal ka sa totoong mundo?" Tanong ko nang sa gano'n ay hindi na ako aasa pa sa kanya.

"Yeah,"  tanging sambit niya.

Mahina akong natawa. Sobrang bitter no'n. Sakit mo naman, Blake.

So, may mahal pala talaga siya sa real world? Ito na nga ba ang sinasabi ko e. Hindi ko talaga dapat sineseryoso ang rpw kasi peke lang naman ang lahat. Ako lang ang masasaktan. Aaminin kong talo na ako dahil nasasaktan ako, samantalang pang-rpw lang ako para sa kanya dahil iba naman ang mahal niya sa tunay na buhay.

Masakit pero anong laban ko? Pampalipas oras lang ang lahat. Hindi ko mapigilang hindi tumulo ang luha kay tinakpan ko ang mukha ko gamít ang ilang hibla ng buhok ko. Mabuti nalang at nakalugay ang buhok ko. Mabilis ko rin itong pinahiran at mas binilisan pa ang lakad.

"P-pero paano naman 'yong girlfriend mo sa rpw?"

"H-hindi mo ba siya minahal man lan? P-pang rpw lang ba talaga siya?" Tumingin ako sa malayo. "Hindi mo ba alam na kapag nalaman niya ang totoo ay m-masasaktan siya?" Sunod-sunod na tanong ko gamit ang paos na boses. Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya, agad akong tumakbo palayo.

Ayaw ko na palang malaman ang sagot niya, paniguradong masasaktan lang ako. Tsaka para ano pa? Ang marinig ang salitang ‘oo pang rpw lang sya at bawal din namang mahulog dahil talo ka’ ito ba ang gusto kong marinig mula sa kanya?

Tinawag pa ako ni Blake pero tuloy-tuloy lang ang paglayo ko sa kanya. Ang sakit pala kapag genuine na yung feelings mo para sa isang tao pero hi di mo matanggap ang parehong feelings.

Huminto ako sa pinakamalapit na lumang freedom park. Hinihingal ako at napahawak sa dalawang tuhod. Umiyak ako nang umiyak. Takot ako sa lugar na walang katao-tao pero nangingibabaw sa 'kin ngayon ang sakit.

Tangina, bakit nga ba ako umasa?

Dahandahan akong umupo sa bench at nilabas ang cellphone ko. Offline si Skyler kaya ito ang pagkakataon ko para magpaalam sa kanya. Alam kong marupok ako sa kanya at mas lalong ayaw kong magmukhang kabit kahit rpw lang ito.

Ang kapal naman siguro ng mukha ko kahit alam kong may girlfriend din siya in real world.

Pumunta ako sa settings ng facebook at pinindot ang account deletion.

Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. Bumalik sa ala-ala ko ang mga memories ko sa account na 'yon.

Nang madelete ko na ang account ay ibinalik ko na sa bag ang cellphone at tulalang nakatitig sa kawalan. Tumingala ako sa langit na kulay nag-aagaw na kahel at pula. They say that sunset represents goodbye. Ngayon lang ako nakarelate.

"Here. . ." May nag-abot sa 'kin ng white handkerchief.

My Boyfriend in Rpw is my Worst Enemy in RwTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon