11

11 1 0
                                    

Yuki Inigo’s POV




Panay ang tingin ko sa relo ko dahil sa oras. Hanggang ngayon hindi pa ako nakasakay sa jeep, kanina pa ako pumapara pero punuan lahat ng jeep na dumadaan.



Hindi ko ugaling ma-late dahil parati akong maaga pumasok simula nung naging student leader ako nung Grade 7.



It’s not that I’m already late but I still have 20 minutes before the first period start, pero gaya nga ng sabi ko hindi ako ganitong oras pumapasok dahil sa posisyon ko.



Lumipas pa ang ilang minuto at wala pa rin akong napapara na jeep hanggang sa may humintong Mercedes Benz Sedan sa tapat ko.



When the car’s window was rolled down, nakita ko na si Davina ang nakasakay sa kotse. Bakit nandito ‘to?



“Wala kang masakyan?” Tanong niya.



“Meron.” Pagsisinungaling ko.



“Talaga? Eh lahat ng jeep punuan, wala din dumadaan na bus.” Sabi niya, “Get inside, isasabay na kita papasok ng school kaysa naman ma-stuck ka diyan at ma-late pa.”



“‘Wag na, kaya kong mag-commute.” Sagot ko.



“15 minutes nalang mags-start na first period, sumabay ka na bago pa magbago isip ko.” Davina insisted.



I sighed, naglakad ako papunta sa kotse na sinasakyan niya at binuksan ‘yon para sumakay. Umusog naman si Davina para makaupo ako. I maintained a big space between us para hindi kami magkalapit dalawa.



“Thank you.” Sabi ko.



Hindi siya sumagot hanggang sa nag-maneho na ulit ang driver niya. Nanatili lang akong tahimik dito habang nakatingin sa bintana.



This is what I least expected to happen, and at the same time I didn’t expect her na isasabay niya ako papasok dahil alam ko namang may sama pa rin siya ng loob sa nangyari nung isang araw nung sinita ko siya dahil sa I.D. niya.



At akala ko rin nung nakita niya ako kanina sa waiting shed ay hahayaan niya lang ako doon pero hindi, she did the opposite.



I mean, nasa mukha niya kasi na gagawin niya ‘yon. O sadyang mapanghusga lang ako.



Naramdaman kong kinalabit niya ako kaya napalingon ako sakanya, ”Bakit?”



She handed me a cup of hot chocolate, “Ano ‘yan?”



“Inumin mo nalang.” Sabi niya, “Sayo nalang hot chocolate ko, busog na ako eh.”



“Baka may laway mo na ‘yan.” I joked.



“I won’t do that, that’s disgusting.” She rolled her eyes, “Kunin mo na, iyo na.”



Kinuha ko ‘yung hot chocolate at nagpasalamat, “Peace offering mo ba ‘to?”



I heard her chuckle, “Bakit naman kita bibigyan ng peace offering kung ikaw naman may kasalanan kung bakit ako nagka-tardy.”



Tingnan mo, ‘yon pa rin talaga issue niya hanggang ngayon.



“How about forgiveness? I already said sorry.” Dagdag ko pa.



“Asa ka noh.” Natawa nalang ako sa sinabi niya before sipping on my hot chocolate.



“Okay, I’ll just assume that you already forgive me by giving me this hot chocolate.” I saw her roll her eyes which made me smile even more.








A December to Remember (Mixtape Epistolary Series #2) | Lee KnowTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang