chapter 32

111 12 2
                                    

kira’s PoV

kasalukuyan kaming narito sa sala ng ewan ko kung dorm ba ito dahil sobrang lawak at laki ng espasyo para sa dorm at pito lang silang tumutuloy ah. Alam niyo na kung sino sila, yung mga...

filli regum et reginarum'

at kung nag ta-taka kayo kung bakit nila ako kasama, iyun ay dahil raw sa isa ako sa mga tinutukan ng atensyon noong pag su-sulit saka may isa pa akong nalaman, at iyun ay tungkol sa pag su-sulit.

ang sabi nila hindi naman daw ganun kalala ang pag su-sulit noon kumpara ngayong taon. Simpleng pag papakitang gilas lang daw ng kanilang kapangyarihan ang kanilang ginagawa upang makapasa, samantalang ngayong taon lang ito nag iba. Hindi rin nila alam kung bakit nag iba ang takbo ng pag su-sulit dahil hindi naman sila sinabihan ng punong guro ang tanging alam lang nila ay mas kailangan ng paaralan ng mga mag a-aral na may potensyal upang ilaban sa kalagitnaan ng buwan. Hindi nila sinabi kung ano iyun dahil sasabihin naman daw ng mga propesor ito kapag ito'y malapit na.

“kiraaaa!! sino ba kasi 'yung magandang lalaki na tumawag sa'yo, tanging napakagandang pangalan lang niya ang nalaman ko” biglang sabi ni adam, isa pa 'tong lalaking ito eh. Kanina pa tanong nang tanong tungkol sa kapatid kong bading.

“wala kang mapapala dun kaya manahimik ka” seryuso kong ani pero ang gago hindi manlang natinang, inaalog pa yung braso ko na parang bata, bwesit na isip bata 'to.

salamat at hindi nag tagal ang kakulitan ni adam dahil pinatahimik siya ng kanilang lider, ang prinsipe ng quire kingdom at ang tinaguriang pinaka malakas sa ngayong henerasyon. Siya ay si...

'raijen styrmir'

hindi ko pa alam ang kaniyang kapangyarihan dahil hindi pa naman kami pinapagamit ng kapangyarihan sa klase dahil panay history lang na nakakasawa na ng sobra-sobra.

nasa ikalawang taon palang sila habang kami naman ni kiro ay nasa unang taon palang o mas tamang itawag na mga freshmen.

habang nag mu muni-muni may bigla akong naramdaman na may tumabi sa akin kaya nilingon ko ito at tama nga ako meron nga. At iyon ay si isla na kanina pa din nangungulit tungkol kay kiro, para sa kaalaman niyo siya ang prinsesa ng katubigan. Ang aquitopia kingdom.

paniguradong mangungulit na naman 'to tungkol kay kiro' bulong ko sa aking isip dahil mahirap na kapag isinambit kopa.

“kiraaaa!! saang seksyon ba nabibilang si kiro bakit hindi ko siya nakikita? isang beses palang at yun ay kahapon nong tinawag ka niya. Please sabihin mona kasi kung saan siya nabibilang para madalaw natin siya araw-araw at ng makurot ko lagi ang pisnge niya hehe” aniya habang nakanguso, tsk pato, hindi ko nalang siya pinansin at ipinag patuloy ang aking pag mu muni-muni.

isang araw na pala nong tinawag ako ni kiro, ramdam ko parin ang kaniyang pag tangis sa aking balikat‚ ang bata panga talaga ng pag i-isip ng kapatid ko. Sana'y hindi niya maging kahinaan iyun' sambit ko sa aking isip.

“kira tara na pasok na tayo, tapos kwentohan mo 'ko mamaya tungkol kay kiro” biglang sabi ni isla habang nakalambitin ang kaniyang kanang kamay sa aking braso, iniling ko nalang ang aking ulo saka sumabay sa pag la-lakad sa iba. Tss hindi manlang ako inantay, panay tawag naman si isla sa likod ko habang sinusundan ako.

ilang saglit lang ang aming tinagal at nakarating na kami sa aming panghuling asignatura at ngayon ay araw ng byirnes kaya ngayong araw din na ito malalaman ko ang kanilang kaniya-kaniyang abilidad at paraan ng pakikipag laban.

“maligayang hapon sa inyong lahat. Alam kong nag didiwang ang kaloob-looban ninyo dahil sa gaganapin nating gawain ngayon, mag handa dahil ang gawain na ito ay uno-uno o mas tamang sabihing 1vs1, kayo'y mag lalaban at kung sino ang nakatayo ay siya ang panalo. Ang pag patay ay ipinag ba-bawal” explinar ni propesor v. ewan pero iyun ang gusto niyang itawag namin sa kaniya.

pinagmasdan ko lang siya habang ginagalaw niya ang kaniyang isang kamay at ilang saglit lang ay nasa ibang lugar na kami na wari ko'y battle ground dahil sa lawak ng espasyo. Pansin ko rin ang mga quirians na nakaupo sa nakapalibot na upuan sa buong ground.

“tama nga ako, battle ground nga ito” mahina kong sambit habang inililibog ang aking tingin sa lahat ng nilalang na narito ngayon na parang may isang mahalagang mangyayare dahil sa kanilang rami.

napatingin naman ako sa aking gilid ng biglang may kumalabit, at iyon ay si celeste haizea isang katulad kong air holder at prinsesa ng hangin sa calliope kingdom. Tinignan ko siya ng nag ta-tanong na tingin upang ipahiwatig kung bakit niya ako kinalabit.

“nag ta-taka kaba kung bakit ang dami ng mga quirians na narito ngayon kira?” aniya habang nililibot ang tingin sa paligid.

“medyo, iniisip ko lang kung anong importanting magaganap bakit halos narito ang lahat ng studyante” walang gana kong sagot na ikinalingon naman neto sa'kin at muli kona namang nasilayan ang magkapareho naming mata kaya ako na ang nag unang nag iwas ng tingin.

“hindi naman mahalaga ang mangyayare ngayon araw sadyang nakasanayan lang ito na ianunsyo sa lahat ng antas na grado ang magaganap na activity ng mga nasa unang sekyson at manood, para kasing literal na labanan ang magaganap dahil ang labanan ay parang hindi activity kundi totoong labanan kaya naeengganyo ang lahat na manood at yun ang nakasanayan" mahaba-habang niyang paliwanag na agad ko namang na-iintindihan, ganun pala ang nakasanayan rito sa akademyang pinasokan namin ni kiro.

“MAGANDANG HAPON AKING MGA MINAMAHAL NA QUIRIANS, NARITO TAYO NGAYON UPANG GANAPIN ANG MANGYAYARENG LABANAN NG UNANG SEKSYON BILANG PARTE NG KANILANG AKTIBIDADIS, NAIS KO LAMANG IPAALAM SA LAHAT NG UNANG SEKSYON NA ANG PAG PATAY AY IPINAG BA-BAWAL KAYA ANG UNANG LABAN, SIMULAN NA!!” malakas na anunsyo ng isa sa mga guro sa taas, psh sakit sa tenga.

“narito na sa malaking kahon na ito ang inyong mga pangalan, kapag kayo ay tinawag nais kong umusad kayo at mag pakitang gilas, ito ay ang inyong unang aktibidadis sa aking klase kaya nais kong ipakita ninyo ang inyong makakaya at huwag upahiya ang unang seksyon maliwanag!!” sigaw naman ng aming propesor na sinagot naman ng opo ng aking mga ka-klase, poquenangina napaka-ingay.

“nabunot kona ang unang sasalang at ito ay sina FREDDY DURAN AT JHONNY SED”

“ANG UNANG LABAN SIMULAN NA!!"

______________________________________________

boring 'tong chapter kaya tyagaan niyo nalang, mahal ko kayo!!❤️❤️

vote & comment and please follow me here alijore for more ud!!❤️❤️





xWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu