KABANATA 31

77.8K 2.7K 905
                                    

Patuloy akong humihikbi sa dibdib ni Zamir habang nakakapit nang mahigpt sa braso niya. Hinahaplos naman niya ang buhok ko at nakayakap sa baywang ko, tila pinakakalma ako. Mas lalo akong nagsumiksik sa dibdib niya. Inayos naman niya ang pagkakaupo ko sa kandungan niya.

Nandito na kami sa hotel kung saan ako tumutuloy. Hindi ko na rin alam kung gaano ako katagal umiiyak sa kaniya... Hindi ko nga rin alam kung bakit ako umiiyak. Ang tapang ko kanina, bakit ako umiiyak ngayon?

"Z-Zamir..." Inalis ko ang mukha sa dibdib niya saka nag-angat ng tingin sa kaniya.

Napatingin ako sa malambot niyang mga mata na nakatitig sa akin. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko saka pinahid ang mga luha roon. Humawak ako sa kamay niya na nasa pisngi ko saka muling napahikbi.

"S-sinabi sa'kin ni Dylan ang lahat..." bulong ko.

Napabuntonghininga siya, tila ba hindi niya nagustuhan iyon. "I can see that." He gave me a faint smile. "Elaine..."

Pinangunahan ko siya agad. "Zamir... B-bakit ba hindi mo sinabi sa'kin? Kung hindi pa sinabi sa akin ni Dylan... malamang habang buhay na akong galit sa'yo... Gusto mo ba 'yon? H-hindi tayo magkasama?" tanong ko saka muling humikbi. "Hindi mo man lang sinabi na ginawa mo ang lahat ng 'yon para lang linisin ang pangalan ko rito sa Vista Querencia..."

"S-sorry, Elaine... I don't want to burden you with my past. What happened to me back then, whatever I chose to do back then... it was never your fault. I did it on my own volition. Ayoko lang na makonsensya ka... na ma-guilty ka... sa mga desisyon na ako ang gumawa sa sarili ko," paliwanag niya sa marahang boses.

Mas lalo akong napaluha. Halata namang nag-alala siya sa akin saka humawak sa likod ko at hinaplos 'yon. Naiinis na hinampas ko ang dibdib niya.

"D-dapat pa rin sinabi mo... Dapat magkasama tayo sa hirap. H-hindi naman ikaw ang may pakana sa video na 'yon... biktima ka rin. D-dapat nilabanan natin lahat nang magkasama." Napakagat ako nang mariin sa ibabang labi ko saka mas hinigpitan ang kapit sa damit niya.

Saglit na natahimik si Zamir. "B-but... I don't want you to suffer. Ayokong maririnig na binabato ka ng masasakit na salita. You don't deserve all of that."

"I-ikaw ba? Deserve mo rin ba ang lahat ng 'to, ha? Deserve mo bang bastusin ng ganito? Deserve mo bang tratuhin na parang basura?" Nanginig ang mga kamay ko. "Hindi mo deserve ang lahat ng 'yon, Zamir. H-hindi mo deserve 'yon..." Humawak ako sa pisngi niya.

Parang kumirot na naman ang puso ko nang makita ang ilang sugat sa mukha niya, mukhang kamakailan niya lang natamo.

"P-pakiusap, Zamir... 'Wag ka nang maglilihim sa akin ulit. Kung talagang mahal mo ako... 'wag ka nang maglilihim ulit. Ayoko na wala akong alam tungkol sa'yo... Gusto ko na kasama mo ako sa hirap ng buhay. Naiintindihan mo ba?"

Nangislap ang mga mata niya dahil sa mga luhang namumuo roon. Napapikit siya nang mariin saka tumango. "Y-yes, I'll do that from now on... I'm so sorry, Elaine..."

Humawak ako sa magkabilang pisngi niya nang tuluyang tumakas ang mga luha mula sa mga mata niya... Ang Zamir ko... Hindi niya dapat pinagdadaanan at nararanasan ang lahat ng 'to.

Muling nagliyab ang kalooban ko nang makita ang ilang sugat sa mukha niya. "Zamir... Sabihin mo sa akin kung sino ang gumawa nito sa'yo," mariing sinabi ko.

Napalunok siya saka nag-angat ng tingin sa akin. "Y-you don't have to do that, Elaine. Mga tambay lang naman sa labas ang gumawa nito, hindi naman gaano—"

"Kahit na, Zamir! Hindi ako pumapayag na ganituhin ka! Sabihin mo sa'kin ngayon din kung nasaan sila!"

Humawak siya sa batok niya. "It's fine... Gumanti naman ako," sabi niya na lang saka humawak sa balikat ko, tila pinakakalma ako.

Flawed Series 1: Lost in His FireDove le storie prendono vita. Scoprilo ora