Chapter 10

347 1 0
                                    

Doc Zachary POV

"May patient pa ba ako?" tanong ko sa assistant ko.

"Wala na po Doc. Zachary."

"Okay, ikaw na muna bahala sa clinic ko. May pupuntahan kasi ako ngayon."

"Don't worry Doc. Zachary ako na bahala sa clinic mo."

Kinuha ko na ang mga gamit ko tapos lumabas na ng clinic ko. Paglabas ko ng clinic nakasalubong ko ang naging patient ko na si Lizzy.

"Doc. Zachary, magandang hapon po," bati nito.

"Lizzy, napadaan ka?"

"May appointment ako kay Dra. Katie. Ang aga mo yata aalis may lakad ka ba?"

"May kailangan akong puntahan ngayon."

"Sige Doc. Zachary. Ingat na lang sa lakad."

"Salamat Lizzy."

Dumirecho na sa derma clinic si Lizzy na katabi lang ng clinic ko. Sumakay na ako sa kotse ko para tumuloy sa lakad ko.

Balak kong puntahan ang puntod ngayon ni Agnes lalo na at mahalaga ang araw na ito sa amin. Ngayon kasi ang wedding anniversary namin. Kung nabubuhay lang si Agnes dalawa kaming magdiriwang ng okasyon na ito. Sayang lang talaga at nawala agad si Agnes. Hindi man lang niya masusubaybayan ang paglaki ng anak naming si Candy.

Bago ako dumirecho sa puntod ni Agnes dumaan muna ako sa flower shop para bumili ng tulips ang paboritong bulaklak ni Agnes.

Biglang tumunog ang phone isang tawag mula kay Wade sinagot ko agad ito.

"Wade, napatawag ka?"

"Kuya Zach, nandito ako sa clinic mo ang sabi ng staff mo nakaalis ka na daw."

"May problema ba Wade?"

"W-Wala naman. Nais sana kitang makasama kumain sa restaurant. Treat ko sana."

"I'm sorry Wade hindi ako makakasama may lakad ako ngayon alam mo naman na mahalaga ang araw na ito."

"Oo, nga pala wedding anniversary ninyo ni Ate Agnes. Sige na hindi na kita aabalahin sa lakad ko."

"Sige, Wade."

Binaba ko na ang phone. Binayaran ko na ang mga bulaklak sumakay sa kotse at nagpatuloy sa pagmaneho ng kotse hanggang sa makarating ako sa sementeryo.

Pagkaparada ng sasakyan tinungo ko na ang puntod ni Agnes. Nagsindi na ako ng kandila tapos inilagay na ang mga tulips sa puntod niya.

"Happy 10th wedding anniversary Agnes," malungkot kong saad.

Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Miss na miss ko na talaga si Agnes. Kahit ilang taon na ang lumipas ng namayapa ito ang sakit pa rin.

Iniisip ko minsan na sana panaginip na lang ito at ng magising na ako. Kay hirap tanggapin na wala na ang nag-iisang babaeng minahal mo ng buong puso.

Noong unang mga buwan ng pagkawala niya sobra talaga ang lungkot ko dumating sa punto na gusto ko ng magpakamatay pinigilan lang ako ni Nanang at ng kapatid kong si Wade. Pinaalala din nila na kailangan kong mabuhay para kay Candy ang anak namin ni Agnes.

Kahit napakahirap pinilit kong mabuhay para kay Candy. Inayos ko muli ang sarili ko at tinuon ang oras sa pagiging plastic surgeon ko at ama kay Candy. For past years trabaho at anak ang inatupag ko. Mabuti na rin yun ng kahit papaano makalimutan ko si Agnes. Pero ang hirap talaga kahit anong gawin ko hindi pa rin mawala ang sakit nang pagkawala ni Agnes.

Hiding From My Ruthless Billionaire Husband Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon