CHAPTER 59

1.4K 42 0
                                    

Kasalukuyan kaming naglalakad sa gitna ng maraming tao at batid kong nakukuha namin ang atensyon ng iba dahilan kaya halos hindi ako makalakad ng maayos dahil sa pagkailang.

Kasama ko si mary at cindy. Si demon abala naman sa kompanya niya. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sakin upang pumunta sa mall, marahil gusto ko lang sanayin ang aking sarili kung papaano humarap sa maraming tao.

Batid kong may mga iilan paring tao ang nakakaalam tungkol sa naganap sakin, iwan ko lang peru sa palagay ko magiging kahihiyan ako ni demon.

Iyon dapat ang mararamdaman ko subalit nakita ko sa reaksyon ng mga tao na parang natutuwa sila, inaasahan kung babakas sa emosyon nila ang panghuhusga ngunit mali ako.

" Hello po ma'am nathania! " Isang babae ang humarap sakin sabay yuko. " H-hi po! " Naiilang kong sagot.

Nagkatinginan kami nina cindy at mary ngunit ngumiti sila sakin.Nawala ang pangambang nararamdaman ko.

" Pumupunta din po pala kayo dito ma'am! " Nahihiya itong ngumiti. Halata sa babae ang pagiging mayaman niya.

Biglang lumapit sakin si cindy sabay bulong sakin. " Siya ang may ari ng mall na ito! " Bulong ni cindy kaya bahagya pa akong nagulat.

Mismo ang may ari ng mall na ito ang nagpakita ng malaking respito sakin. " Sana po magustuhan niyo lahat ng mga binebenta dito ma'am " Napatango-tango ako at napangiti.

" Salamat po, balita ko rin na maganda lahat ng mga binebenta dito! " Ang ilang na naramdaman ko ay naglaho dahil sa ipinapakitang respito ng babaeng to'!

Matapos mamili, inutusan kona ang dalawa na mauna ng umuwi. Balak ko sanang dalawin si demon sa kompanya niya, noong nakaraang araw halata na abala na talaga siya.

Dinalhan ko narin siya ng pagkain mahirap na baka nakakalimutan na niyang kumain sa tamang oras.

Nang makarating sa malawak na kompanyang pag-aari ng asawa ko, halos mamula naman ako sa hiya.

Lahat ng empliyado nakatingin na sakin.Parang gusto ko nalang huwag tumuloy.

" Ma'am nathania! " Sigaw ng secretary ni demon sabay lapit sakin. " Ma'am! " Banggit nito at nagmadaling yumuko.

Napatulala pa ako saglit, bakit kailangan pang yumuko? Para naman akong reyna, nakakapanibago parin.Malamang hindi ako sanay.

" Kayo, magbigay kayo ng respito sa asawa ni master D! "  Bukod sa secretary ni demon ang babaeng ito siya din ay tauhan ni demon.Kasamahan siya nina cindy at mary kaya master D ang tawag sa boss niya.

Gulat ang namutawi sa lahat ng banggitin iyon ng secretary ni demon na asawa kuno ako ng boss nila.

Seguro hindi nila ako kilala? Kase ito iyong unang pagkakataon na nakapasok ako sa kompanya ni demon.

" Hello po ma'am nathania! " Doon ko nakita ang pagrespito nila sakin ngunit pakiramdam ko naiilang parin ako.

Nakita ko ang inis sa mukha ng secretary ni demon, inis dahil sa mga empliyado.

" Isusumbong ko talaga kayo kay master D, asawa yan ng boss natin kaya kilalanin niyo siya! " Bahagya akong natawa sa sinabi ng secretary ng asawa ko.

Takot naman ang bumalatay sa mukha ng mga empliyado. " N-no okay lang naman sakin iyon, at tsaka hindi rin ako sanay na ganyan kayong lahat sakin, huwag mo narin itong ipaalam sa asawa ko! " Kilala ko kase ang isang iyon mainitin ang ulo.

" S-si demon busy ba siya? " Tanong ko sa secretary. " Medyo busy po siya peru alam kong matutuwa iyon kapag nakita ka niya, tara ma'am ihahatid po kita sa kaniya! " Tumango tango lang ako.

MY KIDNAPPER'S OBSESSION(COMPLETED)Where stories live. Discover now