29

17 1 0
                                    

Who's Mi? part 29

Nayeon: Mina, nakikinig ka ba?

Napakurap siya nang maramdaman ang kalabit ni Nayeon. Tumingin siya rito't ngumiti.

Mina: Sorry, may iniisip lang.

Jihyo: penny for your thoughts?

Mina: Nah, not that important.

They all shrugged their shoulders and sipped their coffees. Nasa isang park sila at pinapanood ang mga batang naglalaro sa playground. Umuwi ang mga ito dahil nagleave sila ng apat na araw pero alam naman ni Mina na ito lang ang araw na maibibigay nila sa kanya dahil may pamilya silang kailangang bisitahin.

Nayeon: nakakainis si Jeongyoen, ayaw niyang sumama tsk

Jihyo: baka naman busy?

Nayeon: Busy? Hindi yon busy. I know he'll make time for me if he really loves me.

Umirap si Jihyo sa sinabi nito. Napaisip tuloy si Mina kay Chaeyoung na isang linggo ng hindi nagpaparamdam.

"I know he'll make time for me if he really loves me."

Does Chaeyoung loves her? He's too busy to sent her one message.

Mina: Girls, may tanong ako.

Tumingin ang dalawa sa kanya at napalunok siya dahil sa seryosong mukha ng mga ito. Kailangan niya talaga ng mapagtatanungan. Wala na kasi si Jeongyeon na nasasabihan niya.

Mina: I have this client na ano...yung fiancé niya ay may babae.

Nayeon: oh my, ikakasal na sila tapos nakuha niya pang manloko?

Jihyo: I pity the woman...

She pursed her lips. Their sympathy is on Somi.

Mina: It was evident na niloloko siya. I told her to confront her fiancé or to call the wedding off.

Jihyo: That was your advice?

Nagkunot siya ng noo. Bakit parang may mali siya?

Mina: Ano ba dapat ang sasabihin ko?

Nayeon: I'm sure your client loves that man.

Jihyo: Masakit man para sa kanya pero feeling ko kapag ako ang nasa posisyon na yon, mapapatawad ko pa siya.

Nayeon: The mistress should be slapped. Bakit pa siya doon sa magpapakasal na? kawawa naman ang kliyente mo.

Natahimik siya lalo. Walang lugar ang tulad niyang nagmamahal lang naman sa maling sitwasyon.

Jihyo: Nasabi ba ng client mo na komprontahin ang babae ng fiancé nya? Ang plano niya para lang mapaghiwalay ang dalawa.

Mina: H-hindi...

Nayeon: Gosh, I wanna grabbed that girl's hair and slap her from left to right. Ang mga kauri niya ay dapat pinapakulong. Isipin mo nalang na kapag may mga taong ganoon ay matatakot na ang lahat na makipagrelasyon or mag asawa.

Tumingin si Jihyo sa kanya.

Jihyo: Ikaw ba, kapag nalaman mong may babae ang pakakasalan mo, anong mararamdaman mo?

Mina: M-magagalit.

Jihyo: Anong gagawin mo? Hahayaan mo nalang bang magtagumpay ang babaeng yon na masira kayo? At gugustuhin mo bang makipaghiwalay sa lalaking sobrang mahal mo?

Umiling si Mina at hindi na niya napigilan ang luhang nag unahan sa pagtulo. Nagulat naman ang dalawa at nagtaka.

Nayeon: M-mina...

Who's MI?Where stories live. Discover now