i

45 0 0
                                    

"Tams, it's your turn" Inabot ni Gab sa'kin ang isang maliit na shot glass na may laman na tequila, ininom ko naman kaagad 'yon ng may kapares na lemon saka inabot ulit sakanya 'yung shot glass. Pinanood ko lang ang mga kasama ko na masayang nagbibiruan dulot na rin ng kalasingan.

"Yosi break, samahan ko lang si Auds. Tams, you down?" Baling ni Gab sa'kin. Nagsi tinginan ang iba naming kasama sa'kin. Karamihan sakanila ay 'di ko kilala dahil ang kakilala ko lang naman ay ang mga tropahan sa side ni Matthew which is yung Groom sa kasal ng event na 'to.

I'm here at Matthew's wedding reception, marami na ring bisita ang nagsialisan dahil alas onse na rin ng gabi saka inuman na lang din naman ang ganap dito.

"Alam mo naman na tumigil na ako sa paninigarilyo, Gabo." Tumawa ako. I'm not into cigar anymore dahil masyadong masakit sa lalamunan kaya may sarili akong device ng vape para marerefill-an ko ng flavor na gusto ko kaso ang masama ay nakalimutan kong dalhin ngayon.

"Nagbago ka na, Tams. Anyway, sunod ka na lang" He gestured his back, sign na susundan niya 'yung kaibigan niya. Tinanguan ko na lang siya bilang pagsagot.

"Tahimik natin ngayon, ah" Ani Matthew sa'kin, nakaupo siya katabi ni Bea sa harap ko na mga nakasuot na ng casual clothes.

"Wag mo ng hingilin na mag iingay ako, Matt." Natawa kami sa sinabi ko. Pinipigilan ko lang na magsalita dahil kapag nasimulan ko 'di ko na mapipigilan. I'm a very talkative person.

I drank my last shot as I gestured them na susundan ko lang si Gab. Hindi pa naman kami tapos sa inuman dahil marami pang hindi nabubuksan na alak but I think I need a break, hindi kumpleto ang inuman ng walang nararamdamang nicotine sa katawan, kailangan ko humipak. Pumunta ako sa smoking area kung nasan sila Gab ngayon.

Gab ang his friend turned their heads to look at me, ang kaibigan niya ay napatigil sa pag ngiti.

Humalakhak si Gab. "'di mapigilan 'no?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Tapos na kami sa tequila kaya pwede ka ng bumalik, napaka daya mo talaga, Gab!" kinurot ko siya sa tagiliran, agad naman siyang dumaing.

"Aray! gusto ko lang mag yosi nang bibintang ka na, Tams!"

I mocked him. "Nyenye, kadiri ka, style mo bulok!"

"Pasensya ka na, Auds. Ganyan lang talaga siya pag sinasaltik kaya iniintindi ko na lang." huling rebutt ni Gab saka tumakbo pabalik sa lamesa para 'di ko siya masapok.

Haist, lumalabas na naman ang pagiging madaldal ko dahil sa alak.

Nang humarap ako kay Audie ay binigyan ko lang siya ng pekeng ngiti. We actually don't know each other, nakilala ko lang siya dahil pinakilala siya sa'kin ni Gab kanina sa simbahan.

He's chinito and has a big boy aura, ang singkit niyang mata kapag tumingin akala mo may nagawa kang masama sakanya. He has well defined nose and curvy red lips, maliit lang ang hugis ng mukha niya pero bagay sakanya, he has Korean visuals. He's wearing a tight black t-shirt also trouser pants unlike 'yung suot niya kanina na formal tuxedo.

While, I'm wearing a dark green cami top pair with my maong pants, ang cardigan ko ay iniwan ko sa upuan ko and my hair's hugging with my hair clamp.

"Ang tahimik,'no? silent type ka siguro," Basag ko sa katahimikan. Tinapos niya lang ang pagbuga sa cigar saka ito diniin at itapon bago sumagot.

"Yeah. Why are you here? do you smoke?" He turned his gaze at me and it was intimidating.

"Pumunta ako rito para guluhin ka." He just look on how I laugh. Tumikhim ako saka umayos, ang hirap niya naman lokohin. Nilabas niya ang vape pod niya galing sa bulsa saka ito naman ang hinipak

Uncountable FondWhere stories live. Discover now