chapter 33

124 13 3
                                    

kira’s PoV

narito parin kami sa battle ground dahil hindi pa natatapos ang aktibidadis na ipinagawa sa'min, halos mag ta-tatlong oras na kami rito ngunit hindi pa kami tinatawag, gaano ba karami ang mga nasa unang seksyon at hindi kami ma ubos-ubos.

“argh nakaka-gutom bakit ba kasi ipinag-sabay ang lahat ng nasa unang seksyon kung pwede namang ilatag sa ibang araw ang nasa mata-taas na lebel, nakakainis” biglang maktol ni adam, bigla akong napa-isip sa kaniyang sinabi. Bakit nga ba hindi ihiniwalay ng punong guro ang ibang unang seksyon? ang gulo ng mga nilalang na ito.

“tiisin mo muna 'yang gutom mo anak ng lupa dahil mukhang mata-tagalan pa tayo rito sa battle ground, gusto ata nilang ipag laban-laban ang lahat ng nasa unang seksyon para subukin ating lakas, kaya imbes na mag maktol ka riyan dahil sa kagutoman mo, tutukan mo nalang ang mga nag lalaban-laban para hindi ka maging lampa kapag ika'y tinawag na” bigla namang sagot ni loki, panganay na anak ng hari't reyna sa antimacassar kung saan naninirahan ang mga quirians na may kayang mag palabas ng apoy.

kung nag ta-taka kayo kung bakit alam ko ang lahat ng kingdom rito, iyun ay dahil tinuruan ako ng aking ama no'ng bata pa ako sa lahat ng mga kaharian rito para kung sakaling bunalik man ako ay hindi ako mangangapa katulad ni kiro.

hindi ko nalang sila pinansin at patuloy nalang sa pag abang baka sakaling matawag ang aking pangalan dahil kata-tapos lang ng dalawang isinalang.

“patagal nang patagal mas nakakasabik ang labanan kaya ito na ang su-sunod na sasalang, pumunta kayo rito sa gitna, SARJO DERO AT KIRA MORGAN!!” psh mukhang mapapalaban na ako kaya agad akong tumayo saka tinignan ang mga kasama kong prinsipe't prinsesa na naka thumbs up maliban kay raijen, tango nalang ang isinagot ko at daling pinalipad ang sarili papunta sa gitna.

kasalukuyan na akong narito sa gitna at pinag ma-masdan ang aking katunggali na mukhang nabibilang sa tanyag na pamilya dahil sa kaniyang magarbong suot at may kagwapohang mukha.

“ANG LABAN!! SIMULAN NA!!” biglang sigaw ng propesor hudyat na mag si-simula na ang laban kaya inihanda kona ang aking sarili upang mag-ingat dahil hindi kopa alam kung anong abilidad meron ang nilalang na 'to.

“gawin natin ang ating makakaya, goodluck sa'yo miss kira” ani ng aking katunggali habang may malawak na ngiti sa kaniyang labi, weird.

tangong ulo nalang ang aking isinagot at pinakiramdaman ang paligid dahil baka may kung anong biglang tumama sa akin.

at hindi nga ako nagkamali dahil may naramdaman akong kapangyarihan na papalapit sa may aking kanan kaya nilingon ko ito at may bumubulusok na mga nag li-liyab na palaso padireksyon sa aking kinata-tayuan.

agad akong nagpakawala ng hangin sa aking kamay upang hawiin ang palaso ngunit hindi ito nahawi at bumulusok ito sa aking buong katawan na hindi ko inaasahan.

“pasensya kana pero hindi basta-basta maha-hawi ang aking palaso dahil lamang sa hangin na iyong ipinalabas dahil hinaluan ko iyun ng grabidad upang hindi madaling ma-alis” gravity? pwede na 'yun? holder ng apoy na may kayang gumamit ng gravity bilang opensa at depensa sa gagawing pag atake? hindi lo ito inaasahan.

dahan-dahan akong tumayo at inayos ang sarili, nakakahiya ang aking pag pa-pabaya dahil lamang sa simpleng atake ay nagawa akong mapatumba sa sahig ng lalaking 'to.

“nagawa mo akong tamaan ng iyong simpleng atake lamang at napabilis mo 'ko ron, ayaw ko naman na ako lang yung bumilib kaya pabi-bilibin rin kita, humanda ka ah?” pwe nakakadire mag bait-baitan, ngumiti naman ang gago na parang ewan, ganun pala ah.

GOD OF TORNADO”

pagkasambit ko ng katanang iyun ay biglang bumulusok mola sa kaniyang ilalim ang aking kapangyarihan at siya'y nilamon neto, hindi ko alam kung mabu-buhay pa siya pero sana naman oo, ayaw ko pang mapatanggal sa paaralang ito lalo pa't ng si-simula palang kami ni kiro.

ilang saglit lang ang itinagal ng ipo-ipong iyun at unti-unti na itong nawala, hinintay kong mabura ang hangin upang makita ang kalagayan ng aking katunggali pero laking gulat ko sa aking nasaksihan.

“pa-paano n-niya nagawa 'yun?” utal kong sambit sa aking sarili dahil parang hindi manlang siya tinamblan ng aking kapangyarihan, at tumayong parang walang nangyare.

“ang lakas pala ng kapangyarihan mo kira, nakaka mangha dahil sa edad mong 'yan ay nagawa monang ipalabas ang isa sa napaka-lakas na spell ng mga calliopians, mahusay!!” bigla niyang sabi saka tumawa ng marahan, p-paano niya nalaman ang aking ipinalabas na kapangyarihan? g-gaano ba kalakas ang nilalang na 'to?

“kung nag ta-taka ka bakit alam ko ang spell na iyong ipinalabas, iyun ay dahil ako ay nasa ikahuling lebel na rito sa academìang ito at ang mga hindi pa naituro sa inyo ay nabasa kona dahil ako ang tinaguriang book of all rito sa paaralang ito dahil sa hilig ko sa libro, paalalahanan lang kita kira. Hindi ako basta-basta mata-talo tulad ng mga nakatunggali mo noon sa pag su-sulit, sumikat ka dahil sa angkin mong lakas ngunit hindi ko alam kung maka-kaya moba akong talunin sa labanang ito” mahaba niyang ani na halos kati-ting na pakealam ay wala ako, nugagawen ko sa mga isinambit niya? ipatattoo ko sa poque ko?

show me what you've got then”

______________________________________________

early ud kasi hindi ako kinausap ni idol.

do vote & comment and please follow me here alijore for more ud.

xWhere stories live. Discover now