Veja

22 2 0
                                    


Alas dos nang madaling araw pero abala akong nagtitimpla ng kape sa kusina.  Kailangan kong burahin ang antok na tumatakip sa mga mata ko.

Patamad kong kinuha ang jar ng kape sa cupboard.  Paano nga ba ako dumating sa ganito? 

Pwede ka ba tonight?  I'll come over.
-Text message galing kay Ron. 

Almost three months na rin kaming ganito.  Three months after ng break up namin.  O mas tamang three months after I got dumped by Ron.

Yes.  Ex ko si Ron.  First love.  First boyfriend.  First in everything.  Kahit heartbreak, s'ya rin ang nauna.

Matagal rin ang naging relasyon namin.  Four years and 6 months to be exact.  Hindi kami nag-away.  Wala kaming pinagtalunan.  WE WERE OK - iyon ang akala ko.  But it may only be in the surface kasi he then suddenly called it quits for us.  Nanlalamig na raw s'ya and the relationship has become stagnant.  He just woke up and stopped loving me.  The fire which was supposed to be there died.  Parang iyong orasan na naubusan ng baterya, basta na lamang tumigil magbigay ng tamang oras.  Huminto hindi dahil sa pagod kundi dahil wala ng nagpapagana sa kanya.  Some four year itch bullshit maybe.  Hindi ako sigurado.  One is for sure, though. I was caught off-guard.  Nagulat.  Naguguluhan.  Kaya noong sinabi n'yang the feeling may not be there but he still wants the sex, pumayag ako sa arrangement.  Walang commitment.  Walang label.  A, meron pala, fubu

I was not ready to let go.  I was hoping that sex will bring back the lost love.  Good sex will make him remember that he is inlove with me.  Baka iyon ang fuel na magsisimulang gumising sa pagtingin n'ya sa akin. Mas mabuti na rin ito kaysa we totally become strangers.  I'm being pathetic but I am clinging on that hope for us.  Stupid I know.

Nayayamot kong inihagis sa lababo ang kutsarang ginamit ko sa paghalo ng kape.  Sapat para magising ang pusa kong natutulog.  Malambing na umikot ito sa binti ko, nakatitig, naghikab bago pa ipatong ang baba n'ya sa paa ko para ituloy ang naudlot n'yang pagpapahinga.

"Hi, Veja," bati ko sa white persian cat habang marahang nilalaro ang balahibo nito.  "Naistorbo ko ba ang tulog mo?"

"Meow," malambing na sagot nito habang marahang sinusuklay ang balahibo.

Sana ay nakakapagsalita itong pusa ko and knock me some sense.  Ano kayang sasabihin n'ya sa akin?  That I should love myself more katulad ng ginagawa n'ya sa sarili n'ya?  Napahawak ako sa noo ko.

"Hey, can I come over?"  Si Ron ulit.

"I need you."

"Text back."

"Jess, text back."

Sunod-sunod ang tunog ng cellphone ko.  Ang ingay.  Humihiyaw para kalimutan ko ang sarili ko at magpatangay na naman sa mapaglinlang na pag-asa ng pag-ibig.

Ngunit may nabago.  Dati-rati ay halos magkandarapa ako sa mga text messages ni Ron.  Dati-rati ay halos hilahin ko ang oras para sa mga gabing kailangan n'ya akong tulad ngayon.  Pero wala na iyon.  Napapagod na siguro akong umasa.

"Jessica, ano ba?  Gumaganti ka ba?"

"Jess, please.  Babe.."

Gumaganti?  Hanggang kailan ba iisipin ni Ron na lahat ng bagay ay tungkol sa kanya?  Hindi ba pwedeng tungkol sa sarili ko ang hindi ko pag-reply sa mga messages n'ya?  He really is full of himself.

Kinuha ko ang tasa ng kape ko bago pa ito lumamig tulad ng panlalamig ko.  Inilapat iyon sa labi kong nasanay sa mainit na kape.  I sipped.

"Jess, I love you."

Naibuga ko sa kapeng iniinom bago pa man ito sumayad sa dila ko.  Umakyat ang kilabot mula sa paa ko papunta sa kamay ko kaya halos maibitiwan ko ang tasang hawak. Kilabot at hindi kilig.  A, hindi.  Mas matindi pa doon, hilakbot ang dala ng mensaheng iyon.  Nakapanghihilakbot. 

Ang tagal ko ring hinintay ang message na iyon - tatlong buwan.  Tatlong buwan kong inakalang iyon ang magpapasaya sa akin.  Tatlong buwang pag-aakalang iyon ang kukumpleto sa akin.  At ngayon ngang binabasa ko na iyon ay halos isumpa ko ang araw na una kong narinig  kay Ron na mahal n'ya ako.  Kalokohan.  Isang malaking panggagago.

Hinigop kong muli ang kape mula sa tasa at awtomatikong napatakbo ako sa lababo para iluwa iyon.  Sobrang pait.  Ano bang ginawa ko?  Saka ko lamang napansin ang mga ginamit kong nakahilera pa rin sa lababo.  Marahil ay wala sa sariling purong kape lamang ang natimpla ko.  Tatlong scoops ng purong kape sa halip na magdagdag ng asukal at creamer.

Tiningnan ko ang halos puno ko pang tasa.  Sayang.  Ang dami pa.

Pero may mga bagay talagang hindi mo na kayang ayusin.  Hindi na kayang isalba.  Hindi kayang habulin ang timpla sa asukal at creamer dahil lalo ka lamang mag aaksaya.  

"Sayang," bulong ko sa sarili bago ko itapon ang kape sa lababo.

"I love you, Babe.  Please."

Huling text ni Ron before I blocked his number.

Dinampot ko sa Veja saka niyakap.  "Sleep na tayo.  Malapit na mag-umaga," masaya kong sabi.

-End-

RandomeowsWhere stories live. Discover now