Kabanata 09

130 9 0
                                    

Kabanata 09


Flowers


When will someone pick me up from this house? It's sad to say, but I think no one will.


It's been a very sad week for me. Madalang nalang kasi kami nag uusap ni Eve. Dahil hindi naman gano'n busy sa school, pero dahil may marami siyang gagawin sa mga free time niya. May tutor siya kay Charmaine at may lesson pa siya, hindi ko alam kung ano 'yon.


Tumayo ako sa aking kama para makalabas sa aking kwarto at bumaba na sa sala. I saw our clothes on the couch. Hindi pa natutupi. Umupo ako at nagsimula ng tupiin ang mga damit. Nasa kabilang sofa ang kapatid ko, nanonood ng telebisyon.

"Chloe, pakilagay naman 'to sa kwarto mo. Tapos ko na 'tong tupiin ang mga damit mo," sabi ko sa kaniya habang hawak ang mga natutupi na nitong damit.

Tumayo siya galing sa pagkakaupo at kinuha ang mga damit niya. Umakyat siya sa taas upang ilagay sa kabinet niya ang mga damit. Habang nagpapatuloy naman ako sa pagtutupi ng mga damit ni Mama at sa 'kin. Kumakanta pa ako habang nagtutupi. Ito talagang trabaho ang pinaka gusto ko sa lahat. Because I was able to sit down and relax my body. Magaan lang naman ang pagtutupi. It won't make me tired, though.

Pero sa kalagitnaan ng pagtutupi ko. Bigla akong napatalon ng may nagsalita sa aking likod ko. I am facing our standby TV while backing the door.

"Nasaan si Mama?"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses, natanaw ko si Kuya Micheal na naka tayo sa may pintuan at tila galing pa siyang trabaho. Kumunot ang noo ko sa kanya.

Nakiki-mama na rin siya? Kailan pa?

I looked at him from his toes to his head. Wearing a gray sweater beneath the white t-shirt and black jeans, paired with white shoes. Halata sa kanyang mukha na wala pa siyang tulog. His hair is a little bit of a mess.

"Nasa taas natutulog," sagot ko pagkatapos ay umiwas, nagpatuloy ako sa pagtutupi. Ang aking mga mata ay nagmamasid pa rin sa kaniyang galaw.

Narinig ko ang yapak niya papalapit sa 'kin. I saw him on my left side putting his black bag on the couch and then sitting beside it. Naramdaman ko ang paglingon niya sa mga tinutupi bago sa 'kin.

"It's already seven in the morning. Hindi pa ba siya gising?" he asked.

Umiling ako. "Gano'n talaga si Mama kapag sabado. Maaga lang siyang gigising kapag may trabaho si Kuya Cike at may eskwela naman si Chloe."

I didn't dare look at him. At some point, nag iba ang ihip ng hangin sa pagitan namin. I smell something stinky about him. I can't prove it yet, but there's something in him that I couldn't let out. Na parang kapag nandiyan siya, iba ang pakiramdam ko. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito ako sa kaniya. Basta at noong dumating na siya dito, hindi ko na nagustuhan ang presensya niya. Lalo pa at gustong gusto siya ni Mama.

Nasasaktan ako.

Tumango siya.  "So, the one who prepared breakfast every morning was your mom? "


Why did he have to keep asking when he asked her sister directly? Istorbo lang?

"Nope, ako." Simplehan ko lang at nagbabakasakali hindi na siya magtatanong.

Tila tama ako dahil hindi na siya nagsalita pagkatapos. Nagkibit balikat ako at hindi ito inabala. But a minute later, I feel him by my side doing what I do. I turn my gaze at him. Nanlaki ang mga mata ko dahil nagtutupi na siya. He looks at me, and our eyes meet. His eyes look worried, while mine mix guilt and anger.

"What are you doing?" malamig kong sabi. Not taking my gaze off of him.

He smiled so sweetly at me. I tried not to think differently, but this kind of gesture is for something else.

"Helping you," wika niya.

Iniwas niya ang tingin at pinagpatuloy ang ginagawa. Hinablot ko ang damit na tutupiin niya sana kaya napalingon siya sa 'kin. Matalim ko siyang tinitigan. Habang siya ay nakaawang ang kanyang labi ng tinitignan ako.

How Love Grows (Completed)Where stories live. Discover now