Tumaliwas ka

5 0 0
                                    

"Tumaliwas ka"

Tumaliwas ka sa mga nakagisnan na
Kumaliwa ka kung nasa kanan sila
Huwag kang makinig sa mga idinidikta
Huwag mong hayaang ikahon ka rin nila

Hindi masama kung ikaw ay naiiba
Kumilos ka habang sila'y nagpaplano pa
Walang tamang oras kung hindi ngayon na
Bumangon ka habang nakapikit pa ang iba

Sila ang madla habang ikaw ang kumakanta
Ang nagbibigay kaysa tumatanggap ng barya
Ikaw ang sagot sa mga bagay na ipinagtataka
Sila'y mananatiling pamahiin habang ikaw ang siyensya

Hindi mo kailangang sundin ang nakagisnan na
May kakayahan kang baguhin ang nakasulat sa istorya
Wasakin mo ang kadenang nakatali sa kamay at paa
Huwag mong hayaang balutin ang puso mo ng kaba

Hindi lahat ng tao sa paligid ay iyong mapapasaya
Pero ang iniisip nila ay hindi mo na problema
Huwag mong hayaang itali ka lang na parang isa tuta
Maging ang hayop ay naghahagad din na makawala

Hindi ka lamang isang bulaklak na nakapatong sa mesa
Ikaw ay may mga tinik din na maaari mong gamiting sandata
Huwag mong limitahan ang bagay na magagawa mo pa
Tahimik na kumilos at hayaan mong sampalin sila ng resulta

-iampeterpen

Photo by Badarost from pexels

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Photo by Badarost from pexels

Mga Luha At Lihim Na SalitaWhere stories live. Discover now