WILD HEART
CHAPTER 10
ilang araw at gabi ko din siya hindi ko nakita pag katapos ng gabi na yun
Katatapos ko lang kumain at hindi ko na uli alam ang aking susunod na gagawin
Tulog at kain lang naman ako madalas dito sa kastilyo
All prepared ang lahat everytime bumababa ako sa kusina ngunit di ko naman nahuhuli kung sino ang nag hahanda noon araw araw
May candle light din na laging nakasindi sa tuwing kumakain ako
Consistent!
Natuwa nga ako nang makita kahapon ang ilang pares ng pangtulog sa aking kama
Sa wakas hindi na paulit ulit ang aking sinusuot
Pag katapos kumain ay madalas nakatulala lang ako at nahuhuli ang sarili na nakangiti sa di malamang dahilan
Naiinis na nga ako sa sarili ko dahil very unproductive ang araw araw na buhay ko dito pero atleast di ako mamumublema sa pag kain ko araw araw
Yung fame ko bilang model possible mag fade na din pero di bale na lang, mas mahal ko pa buhay ko kaysa rumampa sa buong mundo!
Nag lakad lakad na lang uli ako sa buong kastilyo ngunit iniiwasan na ang mga silid na buksan dahil baka makakakita nanaman ako ng ataol ng hindi ko inaasahan
"Ah yung Piano!"
Tumakbo ako pa punta sa Piano set at pinatugtug ang 'river flows in you' ni Yiruma
Bigla ko na lang nadinig ang pag bukas ng pinto kaya dali dali kong tinigilan ang pag tugtog at nag tatakbo papunta sa pinto
Abot hanggang tenga ang ngiti ko
"Josh-"
Natigilan ako nang hindi si Josh Cullen ang pumasok
"Oh bat biglang naging busangot ka dyan?!"
Tumawa si Pablo ng malakas
Napangiwi ako at pinadyak ang paa na parang bata
"Eeeeee akala ko yung boss mo e!"
Napakamot ako ng uli habang walang ka gana ganang nag tungo sa sofa
"Kyalan ko pa naging kamukha si Boss Josh Cullen? Pablo ako remember?"
"Alam ko naman yun e, di mo na kailangan pang ulit ulitin"
Sabi ko habang naka salubong ang kilay at naka arm cross
"So bakit mo nga ba hinahanap si boss Josh Cullen diba takot ka sa kanya?"
Nanlaki ang mata nito tapos napasinghap
I rolled my eyes
I think he gets it
"Unless inlove ka na sa kanya?!"
"Duuuuhhhh!!! Yung parang malamig na bangkay na yun? No way! Ang lamig nga ng labi e! So paano ko naman-"
Natigil ako sa pag sasalita nang makitang nanlaki ang mata ni Pablo habang naka nganga
Opps
Nadulas ako!
Agad syang tumakbo sa akin pag katapos ay hinawakan ako sa mag kabilang braso at inalog alog
"Ano nga uli sinabi mo? Nag kiss na kayo?!"
Tinakpan ko ang bibig ko at umiwas ng tingin sa kanya
Ayoko ng madulas baka kung ano pa masabi ko
Yari talaga!
"Hoy babae! Wag ka nang mag bingi bingihan dyan! Huli ka na! Sige na spill the tea!"
Pangungulit niya sa akin
Eh ako naman mabilis tumiklop
"Sige na! Sige na! Sige na! Bitawan mo na ako at wag mo na ako panglakihan ng mata okay ?!"
Ngumisi ito at binitawan ako
"So anong nanyari ?"
Napabuntong hininga ako habang inaayos ang manggas ko na kinusot kusot niya nang hindi sinasadya
Kinuwento ko sa kanya lahat ang nanyari sa huling pag kikita natin namin ni Josh Cullen
Akala ko i ju judge nya ako ngunit tahimik lang siya habang nakikinig sa akin na tila nag iipon ng data bago mag sabi ng conclusion
"Ngayon ang problema ko ay naguguluhan ako if hes inlove bilang ako or dahil sa late wife nya? Napapaisip ako minsan kung hindi ko ba kamukha at kapangalan yung late wife nya ay mag kaka interest kaya sya sa akin? Ang daming tanong sa utak ko na paulit ulit lang umiikot dahil di ko din naman nasasagot mag isa"
Tumango si Pablo bilang pag sang ayon
"To be honest ayokong mahulog sa kanya dahil bukod sa bampira siya malaking factor na di siya maka move on sa late wife niya, alam mo naman na nadala na ako, noong na discover ko na kabit ako sa ex boyfriend ko ay sobrang sakit din,ayoko ng may kahati ... Ayoko ng maranasan pa yun, gusto kong mahalin ako ng buo buo hindi yung may emotional baggage "
Tumikhim si Pablo
"It is because we live for the moment but stuck in the past, parang ikaw di maka move on sa trauma mo so ganun din siya"
"Pero ilang dekada na nag daan yung late wife niya!"
"It doesn't matter kung gaano katagal, he told you na mag hihintay siya sa babae and we don't have any idea sa pinag daanan nilang dalawa dahil di naman tayo buhay sa mga panahong yun!"
Muli akong napabuntong hininga
"Oh lalim nuh ah? ano meron?"
Napaigtad ako sa nag salita sa aking likod
Si Josh Cullen
Nakaramdam ako ng excitement pag ka dinig pa lang ng boses niya
Agad ko siyang nilingon
Nakapasok ang dalawang kamay niya sa bulsa, iba din ang kanyang damit ngayon but still handsome sa pulang tuxedo nito
He looks like a perfect picture,
A petty picture in a most disturbing way...
"Wa...wala..."
Pag papalusot ko
Ngumisi siya sa akin at lumapit ng dahan dahan
Hinawakan niya ako sa baba at mataman tinitigan
"Darling,look into My eyes and tell me what's inside"
Pang aasar niya sa akin
Napakagat labi lang ako
![](https://img.wattpad.com/cover/336864489-288-k746573.jpg)
STAI LEGGENDO
SB19: WILD HEART (COMPLETED)
Fanfictionnakulong si YN sa isang kastilyo nang aksedente siyang pumasok dito nang walang pahintulot huli na ng nalaman niya na may nakatira pala dito hindi tao kundi isang hari ng mga bampira si Josh Cullen