Chapter 57

19.4K 837 121
                                    

Chapter 57: Her Handkerchief?

Pauline's POV

"Apo. Okay na ba talaga yang braso mo? Papasok ka na ba?" Tanong ni Lola.

Nag-nod naman ako at sumagot. "Opo La! Feeling ko po kasi, lalo ako magkakasakit dito sa bahay kapag di ako lumabas." Sabi ko at pilit na ngumiti.

"Nag-aalala din sayo ang mommy mo, sabi nga niya. Matapos lang daw ang meeting nito sa London ay aalis na sila agad para sayo." Sabi nito.

"Hay nako! Kayo talaga. Pilay lang 'to, yakang-yaka 'to!" Sabi ko pa.

"Sa susunod naman kase Pau-pau. Mag-ingat ka! Grabe. Di ako makapaniwala na nahulog ka nga sa hagdan." Sabi nito sa akin.

"Opo La. Mag-iingat na." Sabi ko.

"Oh siya. Ayusin ko na nga itong mga gamit mo nang makaalis ka na." Sabi nito at pumunta muna sa sala.

Matapos nung nahulog ako sa hagdan akala ko mawawala na yung sakit kasi mapapalitan na ng Physically pain. Pero hindi pala, kasi imbis na hanapin niya ako. Ayun, nakita ko pang nag-kiss sila ni Eunice, nakita ko naman talagang si Eunice ang humalik sa kanya, pero ba't di niya kayang itulak siya? Nalilito ako.

"Oh. Apo? Maayos na gamit mo." Sabi ni Lola.

"Ah. Sige po." Sabi ko at sumunod na dito.

"Ipapahatid pa ba kita kay Mang Ronald o susunduin ka ni Justine?" Sabi ni Lola.

Susunduin nga ba ako ni Justine? Pero pakiramdam ko, hindi e. Lalo na kung iba naman yung susunduin niya.

"Uhm. Di na po siguro, busy po yun ngayon e. Alam niyo na. Gagamitin ko na lang po yung kotse ko." Sabi ko at kinuha na ang gamit ko.

"Oh sige. Mag-iingat ka sa pagmamaneho." Sabi ni Lola at binuksan na ang pintuan.

"Mauna na po ako." Paalam ko.

"Ay. Teka!" Napatingin naman ako nung tawagin ako ni Lola.

"Nakalimutan mo panyo mo, saka. Diba? Yan yung panyo na binigay ni Justine noon ng nasa parke ka?" Sabi ni Lola. Kinuha ko naman yung panyo na binigay niya.

"Sige po, mauna na ako." Paalam ko.

Pumunta na ako sa garahe at sumakay na sa kotse ko. Buti na lang at marunong na ako mag-drive. Ayoko talagang isipin na sinundo ni Justine si Eunice. Ano na ba kami?

Pagkarating ko sa school ay agad kong pinarada yung sasakyan ko sa tabi ng sasakyan ni Abby.

"Oh? Maayos ka na? Wow ah! Nakaka pagmaneho ka pa." Sabi ni Abby nang makababa ako sa sasakyan.

"Psh. Sisiw." Sabi ko.

"Tsk. Gawin kaya kitang sisiw? Paano kung napano ka? Hindi ka na lang nag pahatid. Bakit? Hindi ka ba sinundo ng magaling mong Yamo?" Sigaw ni Abby.

**Off Engine**

Napatingin naman ako sa sasakyan na nasa harap namin ni Abby. Kilala ko 'tong sasakyan na ito, kilalang-kilala.

"Pauline? Tara na?" Aya ni Abby at hinawakan ako sa wrist. Pero para lang akong bingi na walang narinig, hindi pa din ako umaalis sa kinatatayuan ko.

"Pau! Ano ba! Halika na!" Sigaw ni Abby at hinahatak na ako.

Hindi pa din talaga ako umaalis sa harap ng sasakyan ni Justine hanggat sa lumabas ito at lumabas din ang isang babae. So? Tama nga ang hinala ko? Kaya di niya ako sinundo kasi si Eunice ang sinundo niya?

"Pauline!" Sigaw ni Cleofe at Cassandra. Pero para lang silang hangin sa akin.

"Tsk. Ang kapal din talaga ng mukha mo Justine para dito pa sa harap ni Pauline mag-park no?" Sabi ni Cassandra.

Clash of the Campus Princes and Princesses (CCPP)Where stories live. Discover now