chapter 34

138 17 7
                                    

kira's PoV

tatlumpong minuto na ang nag daan ngunit hindi ko pa rin magawang magalusan ang nilalang na ito, pch nakakainis pag mas lalo pa 'tong nag tagal ako'y tuluyan ng mawawalan ng mana, hindi ko ma aatim na matalo lang ng hunghang na 'to.

“kaya mo pa ba? maaari ka ng sumuko kung hindi na kaya ng iyong katawan ang tagal ng labanan, hindi naman ito ganun ka importante para ibuhos mo ang lahat-lahat mo, kira” aniya habang naka paskil ang ngisi sa kaniyang labi, nakakainis akala ko mabait ang nilalang na ito pero pakitang tao lang pala iyun, ang bilis lumaki ng ulo.

nagulantang ako ng bigla siyang mawala sa kaniyang pwesto saka namalayan ko nalang na lumilipad na ako pataas dahil sa malakas na tawirik sabay sipa niya sa aking tiyan, mabuti nalang at nagawa kong ibalanse ang aking katawan sa hangin kaya hindi ako masyadong lumayo.

bababa na sana ako ng may maramdaman akong parang papalit na kung ano sa aking likuran kaya hindi na ako nag abala pang tignan ito at agad ng lumihis para hindi matamaan ng atakeng yun at napakaraming palasong may apoy na naman ang kaniyang ipinalabas na bumubulusok pababa pero bigla rin itong huminto sa ire saka tumutok ang mga talim padireksyon sa akin, ang mas ikinagulat ko ay ang pag bulusok ng mga ito papunta sa akin kaya bago pa ako maka galaw ay tinamaan na ako nito sa may bandang balikat dahilan para mawalan ako ng balanse at dahan-dahan nahulog.

ramdam ko rin ang pagkawala ng lakas ko sa hindi malamang dahilan, a-anong nangyayare?

pinakiramdaman ko lang ang aking pag baba saka tuluyang lumagapak ang aking katawan sa gitna ng battle ground.

h-hindi na kaya ng k-katawan ko.

s-suko—”

hindi ko paman tuluyang mabanggit ang katagang suko na ako ng may maramdaman akong malakas na pwersang tumama sa aking tiyan dahilan para mapa igik ako sa sakit.

“AAAAHHHHH!!” sigaw ko dahil sa hindi makayang sakit na aking nararamdaman.

“biro lang, bawal kapang sumuko kira hindi pa ako ginaganahan, tumayo ka riyan” aniya, kahit hirap ay ginawa ko pa rin ang lahat para makatayo pero hindi paman ako tuluyang nakaka-angat ng bigla niya ang sipain sa gilid ng aking tiyan dahilan para tumalsik ako ng pagka lakas-lakas.

“T-TAMAAA N—” hindi kona naman natapos ang aking nais sabihin ng parang ako'y bumabaon kaya iminulat ko ang aking mga mata at napag alamang kapangyarihan niya pala iyun, ginamitan niya ako ng gravity para hindi maka-galaw.

“SABING HINDI PA PWEDE” matigas niyang tugon saka ako pinaulanan ng napakaraming apoy at isa-isang bumulusok papunta sa akin, sigaw nalang ang aking nagawa dahil iyun nalang ang tanging magagawa ko sa kadahilanang wala na akong lakas pa.

“k-kiro, t-tulong”

kiro's PoV

gulat akong napatingin sa gitna ng battle ground dahil kita ko kung paano siya lampasohin ng lalaking katunggali niya.

hindi ko alam ang nangyayare sa sarili ko pero galit, galit ang nararamdaman ko sa mga oras na ito, galit para sa lalaking may gawa ng pagkabagsak ni kira.

“HINAHAMON KITA NILALANG” bigla kong sigaw kaya lahat ng atensyon ay nasa akin maging ang mga prinsipe't prinsesa saka ang lalaking nag patumba kay kira na may ngisi sa kaniyang labi.

“pasensya kana iho ngunit hindi ito isang patim—” hindi paman tuluyang natapos ng propesor ang kaniyang isasambit ng bigla akong sumabat.

“paano niyo na aatim na makitang unti-unting pinapatay ang aking kapatid, siya ay sumuko na pero hindi man lang siya pinakawalan ng hayop na katunggali niya, nasaan ang kapatasan sa aktibidadis na ito!! NASAAN!!” hindi kona mapigilan ang aking sarili sa pag sigaw dahil sa nag a-alab kong galit.

“mawalang galang na ginoo pero prope—”

“at ako ang kapatid ng babaeng nilampaso kaya sa ayaw at sa gusto ninyo, hahamonin ko ang lalaking walang awang pinuruhan si kira” walang emosyon kong sambit na nag pasinghap sa lahat, ganiyan nga mabahala kayo.

“ang sino mang mangealam sa labanan namin ng lalaking nag ngangalang sarjo ay hahatulan ko ng kaparusahan, ako si kiro morgan at hinahamon kita SARJO DERO NG LABANANG WALANG KATAPOSAN HANGGANG SA ISA NALANG SA ATIN ANG MANGIBABAW, PATAY KUNG PATAY. NAIS KONG HINGIN ANG IYONG PASYA” ani ko sa wala paring emosyong boses saka unti-unting lumalapit sa lalaking si sarjo.

tuluyan na akong nakarating sa kaniyang harapan pero hindi ko pa rin naririnig ang kaniyang sagot.

“tinatanggap ko ang hamon mo magandang lalaki” isang ngisi naman ang aking iginante sa kaniya dahilan para siya'y magulantang.

“ANG LAHAT AY WALANG MAGAGAWA DAHIL ANG HINAMON NA MISMO ANG PUMAYAG SA NANGHAMON, KASALI SA SA BATAS NG ACADEMIANG ITO NA KUNG SINO ANG MANGHAMON AT PUMAYAG SA HAMON AY HINDI NA PAKEKEALAMANAN DAHIL IYUN AY KANILANG GINUSTO KAYA ANG LABAN SIMULAN NA!!” biglang anunsyo ng propesor na nasigawan ko kanina, mabuti naman at nasa batas ng paaralan na ito ang panghahamon, wala na akong ibang po-problemahin kung mapuruhan ko ang nilalang na ito.

“ang lakas naman ata ng iyong loob para ako'y hamunin kiro, mag kapatid nga kayo netong ate mong mahina” bigla niyang sabi habang may ngisi sa kaniyang mga labi na mas lalong nag paliyab ng aking galit.

balak kona sanang mag palabas ng itim na kapangyarihan ng biglang akong may narinig na tinig sa aking isipan.

“inuulit ko bata, huwag mong ipakita ang tunay mong kapangyarihan hayaan mong ipalabas ako at makipag sanib sa akin para mapadali ang labanan” ani ni riya ang babaeng ahas.

“ngunit hindi pa sapat ang aking lakas para tayo'y makapag sanib riya, baka mawalan lang ako ng lakas” nangangamba kong sambit sa aking isip.

“na kalkyula kona ang iyong lakas kiro at masasabi kong sa araw-araw ay palakas nang palakas ang taglay mong mana sa katawan kaya nakakasiguro akong makakaya mona akong manipulahin, mag tiwala ka sa sarili mo” seryuso niyang ani, ramdam ko ang sinsiridad sa kaniyang boses dahilan para tuparin ko ang kaniyang gusto.

“simula na”

“Cuniculum spiritus aperio, emisso reginae candidos angues”

______________________________________________

bibitinin ko muna kayo HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

do vote & comment and please follow me here alijore for more ud.


xWhere stories live. Discover now