15

123 4 0
                                    

IVY

"Tara na," Nagmamadali kong bulong kay Nate dahil nauna nang lumabas ng room si Clea.

Agad akong sumunod at nahihiya pang maglakad si Nathaniel sa tabi ko.

Itong si gago, akala ko may crush 'to kay Clea? Tapos ngayong nasa harap niya ay nahihiya naman.

Patuloy lang kami sa paglalakad at pababa na sana ng hagdan ng huminto si Clea at lumingon sa amin.

"Na-collect mo na rin 'yong contribution, right?" Tanong niya sa akin.

"Oo. Tingin ko may sobra pa kasi hindi naman ganoon kamamahal 'yong bibilhin natin. Na-try na rin namin i-canvas kahapon. 'Di ba, Nate?" Sabay ng mahinang pagpalo ko sa gilid niya.

"Ha? Oo. May sobra 'yan, sure ako."

Mahinang tumango si Clea at tuluyan ng bumaba sa hagdan. Itong si Nathaniel, napahawak pa sa dibdib niya na nagulat pa yata sa ginawa ko kanina.

I was signing him to go ahead of me at sabayan si Clea, but he also signed me to join Clea. Nag-iilingan pa kaming dalawang hanggang sa makarating na lang kami ng gate ay wala pa ring sumasabay kay Clea.

Clea stopped at the side the road at doon kami nag-abang ng tricycle. Mayamaya ay may huminto na at sumakay na kami. Nauna na sa loob si Clea. Doon siya naupo malapit sa bintana. I was giving a hint to Nate na mauna siya para tabi sila ni Clea but Clea called me and told me to sit beside her, 'yong nasa tabi ng driver.

"Sa likod na lang ako," I heard Nate said bago ako tuluyang makaupo sa loob.

"Anong block siya?" Clea asked randomly.

If I could see Nate's reaction right know, sigurado akong gulat na naman 'yon dahil pinag-uusapan namin siya.

"Ah, block 10. Kaibigan ko 'yan."

"Oh, 'yong advisory ni Ma'am Flor?"

I called Nate to make him answer Clea's question. Bakit ba ako ang sumasagot dito? Dapat siya, eh.

"Sino ngang adviser niyo?"

"S-si Ma'am Florence, 'yong naka-bob cut."

"Ah, siya nga. I heard she almost resign daw?"

Tinapik ko ang likod ni Nate para siya ang sumagot. Napakahina talaga.

""Oo... Nung Grade 11, muntik na kami iwan 'non. Ewan ko kung bakit bumalik. Nagger naman 'yon masyado sa amin."

"Hoy, bakit mo bina-backstab adviser n'yo!" I said to him, baka ma-turn off pa si Clea sa kaniya.

"Totoo naman, hindi nga 'yon nangangamusta kung anong ganap sa room, eh."

"Pero hands-on naman siya tuwing nagche-check ng papers namin..." Si Clea naman ang sumagot. Nagkibit-balikat lang ako.

"Baka character development, gano'n." And laughed slight, and I know that laugh is sarcastic. Ang hina, tatlong hinga lang nga yata.

I saw Clea squint her eyes. Hindi magandang feedback. Mamaya ay mababatukan ko talaga itong si Nathaniel.

The tricycle stopped at the side of the road, nasa palengke na pala kami. We were about to hand our fare, pero pinigilan kami ni kuya.

"Ay, bayad na nitong si totoy." I looked at Nate na bigla namang tumalikod sa amin.

Napangisi na lang ako at bumaba na ng sasakyan.

I let Clea walked first para sabay sila Nate. Pero makulit talaga ang bungo nitong si Nathaniel at pumalikod na naman, lumipat pa talaga sa tabing kalsada at pinagilid ko malapit sa mga naglalako sa sidewalk.

"Ano ba? Sabayan mo nga!" Mahina kong bulong na sapat lang para hindi marinig ni Clea.

"Nahihiya nga ako!" he mouthed.

I just sighed in disbelief.

"Ah, Clea..." Pagtawag ko.

She stopped walking and looked back at us.

"Mauna na pala kayo, sa supermarket nga pala ako mamimili. Pasamahan na lang kita rito, okay lang ba? Alam naman nito mga pasikot-sikot sa palengke. Kahit tanungin mo kung saan 'yong bilihan ng buko juice alam niyan." I tapped Nathaniel's back and smiled at Clea.

Sana pumayag.

"Oh, okay. Just chat us kapag tapos ka na para makatulong kami magbitbit."

Nice.

"Sige. Una na ako... Clea, Nate." I gave him a nod and tapped him on his shoulder. Huwag niya na sayangin 'to. Pangatlong pagdidiskarte ko na 'to.

right where you left meWhere stories live. Discover now