CHAPTER 9

30 1 0
                                    

Nang araw na yun,lumabas kaagad ako sa hospital kasama ang kapatid ko na si Renz para makapagpahinga na ako sa bahay.Hindi ko kasi nagustuhan ang amoy ng hospital.

Dumiritso na kami sa bahay at pagkarating namin ay pumasok kaagad ako sa kwarto ko.Alam na kasi nila Mommy at Daddy ang nangyari kaya hindi ko na kailangan magpaliwanag.

Wala akong ibang ginawa kundi nag-check lang sa mga emails,tsaka ko rin napansin na may message rin pala ang mga empleyado ko sa ibang bansa.Nangangamusta sila saakin kaya nag-reply ako sakanila isa-isa.

Pagkatapos ay lumabas na ako sa kwarto ko at pupunta sa kusina dahil nagugutom ulit ako pero hindi pa ako nakalapit,pakiramdam ko may bisita dahil ang ingay.

Nabigla ako ng makita kong sino ang bisita.Sila mommy jennifer.At mas lalo lang akong nabigla ng mapagtantong kompleto silang lahat.

Kapag sinabi kong kompleto,nandito rin yung mga anak ng kapatid ni Gio.Si Ivan na minsan ko lang makikita narito rin.

"Oh! Hi Rihaya,good to see you again iha." tumayo si mommy jennifer at humalik sa pisngi ko.Ganun rin ang ginawa ni daddy george.

Hindi ko pa rin magawang makapag-salita.Gulat na gulat pa rin ako.

"Maupo ka iha."iginaya ako ni mommy paupo sa isang upuan.Katabi ko si Maria na malaki-laki na rin ang tiyan.Ngumiti siya kaya napangiti na rin ako kahit na naalala ko si Gio.

Seeing them all makes me happy but i only think one person.

It's Gio. The person i love the most.

But i know hindi na siya babalik saakin. Thinking that way makes me want to cry .

"It's nice to meet you again,Rihaya."
ani ni Ivan habang nakangiti.

"Pasensya ka na iha,pabigla-bigla ang pagpunta namin dito.Namiss ka na kasi namin.At itong si Maria,may ichi-chika daw sayo."sabi naman ni daddy.

Oh! Do i still have the right to call them Mommy and Daddy,with all the things that happened?

Alam ko namang hindi sila kasali sa nangyari sa amin ni Gio pero pamilya nya ito.Nalilito na tuloy ako sa mga nangyayari.

Naiilang pa rin ako habang kumakain.
Si Trisha na anak ni Maria ay tahimik lang din.Napansin kong si Aeron ay panay ang tingin saakin at kapag napansin niyang nakatingin rin ako sakanya ay ngumingiti sya.Si Marco,Sandra at Stephen ay naglalaro na.Tapos na sigurong kumain.

I really miss them.Nung pumupunta pa ako sa bahay nila,palagi akong nakikipaglaro sa mga bata at masasabi kong napamahal na sila saakin.

"Iha,if you don't mind punta ka sa bahay.May ipapakita ako sayo."sabi ni Tita habang nakangiti.

"W-wag na po,baka..." hindi ko na nadugtungan ang nabanggit kong mga salita.Tiningnan ko sila.

They looked at me as if asking for forgiveness.

"Baka po magalit si Gio. "sabi ko.

Napatikhim si mommy jenni bago nagsalita.

"Gusto ka niyang makita iha."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.Kahapon lang,sinabi niyang maghiwalay daw kami tapos,ngayon gusto na niya akong makita?

"Rihaya,gusto kong humingi ng tawad sayo dahil sa ginawa ni Gio pero iha ako na ang magmamakaawa sayo na sana pakinggan mo muna yung side niya.Alam ko,alam namin kong anong rason bakit niya nasabi ang mga salitang iyon pero gusto ko na siya na lang ang mag-explain sayo nun kaya sana pupunta ka sa bahay." sabi ni mommy jenni na naluhaluha kaya tumango ako at ngumiti.

Unforgettable Night(Silvera 'hermano' Series #3)Where stories live. Discover now