Kabanata 3

0 0 0
                                    

*Jane POV

After a months naging maganda ang pagkakaibigan namin ni Rose, lagi nya akong pinag tatanggol sa mga nang bubully sakin. Naiinis lang ako sa sarili ko kung bakit hindi ko kayang tumayo sa sarili kong mga paa at bakit ibang tao pa ang magtanggol sakin.

Pasalamat pa rin ako dahil laging nandyan si Rose. Mag kasama kami ni Rose pauwi.

"Rose thanks nga pala laging ka nandyan para ipagtanggol ako sa mga bully. "pasasalamat ko dito.

"Sus okay lang yun Jane, hanggat nasa tabi mo ako walang ibang mang bubully sayo, okay? "

"yeah, pero thanks parin. "

"Ano ba yan lagi ka nalang nag papasalamat, alam mo ganito na lang libre mo na lang ako ng milk tea okay na ako dun. " suggest nya.

"sige sige next time or bukas. "sang ayon ko dito.

"sabi mo yan ha, sige bukas. Oh dito na tayo maghihiwalay ayan na bahay nyo. "

"sige salamat uli Rose. " kaway ko dito habang patungo sa bahay.

Nasa pinto pa lang ako naririnig ko agad ang sigawan nila mama at papa. Lagi na lang ganito ang scenario dito pag uuwi ako galing school.

Kumatok muna ako para pag pasok ko ang tahimik na sila. Noong tahimik na ay pumasom na ako.

"Nandito na po ako ma, pa. "

"oh nak, kumain ka na ba? Nag luto ako ng favorite mo. " tanong ni mama at naka ngiti pa ito na akala mo ay walang kaguluhan dito kanina.

"hindi pa po, akyat lang po muna ako."paalam ko dito at umakyat na ako.

At nagpatuloy ang pag tatalo nila mahina lang yun pero may parteng naririnig ko pa. Pumasok na lang ako sa kwarto ko at binagsak ang sarili sa kama.

Nakakapagod na ang laging ganito. Papasok na at mabubully lang, hindi ko sinasabi kila mama kasi tuwing uuwi ako ay nagtatalo sila. Kaya wala akong chance na sabihin sakanila.




Nakatulog ako ng hindi ko namalayan dahil sa pagod. Nagising ako sa katok ni mama.

"nak nandyan ka ba? Kumain ka na. "

Tumayo ako at pinagbuksan si mama ng pinto.

"nakatulog ka ba? "tanong ni mama.

"opo ma. "sagot ko.

"tara na kumain ka sa baba. "yaya nya.

Bumaba na kami, nakita ko si papa na nakaupo at kumakain.

Umupo na rin ako at pinag handaan ako ni mama. Tangin tunog lang ng kubyertos at pagtama neto sa pinggan ang maririnig mo sa sobrang tahimik namin.

Napatingin ako kay papa dahil tumayo na ito.

"tapos na ako, ikaw na bahala dito emma at yung pinag usapan natin. "at umalis na si papa.

"ma saan pupunta si papa? "tanong ko.

"ah sa A-ano..... Sa kaibigan nya niyaya sya nang mga ito eh matagal na kasi sila di nag kikita. "sagot nya.

"ah ganun po ba, eh ano naman po ang pinag usapan nyo kanina? "tanong ko uli dito.

"ah yun nga yung nga baka daw gabihin sya ng uwi kaya wag na daw natin sya antayin. "pag papalusot nya.

Tumango na lang ako kahit hindi ako kumbinsido sa palusot nya.

Pagtapos kumain ay umakyat din ako agad sa kwarto ko. Ginawa ko nalang ang mga assignment ko para di ako gahulin sa pag pasa.



Kinabukasan sabay kami pumasok ni Rose. Ganun naman lagi eh sabay kami papasok at sabay din kaming uuwi.

Iniwan ko na yung ibang gamit ko sa locker ko nang mapansin ko ang isang sobre sa loob neto. Tinignan ko ito kung kanino galing. Nagulat ako nang mabasa ko kung kanino ito galing. Kay Paolo, sya yung tumulong sakin nang ikalat ng mga nang bully sakin yung mga gamit ko.

"wow may pa letter pa, sino yan? "sumulpot si Rose sa gilid ko.

"galing kay paolo, eh hindi ko pa nababasa. "

"basahin mo na jane, bilis patingin ako. " sya pa yung mas kinikilig kesa sakin.

Binuksan ko na ang sobre at binasa ang sulat na nasa loob neto.

"Later, I'll meet you at the cafeteria." yun ang nakasulat sa papel.

"ayyyiiieee hintayin ka daw nya mamaya oh. "panunukso ni Rose. Medyo kinilig din ako pero bakit nya ako hihintayin mamaya?

"bakit nya ako hihintayin? "tanong ko.

"ewan wala naman nakasulat kung bakit diba. "kibit balikat ni Rose.

"baka may kailangan lang, wala din kasi akong phone kaya siguro isinulat na lang nya. " pag babakasakali ko.

"baka nga, ay nako mamaya na yan pasok na tayo anong oras na oh. "sinarado ko muna yung locker ko at hinila na ako ni Rose.

Bakit kaya ako hihintayin ni Paolo?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 29, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Miss Innocence RevengeWhere stories live. Discover now