~KANTA~

50 2 0
                                    

"Jessica!"

Pasabog kong nilagay ang cellphone ko sa study table. Ano na naman ba ang kailangan ng ambisyosang frog na 'to? Charot! Nanay ko pala ang tumawag sa'kin.

"Bakit, ma?!" Pasigaw king tanong sa kaniya nang makapunta ako sa sala.

Napaatras ako nang makita ko si Mama na may dalang walis tambo na nakalagay abg dulo sa balikat niya. Para siyang gangster na mataba bwahahaha. Tapos lukot-lukot pa ang mukha haha.

Kunwing humawak ako sa aming dibdib para akalain niya na nagulat ako sa pagsulpot niya bwahahaha.

"Ma! Nakakagulat ka naman! Akala ko ikaw na 'yong gangster sa wattpad na matagal ko nang hinihintay!" Kunwaring gulat kong sabi sa kaniya.

Kumunot naman ang noo niya. Aba! Akala niya yata na ikinaganda niya 'yan. Tsk.

"Anong wattpad?” Halos matawa ako dahil hindi niya alam kung ano ang sinasabi ko. “Ah! Iyon ba ‘yong nababasa ko sa cellphone mo ba may ‘*gh! *gh!’ doon?”

Halos patulis ako sa aking kinatatayuan dahil sa sinabi niya. Nakatingin ako sa kaniya na para bang nakakita ako ng multo. P-Paano niya na-open ang phone ko? G*gue! May password ‘yon!

“M-Ma?” kinakabahang tawag ko sa kaniya.

“Ano ba ‘yon? Kanta?* inosenteng tanong niya.

Hindi niya alam… hindi niya alam?! Alam kong ampon lang niya ako pero hindi ko akalaing ganito siya ka-inosente!

Sumilay ang nakakalokong ngiti sa aking labi. Tumingin ako sa basket na may damit na bagong laba. Tumingin ulit ako sa kaniya. “Opo! Kanta ‘yon. Sige po, isasampay ko lang po iyang bagong labang mga damit,” kinuha ko ang basket saka kumaripas ng takbo palabas ng bahay.

Humagalpak ako ng tawa nang makalabas ako ng tuluyan sa bahay.

Bwahahahaha! Sinong nagsabi na kanta ‘yon? Basta hindi ako ah? Wala akong sinabi. Bwahahahaha!

Napailing-iling ako naglakad papunta sa bakuran namin nang maka-recover sa katatawanan. Sinimulan ko ng isampay ang mga labahin. Hindi ko pa rin maiwasang tumawa ng mahina dahil simasagi iyon sa isip ko.

“Hoy, Jessuca!” nataptingin ako sa taong tumawag sa akin. “Anong tinatawa-tawa mo riyan? Tinawanan mo ba panty mo?” nakataas ang isang kilay na tanong ng aking malanding bestfriend. Charot! Ang ganda kaya ng bespren ko para maging malandi, pero mas maganda pa rin ako.

Tiningnan ko ang hawak ko. Oo nga pala, hawak ko pala ‘yong kulay asul kong panty ba malapit na mapunit dahil sa kakakuskis ni Mama. Magagamit pa naman ‘to, ‘no! Sayang naman kung itapon ko.

“Pake mo?” sabi ko saka ipinagpatuloy ang pagsasampay. Pero napatigil ako nang may tumamang bola sa ulo ko dahilan para maihagis ko ang aking panty sa kung saan. “Aray!” hinimas-himas ko ang aking ulo. “Mga walanghiya kayo!” hinuha ko ang bola na nasa paanan ko saka hinagis pabalik iyon sa nalalaro. Tumingin ako kay Lucy, ang best friend ko, nang kalabitib niya ako. “Ano?!”

May tinuro siya kaya sinundan ko ‘yon ng tingin. Nanlaki ang mata ko nang makitang hawak ni Crush ang… panty ko!

Mas lalo aking nagulat nang may kumuha no'n sa kaniya at itinakbo

“Hoy! Ibalik mo ‘yan!” sigaw ko at hinabol ang lalaking kumuha. “Ang panty ko!”

After a minute, bumalik ako na nakasimangot. Hindi ko nakuha ang panty ko dahil biglang nawala ang lalaki. Magnanakaw!

“Ano? Nakuha mo ba?” agad na tanong ni Lucy sa akin. Hindi ko siya pinansin at pumasok nalang sa bahay ng nakasimangot pa rin. Naramdaman ko namang sumunod siya sa'kin.

Napahinto ako sa pintuan nang may marinig ako—este kami na kumakanta—este ungol sa loob ng bahay

What the… h*ck?!

“MAMA!”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 20, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now