Date

19 0 0
                                    


"Anong ginagawa mo dito?" Bulong kong sagot sa kanya.

"I'm just wanna make sure na ayos kayo ni.."

"Oh, hi Red. Hi Purple!" Nagsmile smile sya. Sheett gwapo, mukhang matino, at maputi masyado. Pero keri na.

"Hi.." Yan nalang nasabi ko sa kanya. Niyaya na niya ako umupo sa table, tapos tumingin ako kay Red na parang kinikilig sa kasama ko. Nag thumbs up ako sa kanya, ang gwapo e. "Sige na! Go na. Okay na ako." Bulong ko sa kanya baka kasi pagtawanan niya ako na kinikilig kilig, lokohin pa ako.

"So.. Bakit mo nga pala gustong makipag-date?" Tanong niya habang kumakain kami ng slurpee

"Gusto kong mag move on."

"Oh, I kinda like you." Nagwink naman siya sakin.

"Hehe anong pangalan mo?"

"Black Smokey."

"Color din pala name mo."

"Para bagay sayo." Hinawakan naman niya agad ang kamay ko. "Bakit mo kailangan mag move on?"

"E kasi nasasaktan na ako. Masyado nang masakit." Humawak naman ako sa puso ko na ramdam na ramdam ko ang sakit.

"Wag nalang natin 'yon pag-usapan. Let's talk about us." Siguro na-awkward na siya kaya iniba nya ang topic.

"Bakit gusto mong makipag-date?" Ako naman ang nagtanong sa kanya.

"Hmm.. For fun."

"What kind of fun?"

"Come here." Lumabas kami sa 7 Eleven. Pumunta kami sa isang lugar dun na medyo.. Unfamiliar.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko na parang kinakabahan.

"Relaks lang, everything will be just fine." Hinawakan naman niya ang kamay ko. Umupo kami sa bench. Ang Romantic nung place, medyo madilim, kakaunti ang tao, tamang tama lang para sa perfect date.

"Anong ginagawa natin dito?"

"Gusto kong ipikit mo ang mata mo at isandal ang ulo mo sa balikat ko." Utos niya.

"O-okay." Sinunod ko naman ang sinabi niya.

"Gusto kong isipin mo na.. Mahal mo ako. Gusto ko ring isipin mong mahal na mahal kita ng sobra. Just for tonight. Let our hearts collide." Parang ang weird nung lalaki. Black Smokey? Pangalan pa nga lang ang alam ko sa kanya e. Mahal na agad? Pero ginawa ko parin. Inisip ko na lang na si Blue yung nagsasalita. Iniisip ko na mahal niya parin ako, kahit imposible.

Ilang minuto rin akong nag-iisip. Ang mundo ay puno ng katahimikan. Ang sarap pala, nakakafresh ng damdamin. Yung alam mong mahal ka ng mahal mo. Ang kaso nga lang, iniisip ko lang. Kailan kaya darating na hindi hanggang isip nalang?

Kahit saglit lang 'yon. Parang totoo. Masaya siyang kasama. Kahit konting oras lang, gumaan ang loob ko.

Pinili ko nang imulat ang mata ko at baka ako'y makatulog na. Malawayan ko pa siya, nakakahiya naman. "Thank you. Nakakagaan sa loob." Napatitig naman ako sa mata niya, ganyan kasi ako makipag-usap sa isang tao kapag sobrang thankful at sobrang totoo ang sinasabi ko.

Yung mata niya..

"I have to go." Walang pasintabi ay umalis na siya.. Hindi ko lam kung bakit. Naturn-off ba siya?

"Wait.." But still he continued walking away from me.

Iniwan niya akong mag-isa. Sa pinaramdam niya sakin kanina, tapos ngayon, bigla nalang siyang mang-iiwan. Akala ko..

So I stood there waiting for him to come back, but no one is there to pick me up. I guess..

In this world, there is no happy endings.. Because ending means the final chapter of something, the last. And happy means joy.

Its Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon