FINAL CHAPTER

2.8K 83 29
                                    

NILINGON ni Larissa ang nagsalita. Si Manang Nelia.

"Hindi ka na niya narinig, ineng. Dahil kung narinig ka'y hindi aalis ang lalaking iyon. Matigas ang ulo ni Jack pero hindi estupido. Pero kung ganoong nagbigay ito ng ultimatum ay malamang na iyon na nga ang huli, Larissa."

May bahagi ng dibdib niya ang gustong mag-panic. "S-sigurado ho kayo?"

"Nagseselos si Jack. Mahirap na kalaban iyon. At tulad ng sinabi ko, kilala ko ang lalaking iyan mula pa pagkabata. Malamang na tuluyang tumandang-binata iyan. Kawawang Angie."

Nabahala siya. Sa ganoon ba magwawakas ang love-story nilang dalawa ni Jack?

Love story? Akala ko ba'y wala kayong love story? bulong ng isang bahagi ng isip niya.

In one way or another, ang nangyayari ngayon sa pagitan nila ni Jack ay isang kuwento ng pag-ibig. Isang uri ng kuwento ng pag-ibig. At lahat ay may kanya- kanyang kuwento.

And this was their love story, she just didn't realize it.

Humakbang siya patungo sa mga bulaklak na inihagis nito at dinampot iyon. May mga santan, rosal, camia at kung anu-ano pang ligaw na bulaklak.

Kung sa ibang pagkakataon ay gusto niyang matawa. But it was also sweet of him, just the same.

"Ang gusto ko lang namang mangyari'y sabihin man lang niya sa aking mahal niya ako, iniibig niya ako. Mahirap bang sabihin iyon?" Gusto na niyang maiyak sa kabang nadarama.

"Mahal ka ni Jack, Larissa. Hindi mo ba nakikita iyon? Puntahan mo sa rancho. Mag-usap kayo."

Hinarap ni Manang Nelia ang ilang pasyenteng naroon. "Sa center na muna kayo magpatingin dahil kung hindi aasikasuhin ni Doktora ang problema niya kay Jack, malamang na bukas ay mawalan na tayo ng doktor."

WALA siyang katiyakan sa kahihinatnan ng pagpunta niya sa rancho. But she had to do it.

She couldn't just give him up. Totoong puro "gusto kita" ang sinasabi ni Jack. Pero hindi ba't kasingkahulugan na rin iyon ng iniibig siya nito? 

"Inaalok ko sa iyo ang pinakamataas na karangalang maaaring ibigay sa isang babae pero tinatanggihan mo nang dahil lang sa walang kuwenta mong mga dahilan!"

Perhaps he was right. Wala namang mapapala si Jack kung pakakasalan siya nito dahil stable naman ang katayuan nito sa buhay.

Hindi naman nito alam na mayaman siya. Kung ang pagiging ina lang naman ni Angie ang dahilan, surely mababaw iyon para isakripisyo nito ang kalayaan.

Ipinarada niya ang kotse niya sa harap ng bahay- rancho. Agad na lumabas si Angie at sinabing wala roon ang ama.

Na maaaring nasa kural ito. Puno ng excitement ang mukha ng bata nang sumakay sa kotse niya upang hanapin si Jack.

"Magpapakasal na kayo ni Papa? Mama na ba ang itatawag ko sa iyo at magiging tita ko yung bunsong kapatid mo?" nakangiting tanong nito.

Napangiti siya roon. "Ang papa mo ang makapag- papasiya niyan, Angie. Nagagalit siya sa akin. Nagbigay ng ultimatum."

Lumabi ang bata. "Iyan ang lagot. Alam mo, kapag totoong galit na si Papa, lumiligpit na ako. Iliko mo na diyan... hayun!"

Nasa gitna ng paddocks si Jack at nakasakay sa isang kabayo. Inihinto niya ang sasakyan sa malapit at bumaba. Si Angie ay tumakbo at sumampa sa kural, naupo sa pinakamataas na fence niyon.

Lumapit si Larissa sa kural. Si Jack ay abala sa ginagawa nito. Sakay ito ng isang kabayo at pinapaikut-ikot iyon sa walang-lamang kural, tila sinasanay. Marahil ay bata pa ang kabayo at hindi pa nasasakyan.

Iniibig Kita...Mahirap Bang Sabihin Iyon? - A Novel by Martha CeciliaWhere stories live. Discover now