LUHA

3 1 0
                                    

Alam kong luha ang bumubura"saad sa kanta
Ilang luha pa ba ang kailangan kong pakawalan?
Para mabura ang sakit na aking nararamdaman,
Nakakasawa na rin ang sakit na lagi ko nalang nararamdaman.

Nakakasawa naring umiyak sa gabi,
Nakakasawa na ring magkunwaring masaya,
Pinipilit ko namang humanap ng paraan namaiwasan ang nararamdaman kong sakit.

Pero bakit ganun walang paraan,
Walang araw na hindi ko ito mararamdaman,
Nakakatakot ng pumasok sa panibagong relasyon,
Nakakatakot ng magmahal ulit,na baka sa maling tao na naman.

Ganito ba talaga pag nagmahal ka ng todo,
Ganito pala ang kapalit,nakakabaliw
Yung tipong magmamahal kana pero babalik na naman ang nakaraan,
Yung may handa na sanang mahalin ka kaso ikaw naman ang hindi.

Gusto ko ng matapos ang sakit na nararamdaman ko,
Nakakapagod,nakakapang hina,
Minsan naiisip ko ng sana mamatay na'ko,parang tanga diba.

Sabi nga nila laban lang mawawala din iyan,
Tama lalaban ako hanggang sa kaya ko,
Mawawala din ito,titiisin kahit ilang buwan o taon pa man,
Maraming salamat sa mga taong lagi akong pinapatawa,

Lagi niyong tandaan na masaya ako na nakilala ko kayo,
Lalo na ang lalaking huli kong minahal,sana magtagal kayo ng bago mo,
Lagi mong tatandaan na mahal kita noon ngayon di na.

-SHORTS STORIES-Where stories live. Discover now