Chapter 24

266 7 0
                                    

READ AT YOUR OWN RISK!



Parang tanga kaming dalawa habang nakasilip sa dalawang lalaki na kanina pa nakatayo sa labas ng pintuan ng unit niya.

“Paano nila nalaman kung nasaan ka?" tanong ko sa kanya. Kinakabahan na rin ako dahil baka alam na nila na dito rin ako nananatili.

“Gago ka ba? Madalas si Yrich dito noon noong kami pa." sagot nito sa akin. Agad ko naman siyang binatukan.

“Hayop ka talaga! Lagi akong napapahamak dahil sayo eh." naiinis na saad ko rito. Inirapan naman ako nito na tila walang pakialam sa inis na nararamdaman ko.

Seryosong bagay kase ito para sa akin. Ayokong malaman nila kung saan ako dahil alam kong hahanap ay hahanap siya ng paraan para makita ko.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako handa na harapin siya at maging ang mga magulang ko.

“Kasalanan ko bang masarap ang lalaking iyan." nakangising saad nito.

“Yuck! Masarap? Pero iniwan ka pa rin."

Siya naman ngayon ang gumanti ng batok sa akin.

“Para sa kaalaman mo, hindi ako ang iniwan. Ako kaya nang-iwan sa kanya." proud na proud na saad nito.

“Bakit mo iniwan?"

“Nakipagtukaan sa iba eh. Ano tingin mo gawin ko sasaluin yung germs ng iba. Yuck! No way!" diring diri na saad nito at umakto pang nasusuka.

“Ngayon ka pa nandidiri. Pero nung kinain mo sarap na sarap ka."

“Hindi ako yung kumain kase ako yung kinain."

“Bwisit ka!"

Iniwan ko siya doon na nakasilip sa bintana. Bahala siya diyan.

“Makita ka sana ng ex mo." pang-iinis ko pa rito bago dumiretso at pasalampak na nahiga sa kama ko.

Maya maya ay isinara rin nito ang bintana at dahan dahang lumapit sa kama ko.

“Umalis na sila." saad nito saka prenteng nahiga.

Hindi ko na ito pinansin. Ipinikit ko ang aking mga mata upang makatulog. Sa dami ng nangyari ngayong gabi kahit ang kalasingan ko ay kusang naglaho.

Nagising ako sa hilik ng babaeng katabi ko. Napatingin ako sa orasan at saktong alas onse na ng umaga.

“Hoy Shane gumising ka na at umuwi. Tanghali na!" gising ko rito. Pakiramdam ko rin ay ang sakit ng ulo ko. Marahil epekto ito ng alak na ininom namin kagabi.

“Mamaya na magluto ka muna ng agahan. Wala akong pagkain sa unit."

“Bwisit ka." bulyaw ko rito at pinitik sa kanyang labi. Ang ingay kase, kung makahilik akala mo nasa sariling pamamahay siya.

Narinig ko pa ang pagsigaw nito ngunit hindi ko na pinansin. Hinayaan ko siya doon at dumiretso sa kusina upang maghanda ng agahan.

Nagluto lang ako ng fried rice, itlog, bacon at nagtimpla na rin ako ng kape.

Nang maihanda ang lahat ay saktong lumabas ang bwisita (bisita na bwisit) ko rito.

“Ang tagal tumawag ng kainan. Gutom na ako." oh diba, sabi sa inyo eh.

“Kumain ka nalang. Absent ka sa trabaho?" tanong ko rito at saka naupo.

Kumuha ako ng pagkain at hinayaan siyang kumuha ng sarili niya.

“Hmm. Bukas na ako papasok. Ang sakit ng ulo ko." reklamo pa nito.

“Bili tayo advil mamaya sa baba." aya ko rito dahil maging ako ay masakit rin ang ulo. Pati nga katawan ko ay parang binubugbog ng sampung demonyo.

Slowly Series #2: SLOW DIVE | COMPLETED | Onde as histórias ganham vida. Descobre agora