Contract 54- Busina at iba pa.

75.8K 748 90
                                    

This is for Shayine Saturino dahil isa siya sa active na active siya sa fb page ng TBHH :) Salamat po sa inyo.

Mga Langga pakiusap po wag sana tayong mag curse sa comments. Dahil baka may mga sensitive readers po tayo na hindi comfortable sa ganun. Thank you po. :)

----------------------------------------------------------------------------------------------

Hired Day 53- Busina at iba pa.

Isang linggo na ang nakakaraan ng magsimula kami sa operation "Heaven Selos" at sabi ni Pusa nagwowork daw ang plano. Ewan ko pano niya nalalaman. Samantalang ako, hindi ko alam.

Ngayong araw pala ang first day of school ng second sem. Excited na kaming lahat dahil after nito, final year na kami. Yey! At dahil first ay of school ngayon, balik naman ako sa maagang gising.

"Good morning Sarang" bati ko kay Sarang na kasalukuyang nasa tabi ko at may hawak na namang bulaklak.

"Na naman" dahil isang linggo narin akong "binibigyan" ni Sarang ng bulaklak. Tapos paiba iba pa ng uri. Tulad ngayon Purple Tulip na naman. Kahapon, forget-me-not nung isang araw red tulip. Tapos isang stem lang din at may nakasulat na "Good morning - Yours". Hmmm

"Thank you sa flower Sarang, pakisabi sa nagbibigay nito. Aka si daddy mo na salamat. Pero bakit paiba-iba siya ng uri?" pagkatapos kong kunin yung hawak na bulaklak ni Sarang at ilagay sa vase. Pumasok na ako sa banyo para maligo at makapag almusal na pagkatapos.

Pagkatapos kong maligo at ayusin ang sarili ko, bumaba na ako. At ito na naman ang isa pang kakaibang nangyayari sa umaga ko. Isang linggo narin akong may ready made na breakfast. Ewan ko kung san ni Heaven nabibili ang mga ito tuwing umaga. Pero kahit ba binibili niya sa labas kinakain ko parin, para naman hindi niya isiping binabaliwala ko ang effort niya. Kahit hindi ko pinapahalata na napapansin ko ang effort niya.

Pagkatapos kung ubusin ang isang platong mee goreng. Ginawa ko na naman ang lagi kung ginagawa. Hinuhugasan ang plato tapos naglalagay ng "Thank you" note sa mesa.

Tapos lumabas na ako ng bahay dahil naghihintay na si Pusa sakin sa baba. At as usual din pagkalabas ko ng lift naghihintay si Heaven sa lobby. Katabi ni Pusa. Hai. Kahit gustong gusto ko ng sa kanya sumama hindi pa pwede eh. Kahit nasasaktan ako sa ginagawa ko sa kanya, wala akong magawa dahil kailangan din talaga na gawin ko 'to.

Patawarin mo ako langga kung binabalewala ko man ang pinapakita mong effort dahil para rin naman 'to sayo eh. Baka kasi naguguluhan ka or nagiguilty ka lang sa nangyari sa Palawan kaya ito at nageeffort ka sakin. Im sorry langga.

"Good morning ms Jolie/ Good morning Annika" yan din ang lagi nilang ginagawa sakin. Sabay kung bumati. At isa lang ang binabati ko pabalik.

"Good morning too Pusa. Tayo na?" hai. Ang bigat lang talaga sa dibdib ko. :(

"Bakit parang malungkot ka yata ngayon ms Jolie?" tanong sakin ni Pusa habang palabas kami ng hotel.

"Nasasaktan kasi ako sa ginagawa natin kay Heaven. Natatakot din ako na baka mas lumala pa ang problema dahil sa planong 'to."

"Isang linggo palang ang nakakaraan ms Jolie. Maging matatag ka. And I assure you it wont worsen the situation. Just believe me. Ok?"

"Hmmm. Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi ang maniwala sayo."

"That's good."

"Ok."

Nung nakalabas na kami napansin kung hindi na tented ang salamin ng sasakyan ni Pusa.

"Anong nangyari dito sa sasakyan mo Pusa. Bakit hindi na itim ang mga bintana?"

"Nothing. Gusto ko lang palitan."

The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) >>Completed<<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon