TRAVELER 9: Letter

552 18 3
                                    

[Pamela's POV]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Pamela's POV]

"Ano 'to, Pamela?" his voice. Hindi ko mabasa ang emosyon doon.

"Ah, saan mo nakita 'yan? Akin n---" 

Lumapit ako para kunin iyon sa kamay niya pero agad niyang itinaas.

"Sagutin mo ang tanong ko," seryosong sabi niya. Hindi ako makatingin nang diretso sa mga mata niya dahil hindi ko talaga alam kung anong sasabihin. At pakiramdam ko, masusunog ako sa sobrang init ng tinging ibinibigay niya sa'kin ngayon.

"I-ismael, sasabihin ko naman talaga sa--"

"Sasabihin mo? Talaga? Kailan?" sunod-sunod niyang tanong.

"Kailan, Pamela?" bumibigat ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

"K-kapag... "

"Kapag wala ka na? Ha? Gano'n ba 'yon?!" napatungo ako nang biglang tumaas ang boses niya sa huling tanong niya. Nagulat ako at kinabahan dahil baka marinig kami ng mga tao. Magkakadikit lang kasi ang space rito. Kaya tiningnan ko na siya at pinagsisihan ko iyon dahil may galit na sa mga mata niya.

Pinipigilan niya pero nakita ko kung paano unti-unting nagusumot ang mga papel, pati na rin ang ultrasound ko.

"Pamela, aalis ka na naman ba nang walang paalam s-sa'kin? Iiwanan mo na naman ba ko nang w-walang dahilan? Susurpresahin mo na naman ba ko na baka sa isang araw... w-wala ka na n-naman?" Nabasag ang boses niya habang pinipilit ang sariling ilabas ang mga salitang 'yon. Unti-unti nang tumulo ang luha sa pisngi ko at saka tumungo. 

"Akala ko ba, bibigyan natin ng pangalawang pagkakataon ang mga sarili natin? Pero bakit ginagawa mo 'kong t#nga?"

"B-bakit, Pamela?" puno ng pasensya ang tono niya.

"I-ismael..." Lalapit ako pero bigla siyang lumayo.

"B-bakit? Wala ka rin bang tiwala sa'kin?" 

Malamig na sabi niya at bahagya pa siyang tumawa ng mapakla. "Ah oo. Nakalimutan ko pala. Maliit nga lang pala ang tingin mo sa'kin... na alam mong wala akong magagawa para tulungan ka, 'di ba? Kaya ayaw mong ipaalam sa'kin... Bakit tinatanong ko pa nga naman? Ang t#nga ko. Hindi ko agad naalala 'yon."

Mabilis akong umiling nang sabihin niya 'yon.

"H-hindi. Hindi gano'---"

"Eh ano, Pamela?!" sigaw niya sabay tapon sa mga papel na hawak niya. Nabigla ako nang agad siyang lumapit sa'kin kaya napaatras ako.

"Sabihin mo sa'kin ngayon kung bakit hindi mo sinasabi sa'kin na may s-sakit ka na pala?!" Pumiyok ang boses niya at ramdam ko kung gaano niya pinipigilang umiyak.

"H-hanggang kailan natin haharapin ang problema nang mag-isa? H-hanggang kailan tayo magiging ganito, ha?" 

This time, naghahabol na siya sa hininga. Hindi ako nakasagot. "Alam mo kung g-gaano ko kamahal ang mga kapatid ko. A-alam mo na gagawin ko ang lahat para sa inyo pero hanggang n-ngayon, hindi ka pa rin pala nagtitiwala sa--"

The Travelers' PhenomenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon