Chapter 7

220 3 2
                                    

"Happy Birthday Zachariah" we all cheered.

Everyone in the village is invited which is why all of my Lolo Ninongs and Lolo Titos are all here. It turns out that Mr. Vicorra knows all of them because they love Mr. Vicorra's car washing services.

"Ate Sapphira, I'm 8 now" pagyayabang ni Zachariah. I brushed his hair up and kissed his cheeks.

"Yeah ang laki na ng sweetheart ko" niyakap niya lang ako saka pinuno ng halik ang buong mukha ko.

I smiled and nodded at Mr. Vicorra ng makita kong pinapanuod niya kami. 3 years have already passed, actually its close to turning 4. I'm already at my last year sa college. If hindi din sa pagiging mabait na boss ni Mr. Vicorra, I don't think I'll survive college.

May mga araw na hindi ako nakakapasok sakanila kaya paminsan minsa nag overnight sa akin si Zachariah not because trabaho ko but because Zachariah misses me so much. Miss na miss ko din naman siya kaya tabi kaming matulog sa tuwing nag oovernight siya.

Mr. Vicorra is also so generous in terms of help. Sa ibang school ako nag aaral, much farther than the university na tinuturuan niya at pinapasukan ni Zachariah but sometimes he would pick me up from my university pag umuulan at pauwi na ako.

Alam ko namang isa yon sa way niya para masiguradong pupuntahan ko si Zachariah at patuloy pa din ang trabaho ko. Hindi na din naman need non dahil kahit hindi niya sabihin ay papasok ako para kay Zachariah.

Minsan ay nagpaplano na din ako para future ko. Malaking tulong ang trabaho ko kay Mr. Vicorra dahil kung ano ano na ang nabili ko at sobrang dami ko na ding naipon.

Kaya nga naisipan kong kahit may work na ako sa kung anong kompanya, I would still visit them. I'll quit for sure dahil magfofocus na ako sa work ko or maybe I'll review for my board exam.

"Wow!! Thank you Momi Sapphira"

Simula ng malaman ni Zachariah ang tawag dati ni Chastity kay mommy ay ginaya niya na yon. He would always call me momi, hindi naman nagreklamo si Mr. Vicorra and wala naman akong problema dun.

"Do you like it sweetheart?" he opened the wrapper and got the best reaction. Nagulat ako ng bigla na lang siyang lumuha.

"Thank you so much momi" I kneeled in front of him and wiped his tears. Inaasar pa siya ni Chastity na nagvivideo but he didn't mind.

"You really did it" tumango naman ako saka niyakap siya. Umiyak siya sa balikat ko kaya natatawang binuhat ko siya.

"Why are you crying sweetheart?"

"Because you made it for me" lahat naman napa aww ng marinig iyon.

Marunong kasing mag cross stitch si Lala, one morning when I visited their house. Nakita ko na may portrait si mommy don na gawa sa cross stitch. Kaya naisipan kong gawan din si Zachariah. Wala kasing kahit na anong litrato sa bahay nila. There were a few pero sa tuwing may mga program lang sa school. Wala siyang portrait na talagang para sakanya.

Mr. Vicorra tore the remaining wrapper habang karga ko pa din si Zachariah. Lahat naman ay napa awe ng makita iyon. It took me almost 10 months para lang magawa yan, after school ay may trabaho ako kay Zachariah so before sleeping or in the midnight ko lang iyon nagagawa.

"It's beautiful. Thank you" I smiled at Mr. Vicorra.

Hindi naman kasi to unang beses na nagregalo ako sa kanila na talagang iniyakan ni Zachariah. I remember yung unang birthday ni Mr. Vicorra, dinala niya kami sa flower farm nila mommy. I was so shocked ng makita iyon. He even got Tita Catherine's permission na pagstayan namin yung barn na ginawa ni Tita Catherine na parang bahay pero barn style.

Sapphira (Grandeza Series #2)Where stories live. Discover now